January 1,2025
Before the temporal journey
Solomon 💌
DUMATING ako sa cafe sa eksatong oras, ngunit nauna na pala ang ka-blind date ko habang nakaupo ito sa bandang likuran. Nang magtama ang paningin namin, she raised her hand upang makuha ko ang kaniyang atensyon.
"Hi beautiful." Salubong ko sa kaniya at hinalikan ang kaniyang kamay. Nagulat naman siya sa aking ginawa at agad na namula.
Jeez! Ang dali lang talaga na ma fall ng mga kababaihan.
"U-Umupo ka muna." Gaya ng sinabi niya, umupo ako sa tapat niya. It's not my first time sa blind date, so alam ko na ang mga dapat na gagawin. Ang early din niya pala dahil nauna pa siya talaga sa'kin. Maputi at maganda ang balat niya, kaya pasok siya kaagad sa standard ko.
"What do you want? Sagot ko na ang lahat." Turo ko sa menu sa table. Dahan-dahan niyang inilagay ang bangs sa tainga niya at pinakita sa'kin ang diamond na earrings nito.
"Kahit ano na lang, kasi I want you more na kaagad." Napatawa ako nang mahina sa banat niya. Hello? That's so cringe?
"I want Capuccino, ganun din ba sa iyo beautiful?" tanong ko. Bigla naman siyang tumili habang ngumiti lamang ako na nakatitig sa kaniya. Kinilig ata nang sabihin ko ang salitang beautiful.
"Yes please!" Tumango ako at agad na tinawag ang waiter. Lumapit naman kaagad ito habang may dala na small notebook at ballpen.
"Capuccino with a carrot cake, but you can give the carrot cake sa binibini." Lumingon pa ako sa kaniya habang napakagat naman siya sa labi.
"Noted sir. Enjoy our cafe!" Umalis na kaagad ang waiter matapos makuha ang order namin. Napatingin muli ako sa babaeng kaharap ko habang nakangiti. Nakasuot nga pala ako ng kulay sky blue polo at black trouser.
"What's your name?" tanong ko.
"I'm Amanda. Ano naman ang pangalan mo?" Pabalik na tanong niya. Bagay sa kaniya ang pangalan na Amanda.
"Solomon." I shortly answered.
"Single?" tanong ko ulit na ikinagulat niya.
"Sigurado akong single ka, diba? Hindi ka naman siguro pupunta dito kung hindi ka single—"
"Amanda? Anong ginagawa mo dito?" Napatigil ang pag-uusap namin ng ka-blind date ko, when a mysterious guy approached our mesa. Nakatingin siya kay Amanda na may halong pagtataka ang itsura. Napakunot ang noo ko while looking at Amanda and the guy, back and forth.
"Magkakilala kayo?" tanong ko na may pagdududa. The guy is wearing an eyeglasses, pero ang nakakakuha ng atensyon ay ang malalaking muscles nito sa katawan. Siguradong mahilig mag work out ang lalaking ito, while other people turned their gaze towards us.
BINABASA MO ANG
Dear Binibini
Historical FictionWhen a young man from 2025 mysteriously swaps bodies with a 19th-century girl, they must work together to uncover the truth behind their magical connection in order to return to their own bodies.