Final Chapter

760 58 13
                                    

"Ang gaganda talaga ng mga De Salvo!"

Napaangat ako ng tingin kay Dumas nang bigla na lang niyang bitawan ang hose na ginagamit sa pagpapaligo ng kabayo. I hissed inwardly at his recklessness, dahil sa ginawa niya ay nabasa ang damit ko, nagulat pa ang kabayo at muntik magwala kung hindi ko lang agad nailapat ang aking kamay sa leeg nito.

"Dumas, mag-ingat ka." Kalmado kong sita sa kaniya kahit pa ngayon ay pinoproblema ko na kung paano patutuyuin ang damit ko.

Kalahating oras lang ang meron ako bago ang interview ko sa SDL Air. I needed to get into their scholarship program if I wanted to change my life for the better. Kung hindi lang nakiusap sa akin si Uncle Roy na tulungan si Dumas sa pagpapaligo sa mga kabayo ay kanina pa ako nakaalis. Hindi ako makatanggi. Hindi ko masabi rito na hindi sana ako puwede dahil nga sa interview. Masyadong mabuti si Uncle Roy sa akin para hindi ko pagbigyan ang anumang hihilingn nito.

Naisip kong kaya naman ito... Madali lang na matatapos at nakabihis na rin naman ako. Kung may mababasa man ay laylayan lang ng pantalon ko dahil hindi naman malilikot ang mga kabayo. But then, there's Dumas.

"Sorry, Hans. Hindi ko sadyang mabitawan," kinuha niyang muli ang hose, pinatay ang gripo pero ang mga mata ay wala pa rin sa ginagawa.

I followed his line of vision. Doon ko nakita ang dalawang dalagang De Salvo na nagkukuwentuhan at nagtatawanan habang nakasilong sa ilalim ng puno ng Molave. They were waiting for their cousin, Kade, to pick them up.

"Ganda talaga ni Señorita Caice! Mas gusto ko siya kaysa kay Señorita Kourtney dahil hamak na mas mabait at pala ngiti."

Caice.

Caice De Salvo.

The name alone had a weight to it. Sandali kong pinagbigyan ang sarili ko na pagmasdan siya mula sa malayo. Nakatayo siya roon at nakikipagkuwentuhan sa pinsan niya na tila ba naliligaw at hindi nababagay sa rito sa rancho. I stared at her, taking in every detail as if memorizing a dream. Nililipad ng pang-hapong hangin ang kaniyang kulay mais na buhok. It shimmered like spun gold, mas nakakatawag pansin sa kahit sinong mapalingon. Pinagmasdan kong maigi ang makinis at maputi niyang balat na tila nakakatakot hawakan dahil baka marumihan. The more it made the realziation dawned on me of how she'd been carefully preserved in a world where people like me didn't belong. Maganda si Caice. Hindi lang maganda kundi magandang maganda. And yet, she was the kind of beauty that felt unattainable, distant—like heaven itself.

Hinding-hindi ako makakalapit sa kaniya. Masuwerte na nga at nakikita ko siya. She was the sun, and I was barely a shadow in the dirt beneath her feet.

"Huy, Hans! Tulala ka na sa ganda ni Señorita Caice, ah!"

"Mas maganda 'yung isa," sabi ko na lang kahit ang totoo ay hindi ako nag-abalang balingan ng tingin ang kausap niya.

"Ah, si Señorita Kourtney pala ang gusto mo. Kaya lang masungit 'yan, eh! Hindi tayo papansinin lalo niyan, hindi katulad ni Señorita Caice!"

Señorita Caice.

I sighed heavily and got back to what I was doing. Itinuloy ko ang pagpapaligo sa kabayo habang si Dumas ay ganoon rin. Hindi nga lang siya natigil sa kakasabi kung gaano kaganda si Caice na para bang kailangan niya pa ng pag sang-ayon ko. One thing I wouldn't give him. Kahit gaano pa kaganda si Caice, hinding-hindi ko puwedeng ilaan lamang doon ang atensyon ko.

"Pagkakataon mo na, Hans,"

Paulit-ulit kong naririnig ang tinig ni Tiyo Ramon nang kausapin ako nito matapos kong ipaalam na kinuha ako ni Roy De Salvo upang magtrabaho sa rancho ng pamilya nila. He hated the De Salvos, and he had his reasons.

Chaos and RainbowsWhere stories live. Discover now