Prologo

121 44 18
                                    

"The past, present, and future are all connected

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"The past, present, and future are all connected."
— The Law of Connection

Solomon 💌



NAPATINGIN ako sa harapan nang may napansin akong isang babae habang nakasuot ito ng blouse na may mahahabang manggas, at saya na nakabuhol sa baywang na para bang Maria Clara inspired ang datingan.

Napabuntot ang mga mata ko at sinusundan siya't tinitignan as if may hinahanap siya sa paligid.

Napaisip ako sa weird na kasuotan ng babaeng 'to.

2025 na kaya! Uso pa ba ang gan'yang suot hanggang ngayon?

Ilang tao ang nagpalitan ng titig, habang ang mga bulong ay umaabot sa aking tainga. Siguradong puno rin sila ng katanungan and speculations about this woman na may kamangha-mangha ang outfit. Kaming lahat dito sa De La Salle University ay nakasuot ng mga pormal na trousers/skirts na pang moderno at shirts kaya nakapagtataka!

May event ba dito sa De La Salle? Parang wala naman ata? O baka naligaw lang siya?

Siguro nga ay hindi na nakasanayan ng mga tao ang baro't saya na kasuotan ng mga kababaihan noon, that's why their reactions are so intense right now. Sa panahon ng 21st century, madalas ng may "outfit check" ang mga tao. May ilan ngang nakabuntot sa jewelries, habang ang iba ay nagpapagalingan sa kung sino ang maraming luxury brands. May maglalakad pa nga sa BGC at magtatanong ng "How much is your outfit?"

Kaya hindi maitatanggi ang dakilang mga Pilipino habang naki-chismis, while weirdly looking at the woman wearing baro't saya. I'm not actually against to it, baka nga may oath taking pala kaya nakasuot ng ganiyan o baka sasali ng contest. Itong mga Pilipino talaga, ang daling manghusga!

Ang mga salin ng aking kaisipan ay naglaho ng tuluyan nang magtagpo ang aming mata sa babaeng ito. Mas lalo pa akong naguluhan nang bigla siyang tumakbo papunta sa aking kinatatayuan.

What the heck? Why is she coming towards me in such a hurry?

While facing each other, I got stunned. Hindi ko akalain na maganda naman pala ang babaeng ito sa malapitan. Ang kaniyang mga mata ay kumikinang na parang mga bituin at ang ilong niya ay mas matangos pa ata sa'kin.

"Do I even know you? Bakit ka nakatingin sa'kin na para bang kakainin mo ako ng buhay?" I even raised my eyebrows while waiting for her reaction. Ngunit kahit isang letra ay walang lumabas sa kaniyang bibig. Ginagago ba niya ako? Or do I look handsome in her eyes? Baka para-paraan lang pala ito upang lumapit sa'kin.

Iba talaga kapag gwapo ka na sa paningin ng iba, maraming magpapansin sa iyo.

"Look miss, I know I'm handsome, but ang dali mo naman ata na ma fall sa'kin. Kung gusto mo magpakilala ako, I'm Solomon. Nice meeting you." I even smiled, ngunit hindi na naman ito nagsalita. Ano? Gusto ba niyang hulaan ko na lang ang iniisip niya? O baka naman ay hindi talaga siya makapagsalita. Hay naku!

Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang inabot ang aking labi na ikinagulat ko, unti-unti nag sink in sa mahina kong utak na hinalikan na ako ng weird na babaeng ito. Oh shit!

Nang mag dampi ang aming mga labi, bigla naman siyang lumiwanag hanggang sa——napabangon ako sa higaan at nalaman na isa lang pala itong panaginip.

Panaginip lang pala? Parang sasabog na sana ang puso ko dahil sa halik na iyon.

Damn that woman! Pero teka! Sino ba ang babaeng nasa panaginip ko?

Napatigil ako sa kakaisip habang ang mga mata'y naglilibot nang mapansin ang kakaibang paligid, nag-iba agad ang tensyon nang masaksihan ko ang kwarto ko ngayon.

Teka! Hindi ko kwarto ito ah!

Bakit parang makaluma ang lugar na ito?

"Nasaan ba ako?" Napatakip ako sa bibig nang marinig ang boses ko na parang babae. What the heck? Bakit nag iba na ngayon ang boses ko?

Unti-unti din akong tumingin sa dibdib ko, may napansin ako na dalawang bukid nito. Teka! Kailan pa ako nagkaroon ng ganitong dibdib?

Kapag ba lumaki ang katawan at nag mature, lalaki rin ang dibdib?

Ewan. No idea.

Mas lalo pa akong nagtaka nang mapansin ang kakaibang daster na suot ko. What the heck?

"At kailan pa ako nagsusuot ng daster?" Napatakip muli ako sa bibig dahil narinig ko na naman ang aking sariling boses na parang babae. Ang weird! Anong nangyayari sa'kin?

May nakain ba ako kaya naging babae ang boses ko ngayon? Ang weird!

Napatayo ako dahil sa pagtataka, dahan-dahan din akong tumingin sa ibaba na bigla kong hinawakan. Sa hindi inaasahan, bigla akong napabagsak sa lupa dahil wala na ang alaga ko.

"Nawawala ang alaga ko!" Sigaw ko ngunit narinig ko na naman ang sarili na boses babae. Nagtaka rin ako nang mapansin na may mahaba akong buhok hanggang chest ko at hinawakan ito.

Bakit biglang humaba ang buhok ko nang ganito? Hindi ko maintindihan!

Dali-dali akong lumapit sa salamin, ang puso ko ay nag-uumapaw ng kuryusidad. Nang humarap ako, tila napako ang oras.

"You've got to be kidding me!"

Ang repleksyon ko—mahaba ang buhok, makinis ang balat, naka-daster, at lumaki ang dibdib ko.

Isa lang ang ibig sabihin nito...
.
.
.
.
.

N-naging babae ako!

Dear BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon