Solomon 💌
In a date, a lot of men's thoughts about selecting a romantic places or special spots. Such as, garden filled with flowers or to a romantic park. Also, another great date idea is to treat your partner to a food tour.
Kung ako naman ang tatanungin n'yo, a concert or cinema are also memorable spots for a date. Ang dami talagang lugar for a date, ngunit jowa na lang talaga ang kulang kasi kung wala ka namang jowa, wala namang silbi.
Pero kung may gusto ng dating advice, aba syempre, I'm just a short distance away; feel free to call me.
Ngunit sa kasamaang palad nga lang, ako pa ang naging babae sa panahon ng Spanish Era at ako ang dinala for a date ngayon!
Sht!
Nandito kami ni Felipe sa teatro habang nakaupo sa harapan na may bakanteng upuan. Sa likod naman umupo si Isabel habang nagmamasid sa amin ni Felipe. Jusko! May bantay pa talaga kami.
May simpleng entablado ang teatro na sapat na upang makita ng lahat ng manonood. Mayroon ding pulang kurtina sa entablado habang hindi pa ito binubuksan. Mayroon ding lamps o lantern sa loob ng teatro na papatayin nila kapag magsisimula na. Actually, first time kong pumunta sa isang teatro. First time kong mapanood ang isang live performances na may live actors. Ang nakaka excite nga lang, ay nandito ako sa kapanahunan ng Kastila at excited akong matuklasan ang pamamaraan ng kanilang performances.
Suddenly, the lights go out, it means the performance is set to begin any second now. Nang binuksan na ang pulang kurtina papunta sa gilid, magsisimula na ang palabas. Ngunit bigla namang nagsalita si Felipe sa gilid ko upang nawala ang focus ko sa stage.
"Naalala mo pa ba? Dito tayo sa teatro unang nagtagpo." Kahit madilim ay parang naaninag ko nang kaunti ang pag ngiti ni Felipe.
Pero talaga? Dito sila unang nagkatagpo ng totoong Teresita?
Maitanong ko nga kay Teresita kung ano ang love story nilang dalawa mamaya.
Hindi na pala ako sumagot sa tanong ni Felipe. Hindi naman kasi talaga ako ang totoong Teresita, kaya wala akong maalala na dito kami nagtagpo. Sumabay na lang ako sa palakpak ng mga tao nang magsimula na ang palabas para umiwas sa kaniyang tanong. However, he was discussing something again. Grabe ang daldal niya!
"Baka iyong nakalimutan na ikaw ay isang sarsuwelista o mananayaw dito sa Teatro Reyes?"
Isang sarsuwelista si Teresita? Dito sa Teatro Reyes? Shit! Ganun ka level na galing pala itong si Teresita pag dating sa pagsasayaw?
BINABASA MO ANG
Dear Binibini
Historical FictionWhen a young man from 2025 mysteriously swaps bodies with a 19th-century girl, they must work together to uncover the truth behind their magical connection in order to return to their own bodies.