STACEY'S POV
Andito kami ngayon sa bahay ng attorney ni jho, para malaman lahat ng katotohanan sa loob ng kulungan nung mga araw nayun, nakakapag taka lang din kasi sa loob ng tatlong taon hindi man lang nag karon ng hustisya si jho.
"Staks ready kana? " tanong sakin ni Gwen, tumango naman ako dito bilang sagot.
Nag doorbell na si Gwen at hindi ko maiwasan ang kaba, para bang may mali. Bukas naman ang pinto at bumungad samin ang attorney ni jho.
"Oh Gwen long time no see" bati nito kay Gwen.
"I want you to explain and tell us the truth" malamig na sagot ni Gwen dito.
Tumingin pa sakin ang attorney ni jho tska kami pinapasok, pinaupo nadin kami sa couch.
"May gusto ba kayo inumin? " tanong nito samin.
"Wala, aalis din kami agad pagkatapos namin pakinggan ang mga totoong ngyari" malamig na sagot dito ni Gwen.
Hahayaan ko nalang na mag salita si Gwen dahil baka sumabog lang ako sa galit kapag ako ang nag salita. Nag explain naman agad yung attorney ni jho at pagkatapos non ay umalis na din kami agad, tahimik lang kami sa kotse ng biglang nag salita si Gwen.
"Parang ang daming mali sa mga kwento" panimula nito, napatitig naman ako sakaniya.
"Anong ibig mong sabihin Gwen? " tanong ko dito habang nagmamaneho ito.
FLASHBACK
JHO'S ATTORNEY POV
Papasok na sana ako ng cafeteria ng kulungan para kausapin si jho ng may biglang tumawag sa likuran ko.
"Attorney" tawag nito ng malamig kaya't hinarap ko ito, naka mask ito at hoodie.
"Anong kailangan mo? " tanong ko dito, at lumapit naman ito ng kaunti.
"Kung si jho ang dadalawin mo diyan, wala kanang madadalaw, kaninang umaga tinakbo siya sa hospital balita ko nga dead on arrival" nagulat naman ako sa mga narinig ko dito.
"Can you pls tell me more? "Sagot ko dito, at tumango naman ito.
"Sabi nila puro bugbog ang inabot ni jho sa loob ng kulungan ni isa sa mga inmates walang nag lakas loob na tulungan siya, utos din daw iyon ni Mr. Sevilleja, binayaran din ang pulisya para hindi hatulan ang mga gumawa noon kay Jho, mag iingat ka attorney, baka ikaw ang isunod nila" pag katapos nito mag paliwanag ay agad naman itong umalis.
END OF FLASHBACK
STACEY'S POV
"Lahat talaga pakana ni daddy" inis kong sagot.
"Idaan mo'ko sa bahay namin Gwen. " inis kong utos dito.
"Kung ano man yang pinaplano mo staks wag mo ng ituloy delikado yan" pag pigil nito sakin, I had enough, ayoko napa palagpasin to.
"Gawin mo nalang Gwen! " sigaw ko dito kaya wala na itong nagawa pa.
Ilang minuto pa ay nakarating na din agad kami sa bahay, agad naman ako bumaba at tumakbo sa loob, naabutan ko sila na nasa sala.
"Oh stacey anak andito kana pala" bungad sakin ni mommy, pero ang tingin ko ay nakay daddy lang.
"Buti at dumating ka, tara ipapakilala na kita sa fiance mo" tumayo ito at akmang lalapit na.
"Subukan mong lumapit, sisiguraduhin ko na mawawalan ka agad ng buhay" pananakot ko dito.
"Anak, para to sayo" pag pupumilit nito.
"Sawang sawa nako sa rules ninyo! Ipinapatay niyo pa ang taong mahal ko! Hindi paba sapat sainyo yung ipinag layo niyo kami? Na hindi niyo sakin pinaalala ang lahat? Hindi paba sapat lahat ng yun? Nung una namin pagkikita sinaktan ko agad siya! Ano pabang gusto niyo?! Ano pabang dapat kong gawin para masunod naman ang gusto ko para sa sarili ko? Magulang ko ba talaga kayo?! Parang hindi kasi eh, ginagawa niyo akong alipin! Bawal sa ganto bawal sa ganyan curfew dito curfew don! Dapat ito mahalin mo hindi yan? Wala ba talaga akong karapatan na sundin ang puso ko!? Tao ako dad! Hindi ako robot! Lalong hindi niyo ako alipin!" Sigaw ko dito habang umiiyak, narinig ko din ang pagbukas ng pinto at pumasok na si gwen.
YOU ARE READING
Twisted Fate (Jhocey)
Mystère / ThrillerJhocey !!Disclaimer!! •This story are made pure imagination. Please seperate friction to reality. •This story contains Spg scenes like s*x, and k*lling kaya kung hindi niyo kaya please wag niyo nalang basahin, also if your not agree with the girl...