Solomon 💌
KINABUKASAN, habang nakatulala ako sa lumang notebook ay bigla na lang itong umilaw. Nagulat akong tinignan ang loob at napansin ang mga salitang biglang lumitaw sa pahina.
Ang dali naman atang natupad ng hiling ko, hinihintay ko kagabi pa ang mala-Teresol method namin ng totoong Teresita.
"Solomon? Ibalita mo naman sa akin ang mga kaganapan diyan. Ano na ang nangyari sa pagitan ninyo ni Felipe?"
"Tinawag niya akong "Aking Mahal" kahapon, it's so weird! And gross!" sagot ko naman.
I still remember clearly how Felipe called me 'aking mahal' yesterday. It's so gross, bro!
"Subalit huwag ka nang magtaka, sapagkat kayo'y magpapakasal, kaya't iyon ang kaniyang sinabi."
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Teresita.
"Correction lang ha, KAYONG dalawa ang ikakasal at hindi ako. Pansamantala lamang ako dito sa katawan mo. Nakalimutan mo na ba, binibini?"
"Nag-joke lang naman ako..."
Oh? She knows how to crack jokes now.
"Tinuruan ka na naman ba ni Marco kung paano mag-joke?"
"Mahilig na magbiro ang iyong kaibigan."
Sabi na eh, si Marco nga talaga ang nagturo sa kaniya.
"Ngunit ikaw pa rin ay dapat na masanay sa tawagan na 'yon."
I know, because my hands are tied here. Wala akong ibang options!
"Kamusta naman ang iyong plano na hanapin ang iyong bahay d'yan? Natagpuan mo na ba?" I asked while sinasawsaw ko ang pluma sa tinta.
"Hindi madali, dahil may kasamang tagahatid at tagasundo sa bawat pag-uwi. Hindi ako makalabas ng bahay, at kung ako ay lalabas, ang tunguhing daraan ay tanging sa DLSU lamang."
Tumango naman ako nang mabasa ang sulat ni Teresita. My parents are pretty strict, so I understand Teresita's perspective. I'm expected to go straight home after school, but I can bend the rules when they're not around.
"Wala naman ang mga magulang ko diyan kaya tumakas ka lang, binibini. Gawain ko 'yon kapag wala sila. Magpasama ka kay Marco."
"Batid kong matigas nga ang iyong ulo, Solomon. Tinatangi ko lamang ang sandali na iyong banggitin iyan."
I hid my smile behind my hand. And when I caught myself, agad kong tinampal nang bahagya ang aking labi dahil sa aking pagngiti.
BINABASA MO ANG
Dear Binibini
Historical FictionWhen a young man from 2025 mysteriously swaps bodies with a 19th-century girl, they must work together to uncover the truth behind their magical connection in order to return to their own bodies.