01. Kaia ❄

413 0 0
                                        

" grabe guys alam nyo naman na business ad din ang course ni Cassie diba? baka kung ka block natin sya ngayong taon ay kahit holiday papasok ako!"

"oo pumasok ka as if makikita mo sya sa holiday be mag isa ka rito samahan mo si sto. tomas"

"kahit isang sub lang! please Lord!"

yan ang usapan ng mga kaklase ko sa unang araw ng eskwela, second year namin hindi sila nagpapakilala sa isat isa dahil iba ata ang gusto nilang kilalanin.

"ay oo narinig ko rin yun grabe! nag transfer sya rito nung first year I've heard dream school nya raw uste" sabi ni Krista na ngayon ay nag r retouch ng powder sa kanyang mukha.

"grabe nakakabaliw naman kasi yun ang bait tapos ang galing pa mag laro!"

"nood tayo ha? malapit na season 86 eh" yan ang usapan nina Cams at Krista saka sila nag usap tungkol sa mga UAAP crushes daw nila.

Dahil lang naman sa usapan nila kaya
nagawa ko nang mag throwback, dahil puro Cassie ang pinag uusapan nila nakita ko ata sya nung paskuhan 2021.

Alam ko na sya yun dahil yung ngiti nya ay hindi isang bagay na makakalimutan mo. Kumbaga kapag nakita mo ay tatatak na iyon sayo at hindi na mawawala pa.

unti unting umiingay ang classroom dahil dumarating na rin ang iba naming kaklase.

may iba samin na mag kakaibigan ang iba naman ay kaklase namin noong first year kinakabahan man ako ay hindi ko pinapakita iyon.

Sina Cams at Krista ay kanina pa nakapag ikot para makapag pakilala lahat nga ata ay kaibigan na nila, dinadamay na nila ako sa pagpapakilala dahil hindi ako nagpapakilala sa mga ito. Para saan pa? makikila ko rin naman sila sa pag daan ng mga araw na magkakasama kami.

Walang ginagawa dahil wala pa ang prof namin si Cams ay nakatulala lang sa upuan na nasa harap ko at si Krista naman ay nag r retouch pa rin sa upuan nya na nasa kanan ko naman.

Nang makapag desisyon ay binuksan ko nalang ang laptop ko mag a advance reading nalang ako.

Nalilibang na ata ako nang ma realize ko na nag j jot down na ako at nakalabas na ang mga highlighters ko. Napatigil ako sa ginagawa ko nang umingay ang paligid anjan na ba ang prof? pero bakit umingay? baliktad na ba sa college na kapag dumating ang prof doon mas iingay?

pag ahon ko nang tingin ay nakita ko ang isang pamilyar na babae naka type b uniform sya at may black na athelete backpack naka airpods din sya sa kaliwang tainga.

ah si miss captivating smile.

umingay ang paligid dahil sakanya?

mukhang kakaligo nya lang ata dahil wala syang ka pawis pawis mukha rin syang natulog ng walong oras at may masarap na almusal.

luminga sya paligid at nang mag tama ang tingin namin ay parang nagulat sya.

naalala nya pa ba na ako yung tumaray sakanya sa bilihan ng twister fries? siguro naman ay hindi na.

nag simula syang humakbang palapit sa direksyon ko habang tinatanggal ang airpods nya at ibinabalik ito sa lalagyan. Nang makalapit sya ay sumalubong agad sa akin ang amoy niya.

Ang presko ng amoy, amoy...

baby

kumurap ako ng ilang beses para maibalik ang sarili

huminto sya sa tabi ng upuan ko

"uh may naka upo ba rito?" tanong nya at inaayos ang buhok nya, bangs to be exact.

"wala ata" sabi ko lang at saka ibinalik ang tingin sa ginagawa ko.

hindi pa rin nawawala sa ilong ko ang pabango nya

"okay thank you" sabi nya ngunit hindi ko na sya tinignan pa ulit dahil na d distract ako.

Dumating ang prof namin at nag bigay ng guidelines at iba pa sinabi nya rin na kaylangan namin mag pakilala kahit isang minuto lang upang maging pamilyar sya samin.

may ganito pa rin pala sa second year? grabe.

nauna ang mga kaklase ko at nang maya maya ay si Cams na ang susunod

"Hey guys! I'm Camella Villegas but you can call me Cams, uh if you need something you can ask me guys! I'll help you as much as I can" maligayang pagpapakilala ni Cams at nang magpalakpakan na ang mga kaklase namin ay umupo na sya.

May mga sumunod pa sakanya at ngayon ay si Krista na ang nasa harapan

"hello po sainyo hehe my name is Krista Chanelle Ruiz I'm 20 yearsold and my hobbies are billiards and archery" pakilala nya narinig ko pa ang mga wow ng mga kaklase namin.

"wow archery, hobby mo lang ba ito?" tanong sakanya ng prof namin

"hobby nalang po yata ngayong college sir lol, pero nung grade 7 to 11 ay nag p participate po ako sa mga competition"

matapos ang ilan pang mga tanong ay naupo na sya.

sumunod ang ilang kaklase namin at ngayon ay turn ko na.

hindi ko gusto ang nag d draw ng attention sakin I hate being watched.

tumayo ako at saka nag lakad papunta sa harapan.

" Uhm good day everyone my name is Kaia Gabrielle Ruiz, my friends call me Kae or Kaia whatever you like. I am 20 years of age. I hope we all get along."

After that I smiled then proceed to my seat.

tumayo ang babaeng nasa kaliwa ko at saka pumunta sa harapan

may naririnig pa akong impit na tili ng mga kaklase kong babae at yung iba ay nag kukurutan pa

"good morning guys I am Maria Cassandra Rae Carballo you can call me Cassie. Uh I play volleyball po and part po ako ng UST Women's Volleyball Team, setter po ako and I am 20. Sana maging close tayong lahat guys" tuloy tuloy na pakilala nya.

"Cassie! grabe may estudyante pala akong sikat!" sabi ng prof namin

nahiya ata si Cassie nang sabihin na sikat sya kaya dali na syang umupo sa upuan nya.

marami pang sumunod na nagpakilala at nang natapos ay prof naman namin ang nagpakilala

pagtapos ng ilang announcements pa ay aalis na ata sya upang makipag palitan sa ibang prof.

"you'll know who's gonna be the class beadle this semester, tomorrow"

pagtapos non ay nag paalam na siya.

seasons with you Where stories live. Discover now