Chapter 2

623 9 2
                                    


Katatapos lang ng practice, umupo sa sahig si Cait sa may gilid upang icheck ang phone niya at sumambulat sa kanya ang napakaraming pics ng panloloko ng kanyang boyfriend sa kanya. Pinipilit ni Cait na wag ipahalata ang mga luhang pilit na kumakawala sa kanyang mga mata. Subalit sadyang nanaig ang pait na nadarama kaya umagos pa rin ang mga luha na pinahid niya gamit ang kanyang mga palad.


Naramdaman na lamang nito na may sumandal sa pader at tumabi sa kanya at may inaabot na panyo.


"I will listen when you're ready."


Pinahid ni Cait ang mga kumawalang luha gamit ang panyo ni Bea pero paglingon niya dito ay nagoffer lang ng maliit na ngiti ang nakatatangkad na babae at di na napigilin ni Cait ang sarili ibuhos ang nararamdamang lungkot. Sa mga panahon na yun alam niya kailangan niya ng masasandalan. Tumayo siya at sumubsob sa dibdib ni Bea at niyakap naman siya nito at hinalikan sa bunbunan.


Matapos maibuhos ang lahat ng hinanakit sa pag-iyak nito ay tumayo na sila para mag-ayos ni Bea.


"Sorry Bei nabasa ko yung damit mo."


"Don't worry about it. Maliligo naman ako pagbalik ng room."


Paglabas ni Cait after maligo hinanap niya si Bea pero wala ito sa loob ng kwarto. Nakita lamang niya na may ice cream sa table niya at may papel na katabi.


Ice cream always makes me feel better. I hope it does to you too. -Bea


Iba pala talaga siya pag nakilala mo na. All along ang pananaw ni Caitlin kay Bea ay mayabang at maangas. Dahil ganun niya ito nakilala sa court. Grabe kung magcelebrate ng point at nang-aaway pa ng referee. Di niya talaga ito makakasundo pero sadyang mapaglaro ang tadhana at ginawa pa silang roommates kaya dun niya ito unti unting nakilala. Maaalalahanin pala ito sa mga kasamahan.


--------------------------------------------------------


"Makikipagtitigan ka lang ba sa pagkain? Or kailangan pa kitang subuan?"


Napalingon si Cait dito ng narealize niyang nakatulala na naman siya sa breakfast ng team.


Pero nagulat si Cait ng sobrang lapit ng mukha ni Bea paglingon niya dito medyo nakaramdam siya ng konting ilang at napaurong ng bahagya.


"Kakain naman ako wait lang naman."


"Well they all finished and left as you can see."


Napalingon ito sa paligid at dalawa na nga lang sila ni Bea sa lamesa.


"Hala bakit di mo naman ako sinabihan agad."


"You were in deep thoughts nakakahiyang istorbohin. I just did so kasi naiihi na ko."


"Tapos ka naman ng kumain bakit andito ka pa? Go na mag cr ka na."


"Kaya ko pa naman. I told them I will wait for you."


Binilisan na ni Cait ang pagkain dahil sa hiya at ng makapagbanyo na ang kasama.


Nagbanyo na ito ng mabilis at sinabayan maglakad si Cait pabalik sa room.


"Ayaw mo ba ng food? I can order food later if you want."


"Ano ka ba wag na."


"You are not taking good care of yourself Cait."


Hindi agad nakasagot si Cait. Napabuntong hininga na lang ito.


"Hindi mo rin naman maiintindihan kahit sabihin ko sayo."


"Try me."


"Tell me Bei. Panget ba ko? Kapalit palit ba ko? Biro lang ba yung 5 years na mag-stay ka sa isang taong mahal mo para lang palitan ka ng ganun kadali?"


Dumampi ang kamay ni Bea dito.


"Di ka panget, far from it. And your bf is dumb for letting you go. It will get better Cait trust me. Hang on tight lilipas din yung pain."


"Di ko alam gano katagal ko mararamdaman to. Sorry Bei nakakahiya sayo kakakilala lang natin tapos ganito mga naririnig mo sakin."


"Don't be. Cait andito lang ako. Andito lang kami para sayo. Pwede mo ko sandalan anytime."


"Promise? Di ka magsasawang makinig kahit maging parang sirang plaka ko?"


"I hate promises. But I will be there kahit humihilik na ko sa haba ng rants mo."


"Thank you."


=====================================


AN: Game day tomorrow good luck Caitlin and Farm Fresh.

How Did We Get Here?Where stories live. Discover now