"oh paano mo nakuha yang 175?" pag tatanong ko kay Cassie habang tinuturuan ko siya sa subject namin kahapon dahil hindi niya ata gaanong nakuha eh may quiz kami ngayon.
nakatitig lang siya sa akin habang nakatukod sa desk ang isang siko at ang kamay ay nasa ulo niya habang naka sandal na nakatitig sa akin.
"di ko nga rin alam" tumawa siya ng mahina.
"ano ba yan di mo kasi sineseryoso eh!" pag rereklamo ko sakaniya. madali naman siyang pumick up pero ewan ko ba tulala lang siya kanina.
"sorry, na di-distract kasi ako sayo eh" umayos siya ng upo.
paano ma d distract eh nakaupo lang naman ako at tinuturuan siya?
"sinisi mo pa ko ha?!"
"okay game na ito na talaga promise aayusin ko na" panunuyo niya.
nang turuan ko siya sa pangalawang pagkakataon ay nakuha niya na agad kaya naman hindi na ako nahirapan pa.
"cr muna tayo habang wala pa si prof" pag aaya ko dahil naiihi ako.
si Cams at Krista ay parehong nag aaral din at tutok na tutok sa mga ginagawa.
"Kris, cr lang ako ah?" pag papaalam ko
"no, hindi ka cr lang" corny what the hell? saan niya ba nakukuha yang ganyan.
lumabas kami ni Cassie at saka pumasok sa comfort room.
inintay niya ako habang naka sandal siya sa sink.
nang matapos ako ay i finlush ko na saka ako lumabas para mag hugas ng kamay.
"Kae" pag tawag niya.
"yes?"
natahimik siya ng ilang segundo.
"alam mo yung ole ole-"
"mama!" napasigaw ako saka ako tumakbo papunta sa pintuan at saka ako lumabas.
pag sunod ni Cassie ay sobrang lakas ng tawa niya at humahawak pa sa tiyan
"bwisit ka!" hinampas ko siya saka inirapan.
"di mo pinatay yung tubig sa lababo ako pa nag patay"
"baliw ka ba naman kasi! kakadaan lang sa fyp ko yang ole ole na yan!"
tumatawa pa rin siya hanggang sa makarating kami sa room at saka kami nag take ng quiz.
nang matapos ang klase ay bumaba kami sa carpark para bumili ng pagkain kasama namin sina Cams at Krista.
"KFC naman tayo miss oh" pagbibiro ni Cams kay Cassie.
"pwede naman" pag payag ni Cassie.
baliw talaga tong mga to.
"pwede ba kayo mag fast food ngayon? may laban kayo mamaya ah?" tanong ni Krista.
oo nga pala, game 2 na ng finals.
"oo naman tara na?" pag aya ni Cassie.
sa isip isip ko ay hindi makakakain nang maayos si Cassie dahil alam kong mas maraming tao sa KFC pero mukhang wala namang problema sakaniya yun
nang papalapit na kami sa KFC ay nakita ko na marami ngang tao.
"uy si ate Cassie"
"hala pa picture tayo!"
"oh my gosh ayos ba buhok ko?"
"wag mo na itanong, buhaghag yung buhok mo"
yan ang mga narinig ko pag pasok namin at natatawa nalang ako sa sarili dahil wala ata silang pake kung marinig man ni Cassie yun.
nakita ko na marami na ang gustong mag p picture sakaniya.
nang makahanap ng upuan ay kami ni Cassie ang pumila dahil sabi niya ayaw niyang maka abala sa kumakain sa paligid kasi mag pa picture sila ron at baka makasagi pa.
kung nakapila raw ay ayos lang dahil malawak naman ang space.
sobrang considerate talaga.
habang nakapila ay may mga nag pa picture sakanila at ngayon ay meron na naman.
"buhok na parang nasa shampoo commercial check, kutis na parang dalawang beses nag l lotion sa isang araw check, mahinhin check! siya nga yung babae na nasa twitter!" rinig kong bulong nung isa sa mga babaeng may hawak na phone.
bulong pa ba yun?
"narinig mo?" bulong ni Cassie sa tenga ko, natawa tuloy ako.
para naman akong model sa mga pag de describe nila.
"hello po ate Cassie, pwede pong mag pa picture?" tumango lamang si Cassie at saka sila nag selfie nakita ko na parang hindi sila satisfied sa ganoon kaya nag sabi na ako kung kaylangan nila ng tulong.
"gusto niyo ba na ako ang mga picture sainyo?" pag p presinta ko.
nanlaki ang mata nila at saka tumango.
kinuha ko ang phone nila saka sila pinicturan.
nang matapos ay
"thank you so much po ate Cassie, good luck po mamaya! hello po ate ganda bagay nga po talaga kayo!" nambola pa sa huli.
nang makaalis ay tumawa na naman kami ni Cassie at finally turn na namin. nang maka order ay umupo na kami at saka ito inintay.
"hirap manguha ng ticket grabe sa NU buy one take one!" pag re reklamo ni Krista dahil siya ang nag hanap ng ticket namin.
"di kasi ako makapag secure kasi kahit kaming players nag aagawan para may maibigay kami eh" pagpapaliwanag ni Cassie.
nakita ko na natawa si Cams sakaniya.
"bat ka ba nag papaliwanag, sus sanayan na sa ganyan yan si Krista. scalper nga sideline niyan" pagloloko ni Cams.
"gaga ka" nag tawanan kami dahil doon.
puro kwentuhan lang tungkol sa magiging game nila ang naging usapan namin habang at pagkatapos kumain.
nang matapos kami ay lumabas na kami at nag pasyang umuwi, nauuna na sa paglalakad sina Cams habang kami ni Cassie ay medyo mabagal.
"Cas, yung jacket mo pwede ko nang isauli sayo ngayon para magamit mo mamaya" sabi ko sakaniya
"parang mas maganda kung ikaw yung magsusuot non mamaya" dinig kong sabi niya medyo inayos pa ang bangs.
"ha bakit naman ako? di naman ako ang mag lalaro"
"sige na, Kae please? pang lucky charm lang!" pangungulit niya, aba naman.
"kapag natalo kayo sisihin na naman ako ng bashers mo" pagbibiro ko sakaniya.
nakita ko na tumawa siya pero agad ding nag seryoso.
"sorry Kae ha? basta wag natin silang masyadong intindihin"
"ano ka ba naman joke lang yun wala akong pake sakanila."
kinulit ko siya na huwag na akong ihatid at bumalik na sa dorm nila para makapag ayos siya, buti nalang ay pumayag.
"bye Kae suotin mo ha?!" pag sigaw niya sa di kalayuan
"ayoko!" sigaw ko pabalik sakaniya.
aba nakakahiya naman mag suot ng jacket nila!
pero habang naglalakad ako ay napaisip ako ng susuotin.
sabagay ano bang masama kung suot ko?
ang varsity jacket ng
ng magiging
magiging girlfriend ko?
napangiti ako at pagtapos ay umakyat na sa unit namin.
YOU ARE READING
seasons with you
Romanceit all started when Kaia the class beadle of commerce and business 1 wore a white jacket that she mistook as hers. cassie carballo fanfic/au
