Solomon 💌
Dear Binibini,
Kamusta ka? :)Wait. Why am I so nervous? Parang sinaunang chat ba 'to or something more magical? Bakit ba kasi ako kinabahan ngayon?
It's not like I've never talked to a girl before, you know?
Kanina pa ako naghihintay sa reply ng totoong Teresita. Hindi pa ba siya nakauwi galing sa DLSU? I'm really curious about how Teresita handles things as a Solomon.
Sa kakahintay ko, bigla namang lumiwanag ang pahina. Looks like may bagong words that have shown up again.
I-It's from Teresita! Finally!
"Mabuti naman, nakagugulat lang ang mga pagbabago rito."
I just found myself smiling after reading her message. Napatikhim muna ako, bago may isinulat sa pahina.
"Mahirap bang maging Solomon?"
"Sobra, dude."
Napatawa ako nang mabasa ang 'dude' sa isinulat niya. Oh, she's a fast learner.
"Saan mo natutunan ang salitang 'dude'?"
"Sa iyong kaibigan na si Marco."
"Paumanhin kung parang nasisiraan ng bait iyan si Marco, ngunit mabait siya na kaibigan."
Sorry Marco for destroying a little image of yours. Kasi totoo naman talaga—
"Para mo naman siyang tinaga nang palihim. Natutuwa nga ako sa kanya dahil tinulungan niya ako sa mga aralin dito. Marami na rin akong natutunang mga bagong salita. Ibabahagi ko sa iyo sa susunod!"
I'm glad she's handling things well as a Solomon, and I appreciate it na may mga nalaman din siyang mga bagong salita sa panahon ko. I never imagined I'd feel proud of her. That's a really good news for me.
And hindi pala ito sinaunang chat nor something magical. Kasi kung ako ang magpapangalan sa way of communication namin ngayon, ang itatawag ko ay...
mala-TereSol method!
"Solomon? Nariyan ka pa ba?"
"Oo, Binibini. Natutuwa ako dahil may natutunan ka sa panahon ko kahit papano."
"Ikaw? Kamusta ka bilang Teresita?"
Napahinto ako sa tanong niya. Bago pa man ako sumagot, may isinulat na naman siya na biglang lumitaw sa pahina.
BINABASA MO ANG
Dear Binibini
Historical FictionWhen a young man from 2025 mysteriously swaps bodies with a 19th-century girl, they must work together to uncover the truth behind their magical connection in order to return to their own bodies.