Nagising si yibo sa boses ni Kyoka tawa ito ng tawa habang may kausap sa cellphone sinilip niya ito...
"parang di siya si kyoka pero ang mukha katawan tangkad ay iisa na prapraning na naman ako..
Inis na usal niya sa sarili ibang iba ang kilos ng kyoka na kasama niya ngayon kesa sa minamahal niyang kyoka..
"oh Yibo buti gising ka na maliligo ako eh may damit ba dito si---
Di na ituloy ang sasabihin ng dalaga ngumiti ito sa Kanya nanlaki naman ang Mata ni yibo..
"damit nino?
Tanong niya, humalakhak ito na ikinaiirita ni yibo..
" i mean damit ko wala kasi akong dalang damit..
Ngiting turan nito.. Nag iling si yibo..
"limot mo na din na ang damit mo at damit ko mag kasama..
Seryosong anas niya tumawa lang ang dalaga at pumasok sa kwarto niya sinundan niya ito nag tataka talaga siya dahil doon ito nag hahanap sa walang damit na pambabae..
"eto na lang ganda ng T-shirt mo kasya naman sakin pantalon mo nakakailang kasi damit na pambabae na andiyan ang iiksi... Asan ang towel? Hoyy ano diyan ka lang ba bastos lang maliligo ako bro labas...
Nag kunot noo nalang lumabas si yibo ibang iba talaga ang kinikilos ni kyoka boyish ito at talagang nakakairita... Matapos maligo lumabas ito..
"hoyy!! May lakad ka ba ngayon?
Tanong nito nakamasid lang si yibo dito..
"wala ikaw?
Anas niya ngumiti naman ang dalaga..
"maganda Kung ganun tulungan mo akong pumunta sa condo ko.. Pangit naman Kung dito ako nakatira sayo ano nalang sasabihin ng iba..
Nag salubong ang kilay ni yibo sa sinabi ni kyoka..
"dito ka tumira dahil natatakot ka na baka ulitin ni Dylan ang ginawa niya sayo... At isa pa girlfriend kita normal lang na dito ka!!!
Inis na anas niya umupo si kyoka at tumitig sa kanya..
"di na ako takot kay Dylan at kahit girlfriend mo ako aba! Di maganda na dito ako nakatira . Girlfriend palang means di pa tayo mag asawa nakakahiya naman ang iisipin ng mga tao satin lalo na sakin ako babae...
Iritang turan nito nilapitan ito ni yibo
"aano gagawin mo??
Nauutal na tanong ni kyoka akmang hahalikan sana ito ni yibo ng bigla siyang suntukin nito.. Na siyang pag dugo ng ilong niya..
"ARAYYY KOOOO!!! BAKIT MO AKO SINUNTOK?!!!
galit na sigaw ni yibo habang hawak ang ilong na dumudugo..
"Ikaw eh ang bastos mo!!! Deserve mo yan.. Libog moo!!!
Galit na sigaw nito..
"bakit ba? Bawal ba? Girlfriend kita kaya normal na hahalikan kita baliw ka na kyoka...
Inis na saad ni yibo inirapan siya ng dalaga..
"hoy Wang Yibo!!! Girlfriend palang di ibig sabihin pwedi mo nang gawin ang gusto mo ikaw ang nababaliw!!! Wag na wag mo nang uulitin yan...
Inis na saad nito sabay soot ng sombrero...
"saan ka pupunta kyoka?
Tawag niya dito..
YOU ARE READING
EVERYTHING HAS CHANGE (Wang Yibo Kyoka_rushball and Dylan Wang)
FanficKyoka met Wang Yibo in street dance of china, Yibo loves Kyoka and Kyoka too... this two became a lover.. but Dylan Wang came he like Kyoka what is Yibo do to stop Dylan...