Kabanata 12

25 6 6
                                    

Solomon 💌

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Solomon 💌

I was so irritated with Isabel, but I couldn't help trailing behind her. Si Isabel iyong klaseng matapang na babae, na sa unang tingin mo palang sa kaniya, matatakot ka na agad. Yet, she maintained her modesty, with a distinctly Filipino essence. Talagang astig lang talaga ng aura itong ate ni Teresita.

Kung sa panahon ko sa taong 2025, she had the potential to be a gangster queen and her icy stare intimidating many men. Buti na lang talaga hindi pa uso ang gangster sa panahong ito.

"Can we eat something else?" bulong ko kay Isabel habang bumibili naman siya ng bitter gourd or in tagalog, Ampalaya.

I'm aware that Teresita loved Ampalaya, but I'm not the real Teresita, and that's the vegetable I dislike the most. Hindi kasi ako bitter!

"Maaari mo ba akong hindi kausapin sa wikang Ingles? ¡Me parece que me estás tomando el pelo! (Parang pinaglalaruan mo ako!)"

I gave her a blank stare as my answer. Hindi ako dapat na gumamit ng wikang Ingles, yet she spoke in Spanish, na hindi ko naman maintindihan.

Damn it!

"Napansin ko lamang, Teresita, na tila may nagbago sa iyo."

Napalunok ako dahil sa biglaang sabi ni Isabel. Alam ko naman talaga na sobrang opposite namin ni Teresita.

"Naalala mo pa ba ang mga salitang binitiwan mo tungkol sa dahilan kung bakit ampalaya ang iyong pinakapaborito?"

"Dahil masarap ang Ampalaya? Mapait? At masustansiya?" sagot ko. Umiling-iling naman si Isabel.

May iba pang dahilan si Teresita?

"Noong ikaw ay sampung taon pa lamang, talagang likas na sa iyo ang hilig sa pagsasayaw, Teresita. Pumunta tayo sa pagdiriwang ng kaarawan ng Gobernador-Heneral na tayo'y inimbitahan. Ang mga pagkaing nandoon ay pawang mga masasarap, ang ilan ay halos maubos na, maliban sa Ampalaya na nakatambak sa mesa. Naalala mo pa ba kung ano ang ginawa mo nang makita ang ampalaya na hindi kinakain ng ating kasamahan noon?"

Umiling naman ako ng slight at hindi ko ipinakita kay Isabel. Wala naman talaga akong maalala dahil hindi naman ako si Teresita.

"Inubos mo ang ampalaya."

"Really? I mean—ganiyan ako na matakaw noon?" Napatawa naman kami pareho ni Isabel. Ngayon ko lang ata nakita na ngumiti si Isabel sa akin. Adik pala sa Ampalaya si Teresita! Adik na adik haha!

Dear BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon