Solomon 💌
"Tama nga pala talaga ang sinabi ng iba, talagang kahanga-hanga ang galing ni Binibining Teresita. Mahusay!"
I sway my hand playfully, a light laugh escaping my lips as I insist, "Hindi naman po hihihi. Grabe naman po kayo!"
I believe I'm the first to do a Kpop cover in this era, kaya na shock silang lahat sa ginawa ko. What if sasayaw ako ng Gangnam style next time?
"Ngayon ko lamang natuklasan ang gan'tong uri ng pagsasayaw," sambit naman ng matandang babae habang nagsalo-salo kami sa isang mahabang mesa. Hindi pa sila naka move on sa sayaw ko ng 'Boombayah' kanina.
Grabe na ang papuri nila sa'kin! Ako lang 'to oh!
Tumawa ako nang malakas habang nakahawak sa tiyan, tsaka hinampas si Isabel sa likod ng tatlong beses. Akin ding ipinatong ang dalawa kong paa sa upuan. Nagulat naman silang napatingin sa'king posisyon.
"LT talaga kayo!" Natatawa kong sabi at sunod ko namang hinampas ang likod ng ama ni Teresita sa kabilang gilid ko. However, my laughter faded when they all turned their eyes towards me and everything turned quiet.
"What?" bulong ko kay Isabel nang tinignan ako nang masama.
"Mahiya ka naman sa mga bisita, Teresita. Eres una mujer!" (Ikaw ay isang babae!)
"Ha? May nagawa ba ako?"
"Ibaba mo ang iyong mga paa at ituwid mo ang iyong pagkaupo. Hindi rin angkop sa isang binibini ang ganyang paraan ng malakas na pagtawa," bulong ni Isabel sa'kin.
I finally get it.
I gently lowered my feet to the ground. Napa "tss" ako by Isabel's words. I think it's a fact that this generation are quite conservative.
Muli akong napatahimik at sinunod ang utos ni Isabel na ate ni Teresita. Honestly, I think Teresita's sister is pretty, but her attitude really bothers me.
Uminom na lamang ako ng tubig. Bumalik naman ang atensyon nila nang magsalita ang matandang babae na kasing-edad ng ina ni Teresita.
Siguro siya ang ina ni Felipe. "Pag-usapan na lang natin ang pag-iisang dibdib nina Binibining Teresita at Felipe—"
I was caught off guard and suddenly choked when I heard her. Water spilled on the table, and a servant swooped in to hand me a handkerchief like a ninja.
Nakakagulat talaga! Pag-iisang dibdib ba naman ang topic?
"Ayos ka lang ba, Binibini?"
BINABASA MO ANG
Dear Binibini
Historical FictionWhen a young man from 2025 mysteriously swaps bodies with a 19th-century girl, they must work together to uncover the truth behind their magical connection in order to return to their own bodies.