Kabanata 7

32 37 10
                                    

Teresita 💌

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Teresita 💌


"D-Dapat gwapo araw-araw?" bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa lumang talaarawan.

Anong klaseng alituntunin ito?

Narito pala ako sa silid ngayon, nagsusulat sa aking talaarawan upang makausap ang tunay na Solomon. Batid kong nagkapalit kami ng panahon sa hindi malamang dahilan.

At hindi ako nagkakamali, ang talaarawang hawak ko ngayon ay aking pagmamay-ari. Ngunit, paano ito naparito?

Mayroong biglang kumatok sa pintuan upang ako'y napalingon, tumambad naman sa akin ang ina ng tunay na Solomon. Nakangiti siya nang magtama ang aming mga mata at tuluyang pumasok sa silid. Agad ko namang isiniksik ang lumang talaarawan sa ilalim ng higaan.

"Solomon! How are you?" 

Bigla niya akong niyakap, dahilan upang manlaki ang aking mga mata; pagkatapos ay siya'y humarap muli sa akin.

"Just so you know, my dear, is there anything you'd like me to get for you? Your dad and I will be away tomorrow."

Kumunot ang aking noo habang malalim na pinag-iisipan ang sinasabi ng ina ng tunay na Solomon. Hindi ko naunawaan ang wikang Ingles, ngunit bakit tila naging karaniwan na ang paggamit ng Ingles dito sa Pilipinas?

"No entiendo (I don't understand)," kaunting usal ko sa kaniya.

Mula nang ako'y mapadpad sa panahong ito, tunay na lahat ay nagbago. Ang aking inaasahang kalayaan ng Pilipinas ay natamo na ngayon.

Sa katunayan, ako'y lubos na natutuwa sa aking mga nasaksihan.

"What lead you to learn Spanish? I'm so proud of you, my dear," nagsalita siya nang may kasiyahan at hinalikan ako sa noo nang biglaan.

Wala na naman akong maintindihan. Paano ko sasagutin ang ina ng tunay na Solomon?

Kung susuriin ang anyo ng taong kaharap ko ngayon, agad mong matutukoy na may purong dugong Pilipino siya. Ngunit, bakit hindi nila pinahalagahan ang wikang Tagalog?

Narito tayo sa bansang Pilipinas, subalit bakit nila binabalewala ang wikang Tagalog na dapat sanang ginagamit natin bilang mga Pilipino?

"O-opo?" sagot ko, kahit wala akong naunawaan. Tumango naman siya sa akin.

"Alright. I'll buy you new games or outfits. See you, my dear."

Sa huling sandali, siya'y ngumiti sa akin bago lumabas ng silid. Kung aking uunawain ang kanyang kilos, tila parang aalis na naman sila at muling iiwanan ako rito. Kahit sa aking unang pagpunta sa panahong ito, tila palaging abala ang mga magulang ni Solomon.

Bumuntong-hininga ako at kinuha muli ang talaarawan. Nakatitig ako sa talaarawan ng ilang segundo, bago ko naisipang hindi muna ako makikipag-usap kay Solomon. Sigurado akong abala na siya bilang Teresita sa aking kapanahunan.

Dear BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon