Kabanata 10

20 29 9
                                    

Teresita 💌

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Teresita 💌


Narito ako ngayon sa harap ng nasabing paaralan habang nakasuot ng kasuotan ni Solomon. Bakas sa aking katawan ang suot na kulay-kastanyas at itim na salungso. Matamang pinagmamasdan ko ang paligid bago ako nagpasiyang maglakad.

Kamangha-mangha. Ang laki ng kanilang paaralan dito!

Ang mga matatayog na gusali ay matikas na nakatayo. Ngayon lamang ako nakasaksi ng isang ganitong kagandang gusali, isang nakakaakit na paaralan ng tunay na Solomon sa kasalukuyan.

Ang mas nakatutuwa ay hindi lamang puro kalalakihan ang aking mga nakikita dito sa paaralan. Mayroon ding mga kababaihan na nag-aaral dito, magalak ako na umunlad ang Pilipinas at naging pantay-pantay na ang tingin ng lahat sa kasalukuyan.

Ang mga kababaihan noon ay karaniwang nakatuon lamang sa mga gawaing pambahay, ngunit ngayon ay umunlad na at lumaganap sa panahong ito.

Ang mapait na lipunan na pinaghaharian ng pang-aapi sa kababaihan ay nagtagumpay na sa paglipas ng panahon. Nawa'y hindi na muling magbago, at nawa'y maraming kababaihan pa ang magpatunay na sila'y kasinghusay at kasinglakas ng mga kalalakihan.

"Solomon? What are you looking at?"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong inakbayan ni Marco. Dahil sa pagkabigla, binigyan ko siya ng isang matinding sapak, dahilan upang siya'y biglang mapasigaw sa hapdi.

"A-Ayos ka lang ba? P-Paumanhin, Ginoo—"

"Bakit mo naman ako sinapak, dude? A-aray!" Haplos niya pa sa kaniyang pisngi nang dahil sa ginawa ko.

"H-Hindi kasi kaaya-aya ang iyong ginawa, lalo na't bigla mo akong hinahawakan."

"What? May masama ba sa pag-akbay? Anong nakain mo, dude? Palusot ka lang ata eh!" Muli siyang nagdalamhati sa sakit.

Ngayon ko lamang naalala na hindi pala ako isang binibini sa panahong ito. Ako pala ngayon ay nasa katawan ni Solomon, ngunit sa tunay na panahon ko, ay hindi tamang pag-uugali ang paghawak sa mga kababaihan na walang pahintulot. Ito ay naging labag sa mga moral at kultural noon, ngunit sigurado akong hindi ako maintindihan ng lalaking ito.

"My perfect face is now destroyed because of you!" wika ni Marco sa akin na may lungkot ang sinapit ngayon.

Pambihirang ginoo!

"Anyway, pinapatawad na kita."

Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi naman pala mahirap na makipag-usap sa kaniya at agad na niya akong pinatawad. Nagbigay-pugay na lamang ako sa kaniya bilang respeto at tinignan muli ang nakasulat sa itaas ng gusali sa harapan ko. Napansin naman ako ni Marco, kaya siya'y lumingon sa itaas.

Dear BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon