Bea POV
It was Cait's birthday and I wanted to give her something na katerno ng necklace ko. I ordered a custom made Tiffany necklace na ang pendant ay kagaya ng keychain ng car key ko.
Pinagdahilan ko sila Thang para mailayo muna nila si Cait habang inaayos ko sa condo ni Cait yung suprise ko para sa birthday niya. I want her 1st birthday namin na magjowa to be special kaya ineffortan ko talaga.
Inayos ko na yung mga letters na dinikit ko sa wall above her bed headboard. Then I put petals in her bed at sinetup ko na ang table niya para sa makeshift candlelit dinner namin. Nang maayos ko na pinadeliver ko na yung flower na inorder ko kanina. Sakto dumating na din yung mga pinaluto ko kay kuya Loel. Buti na lang free siya today. Minessage ko na si Isa.
Bea: Pwede niyo na papuntahin si Cait naayos ko na lahat.
Isa: Sige ate Bei pakakawalan na namin to.
Bea: Haha sige balik niyo sakin ng buo pakakasalan ko pa yan.
Isa: Charotera ka ate Bei kasasagot lang sayo this year.
Bea: Wala naman masama mangarap. Very wife material din kasi si Cait.
Isa: Sige basta invite mo kami sa kasal niyo. For sure bongga yun ikaw pa ba?
Bea: Of course invited kayo. Pwede ba naman makalimutan ko kayo pag nangyari yun?
-----------------------------------------------
Pagbukas ni Cait ng room. Pipindutin niya dapat ang switch ng ilaw pero nahawakan ko na agad ang kamay niya while hiding behind the door.
"Don't turn on the lights love. It's just me."
"Ginagawa mo dito Bea kala ko umuwi ka?"
"Mamimiss ko ba naman ang araw na to?"
Pumasok na to at piniringan ko na siya. Habang inaalalayan papunta sa bandang bed at binukas ko na ang pailaw ko sabay inalis ang blindfold niya.
"Wow love effort a. Di ko inexpect."
"Well that's not all. Shall we?"
Kinuha ko ang kamay niya at pinag urong ng upuan at umupo sa tapat niya.
"Ang pogi mo naman nakasuit ka pa samantalang ako naka t shirt. Pagbihisin mo naman ako ng maayos."
"Sabi ko nga sige intayin kita love balik ka agad a."
Paglabas niya ay nakablack sleeveless tube top siya with a matching black flowy pants. Simple but captivating pa din. Sinerve ko na yung mga niluto ni kuya na sobrang sarap nabusog kami. After we ate I held her hand.
"I'm not done yet, I have something to give you." Tumayo na ko para kunin yung bulaklak at isang small paperbag with the necklace inside at inabot sa kanya.
"Hala nag-abala ka pa love."
"Syempre naman. Open it."
"It looks nice love. Kinda looks familiar tho."
"That's the same as my car key keychain. Kaya for sure nakita mo na." I took out my necklace to show to her.
"I wanted to get you something that matches mine."
"Thank you love. Can you put it on me?"
"Of course love." Tumayo na ko and went behind her back. Hinawi ko yung hair niya slowly and gently making sure every touch is sensual syempre. Nilagay ko na sa leeg niya yung necklace. Then slightly massaged her shoulders.
"There you go beautiful. It looks good on you. Bea's property, no trespassing."
"Baliw mo. Ikaw nanghihipo ka na naman kala mo di ko pansin a."
"Bakit wala bang birthday...alam mo na."
"Wala. Joke galingan mo maaga pa ang gabi pwede ko pa pag-isipan."
"Fine I will give you something to think about." Pagkindat ko dito at inaya ko na siya sa kama so we can relax para manood ng movie.
-----------------------------------------
Nasasama ako minsan ni Cait sa kumu niya especially with Thang, Isa and Reg. Naging kaclose ko na ang mga kaibigan niya dahil nung pumoporma pa lang ako sumasama ko sa kanila madalas para lang makasama si Cait. Kahit iba mga trip nila, the things you do for love.
One time ng nagkukwento ako about wanting food nakakumu pala sila. I was craving mcdo and Caitlin was teasing na libre niya na pero nakaorder na ko e.
"Kunin mo na lang yung mcdo." Hirit ko dito pero pinandilatan lang ako as if daring me. She didn't back down with that stare until I gave in.
"Kukunin ko na lang yung mcdo." And she gave me that sweet smile of victory. Gawd wala kong panalo sa babaeng to. Nasisira image kong dominant.
================================
AN: Enjoy your vacay CB 🤭
YOU ARE READING
How Did We Get Here?
RomancePinangako ko noon sa sarili ko someday mapapansin mo din ako. And when that day comes I will do everything in my power to make you mine.