Solomon 💌
Sa daming binibini sa panahong ito, bakit sa kaibigan pa talaga ng totoong Teresita ang na crush at first sight ako?
Well, di pa naman confirm. She's beautiful pero friend siya ng totoong Teresita e!
Pilit akong ngumiti at nagkunwaring kilala ko ang babaeng ito sa harapan ko.
"L-Lira! Long time no see bro— Ay!"
Napahampas na lang ako sa noo ko dahil sa sinabi ko. Nakalimutan ko ata na ako nga pala si Teresita sa panahong ito.
A look of confusion crossed Lira's face when she heard me. Bigla naman niyang tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang abaniko at tumawa nang mala Maria Clara style. Well, hindi ko nakasanayan ang mga kababaihan na ganitong tumawa. Sa 21st century kasi, wala nang may pake sa ganitong style ng pagtawa. Ang mga babae nga doon ay kulang na lang mapunit sa kakatawa sa chikahan o kaya'y manghampas pa sa katabi. Dito kasi, sobrang modest nila in both dress and demeanor.
"Solo me ausenté un momento, amiga./Saglit lang akong nawala, aking kaibigan./ Ngunit, ngayo'y taglay mo na ang kaalaman sa isa pang wika? At sa wikang Ingles pa! Saan mo naman natutuhan ang gayong wika?"
Here we go again.
"Nabasa ko lang sa aklat na binigay ng aking kapatid," ani ko na lang at ginamit si Isabel sa pagsisinungaling ko. Na deadma naman ang sagot ko nang may bigla siyang naalala na sasabihin sa akin.
"¡Ah, ya recuerdo! /Ah, naalala ko!/ Akala ko'y bahagi ka ng mga mananayaw kanina, ngunit hindi kita nakita sa entablado."
I couldn't help but roll my eyes in secret. They genuinely expect me to dance? Ugh! Hindi nga kasi ako ang totoong Teresita. This is ridiculous!
Napabuntonghininga muna ako at hinarap siya. "Matagal na ako na hindi sumali, kasi—" Sht! Anong idadahilan ko?
"Kasi?—" ulit niya at nagtataka.
"K-Kasi ikakasal na ako kay Ginoong F-Felipe." Napatakip naman siya sa bibig sa biglaan kong sabi. Hindi pa ata kumalat sa lugar na ito na ikakasal kaming dalawa, ay este— ikakasal ang totoong Teresita at Felipe.
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?"
"Kasi ngayon ka pa bumalik galing Europa, diba? Kaya ngayon ko lang din nasabi sa iyo." Kunwaring nakangiti ako sa ibinalita ko sa kaniya, but I have a feeling it will escalate here. Uso na din kaya ang chismis sa panahong 'to?
BINABASA MO ANG
Dear Binibini
Historical FictionWhen a young man from 2025 mysteriously swaps bodies with a 19th-century girl, they must work together to uncover the truth behind their magical connection in order to return to their own bodies.