matapos ng panonood namin sa game 1 ng semis ay inaasar na ako lagi ni Cassie at lagi niya rin akong tinatawag na crush parang baliw talaga.
we became more close because of our inside joke. may minsan pa na nakapag sabay kaming mag lunch at nakapag kwentuhan ng something that is personal.
masaya rin pala na may naku- kwentuhan ka no? alam niya na nga kung gaanong pressure ang nakukuha ko sa daddy ko eh. it sounds funny dahil dati ay walang wala sa mundo ko si Cassie pero ngayon ay comfortable na ako sakaniya.
kaya lang ngayon ay hindi ako pwedeng mag "good time" dahil nalaman na ni daddy na nanonood ako ng games sa araneta o kaya naman ay lumalabas kasama sina Cams.
I thought I'll start living na, hindi pala.
sinabi ko sa sarili ko na wala akong gagawin ngayong araw kundi ang mag aral at uuwi agad ako parang mag basa ulit.
pag pasok ko sa room ay wala akong kinausap at nilabas na lamang ang mga gamit ko.
nararamdaman ata nila na hindi ako ayos ngayon kaya tahimik lang kaming lahat maging si Cassie sa tabi ko ay hindi rin kumikibo.
nag simulang mag turo ang prof namin puro solving ito kaya naman tinutok ko ang sarili ko hindi ko pwedeng hindi ma gets to.
sinulat ko nang sinulat lahat ng nasa white board pero parang walang pumapasok sa utak ko kaya sa frustration ay ibinababa ko ang ballpen ko at napahilamos sa mukha ko.
sobrang hirap mag aral pang pressured ka.
nag excuse ako sa prof namin saka lumabas para mag cr.
pag dating ko ron ay naghimalos lang ako saka nag inhale at exhale.
pinipilit kong ikalma ang sarili ko kaya lang ay parang hindi ko kaya.
bumalik ako sa room saka ulit nakinig.
habang sinusulat ko ang mga nasa board ay may nag lapag ng candy sa harap ko.
tinignan ko si Cassie at nag thumbs up lang siya sa akin at ngumiti.
kinuha ko iyon saka ko binuksan saka ito kinain.
naka hinto ako sa pag susulat at nakinig muna sa prof ko nang may magsalita sa gilid ko.
"take it easy" yan ang sabi ni Cassie na nakangiti pa rin sa akin.
tumango lang ako sakaniya at saka ipinag patuloy ang ginagawa ko.
mga ilang minuto lang ay natapos din ang prof namin saka nag bigay ng take home activities.
lumabas sina Cams kaya lang wala ako sa mood para sa mataas na energy nila ngayon, naiintindihan naman nila kaya hinayaan na nila ako.
I want to be in peace.
lumabas ako para mag lakad lakad ngayon at napahinto ako sa mga halaman umupo ako malapit dito at saka tumulala na lamang.
"psst" tawag ng kung sino kaya naman nilingon ko ito
si Cassie pala.
umupo siya sa tabi ko at nakita kong phone at airpods lang ang tanging dalawa niya.
walang nagsasalita sa amin nakayuko lang ako at siya naman ay pinaglalaruan ang mga maliliit na bato sa harap niya.
"alam mo kung ano ang dapat mong pag aralan?" tanong niya
lumingon ako sakaniya at ngayon ay nag iintay ng sagot.
"pag aralan mo kung paano mo tatakasan ang mundo mo minsan, gumawa ka ng bago." salita niya.
"minsan mahirap talagang hindi mag padala sa mga sinasabi ng iba pero pag aralan mo" tuloy tuloy na salita niya.
nakatingin lang siya sakin.
wala akong maisagot sakaniya dahil hindi ako sanay na may nag papayo sa akin ng ganito dahil yung mga ganito ay hindi rin naman danas nila Cams.
okay din pala yung may nakakaintindi sayo nang mas malalim.
"anong nararamdaman mo?" tanong niya sakin.
huminga ako nang malalim saka ako sumagot.
"mabigat sa dibdib ang sakit ang hirap" tanging sagot ko sakaniya na ngayon ay pinipigilan ko ang luha na nagbabadyang tumulo.
lumapit siya sa akin at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"alam mo baka hindi ka aware dahil iba ang sinasabi ng iba pero para sa akin? ikaw ang pinaka hardworking na taong nakilala ko. you always put your hundred percent in everything that you do" pag papagaan niya sa loob ko
"bakit kaya ganon? diba dapat parents natin ang dapat kakampi natin?" yun ang unang beses na naitanong ko ang mga salitang yun sa buong buhay ko.
kay Cassie pa talaga.
"hindi ko rin alam ang sagot diyan eh hindi ko makuha kung bakit may mga ganyang magulang, basta ako? proud ako sayo" napaka gaan nang pagkakasabi niya non na para bang takot na masaktan ako.
hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko kaya naman natawa na lamang ako.
"ikaw kasi eh!" pag tawa ko habang pinupunasan ang luha ko.
"anong ako? mapanisi ka ha!" sagot niya na tumatawa rin.
"pero alam mo? hindi mo dapat dinadaan sa ganiyan yung totoong nararamdaman mo. kung anong nararamdaman mo iyon ang ilabas mo" tuloy tuloy na sabi niya.
natahimik tuloy ako. mahirap kasing gawin yun eh, lalo dati na hindi ako sanay dahil hindi ko gusto ang nag o open up sa iba lalo na kapag weakness ko.
"Cassie" pag tawag ko sakaniya.
tinaas niya ang kilay niya.
"what?" tanong niya na ngayon ay cino connect ata ang airpods niya.
"thank you so much sa lahat lahat"
"ano ka ba para namang others to si crush" biro niya
"kulit mo ha! typo nga kasi yun!"
nanahimik kami nang ilang segundo at iniabot niya sa akin ang isang airpod niya.
with a smile by eraserheads is playing.
"makinig ka sa kanta ha" paalala niya sakin
walang nag sasalita sa amin at ngayon ay nakatanaw lang kami sa harap namin.
it feels so nice that I can be emotionally vulnerable when I'm with her. yung tipong pwede akong dumepende sa kaniya.
ano bang ginawa ko at biglang nagkaroon ng Cassie sa buhay ko?
pero I'm super thankful. nasa dasal ko nga yun eh. It was a blessing.
nang matapos ang kanta ay naglakad na kami pabalik.
"girl I stay through the bad times"
dinig ko pang mahinang pag kanta niya habang naglalakad kami.
pag pasok ko ay tinanong ako ni Krista kung saan ako galing at ang tanging sagot ko lang ay
"huminga lang"
short update guyzue!!! ganito talaga na i imagine ko kung paano si Cassie bilang tao.
yung parang handa siyang makinig lagi sayo?
anyways mag rest kayo guys at i prioritize ang sarili! sabi nga ni Cassie sa story, minsan kaylangan mo ring gumawa ng ibang mundo.
lift your head baby dont be scared 🙂
YOU ARE READING
seasons with you
Romanceit all started when Kaia the class beadle of commerce and business 1 wore a white jacket that she mistook as hers. cassie carballo fanfic/au
