AMALIA'S POVNagising sya dahil sunod-sunod ang pag ring ng cellphone nya. Napabalikwas sya nang bangon ng makita na wala na si Marco sa tabi nya.
"Marco?"
Dinampot nya ang phone nya ng mag ring ulit ito. It's Dimitri calling, Marco's brother.
"Hello?"
"Hi, Ate! Naisturbo ba kita?"
I am imagining his face saying this in front of me. Napacute siguro nya.
"Not really, bakit ka napatawag?"
"Lance and I wanted to visit you but Dad won't allow us. Ang sabi nya, 2 weeks pa bago sya pumunta dyan sa Cebu."
"Gusto mo ba sunduin kita?"
"Really?"
"Yeah, if your Dad will allow you."
"Oh wait! I will call Kuya Marco muna. Bye Ate!"
Sumandal ako sa headboard ng kama. I just realized Marco left. Babangon na sana ako ng mahagip ng mga mata ko ang silver necklace nya na nakapatong sa isang envelope. May note na iniwan si Marco. Dinampot ko ito at binasa.
"Read the letter when I leave, Alli. I miss you already, sweetheart."
Kinuha ko ang silver necklace nya at tiningnan ang pendant. Dalawang rectangle kasi ang nakakabit. Ang isa ay may naka engraved. Code name, birthdate, blood type at kung ano ang kanyang position.
Napabuntong hininga ako. 4 to 6 months is too long. Di ko rin alam kung makokontak ba ako ni Marco sa loob ng anim na buwan na yan.
Tinawagan ko si Armando at sinabihan na tulungan nya ako sa mga gamit ko. I am planning to check-out at bumalik sa hacienda ngaun.
Pagkatapos ko mag check-out ay nagpahatid na ako kay Armando sa hacienda.
"Señorita, you n-eed to hide your kiss marks again."
Mabilis ko na tinakpan ng kamay ko ang namumula ko na leeg. Si Marco talaga! Di pa nabura yung ginawa nyang kiss mark sakin sa Santa Fe! Dinagdagan nya pa kagabe.
Inabot sa akin ni Armando ang isang scarf. Pagdating sa hacienda ay wala si Papa. Mabilis ako na pumasok sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama. Natulog lang ako buong araw dahil na rin siguro sa pagod.
Ginising lang ako ni Armando dahil kailangan ko kumain. Di na ako nakalunch kanina.
Nagbihis na muna ako ng pantulog na may kwelyo para matakpan ang namumula ko na leeg. Yung sa ibabaw na side ay nilagyan ko ng band-aid ulit.
Pagbaba ko sa kusina ay nagulat ako na makita si Albert kasama si Papa. Anong ginagawa nya rito?
"Amalia, kumain ka na ba?"
Di ko sya pinansin! Ang lakas ng loob nya tawagin ako sa pangalan ko!
"Sit beside Albert and join us for dinner."
Utos ni Papa sakin.
"Busog ako Papa."
Nawalan na ako ng gana kumain ng makita ang kasama nya! Tatalikuran ko na sana sila ng mag salita ulit si Papa.
"Cancel your deal with the Dela Pierre, Amalia!"
Marahas ako na lumingon kay Papa.
"At bakit ko naman gagawin yan Papa?"
"I don't want you hanging out with his son! Engage ka na kay Albert, Amalia!"
Tumawa ako ng mapakla.
YOU ARE READING
2ndGenBook3: One night stand with the untamed heiress
RomansaMarco Luhance Dela Pierre and Amalia Fuentes Story