11. warmth

310 8 0
                                        

game one na ng finals nila Cassie mamaya pero andito kami at nag papasakit ng ulo para ss exam.

"good luck mamaya" sabi ko habang hinihighlight ang mga salitang na highlight ko naman na. mabubutas na ata yung papel.

"para sa exam ba yan? thank you" tumatawa pa siya ah? ako nga ay todo na ang kaba

"baliw ka, ako ata yung kinakabahan dahil finals na." totoo yun sayang kasi kung matatalo, pero hindi rin sayang at the same time.

malaking achievement na kaya na makarating kung nasaan sila ngayon, hindi lahat pinalad para makatungtong kung nasaan sila ngayon. kaya manalo o matalo, panalo pa rin.

"wag mo naman akong pakabahin, kumalma ka lang" tumatawa niyang sabi sakin saka binalik ang tingin sa reviewer niya.

Cassie wearing a specs will be the death of her fans.

gandang ganda ako sakaniya ngayon dahil sa specs niya.

nang dumating ang prof ay pinag umpisa na kami agad sa exam at ako naman ay iniscan ang nilalaman.

buti naman. andito yung nireview ko.

nang matapos ang dalawang oras ay lessons naman ang hinarap namin.

at pagtapos ng klaseng yun ay pwede na kaming umuwi.

naalala ko na yellow day din ngayon kaya naman suot ko ang yellow tiger shirt namin at puting pants.

pag tayo ko para mag cr dahil naiiihi ako ay tinulak ako ulit ni Cassie

"upo ka lang" sinabi niya yon habang may hinahalungkat sa bag niya.

"ha? bakit?" inabot niya sa akin ay pamilyar na jacket.

varsity jacket yun.

"may tagos ka" bulong niya sakin

nanlaki ang mata ko at nahiya dahil kung hindi niya napansin ay hindi ko rin mapapansin. nauna pa naman sina Cams sa paglalakad.

"shit, hala ipapahiram mo talaga to?" tanong ko sakaniya.

"oo okay lang sige na" pag payag niya.

dumeretso ako sa cr na takip takip pa rin yun sa bewang ko.

napahilamos ako sa mukha ko

nakakahiya shet!

pag tapos kong maglagay ng pad ay tinignan ko ay sarili ko, ang baduy pala kapag naka tali sa bewang.

sinuot ko nalang yun at nakita ko na lagpas naman sa ilalim ng pwetan ko ang haba noon kaya natakpan ang stain sa pants ko.

pag balik ko sa room ay nagbulungan agad si Cams at Krista. naririnig ko pa ang hagikgikan nila habang nag aayos ng gamit.

nakita ko na wala na si Cassie at sure ako na nasa qpav na siya kaya naman nag pasya na kaming umuwi.

nang makauwi ay nagpalit ako agad at ini hanger ang jacket ni Cassie.

"hello what does it feel to wear the very own varsity jacket of your crush?" iniimpersonate ni Krista ang mga courtside reporter kaya natatawa kami sakaniya.

"hala hindi ko po siya crush" sagot ko

nawala ang ngiti nila at nakita ko sa mukha nila ang expression na para bang "sinong niloko mo?" ang sinasabi.

"mama mo" sabi ni Cams habang naglalakad papasok sa kwarto.

"hoy dadamay mo pa mama ko!" sagot ko sakaniya saka ako pumasok din sa kwarto dahil mag r review pa ako.

paalis na rin sila Cams dahil baka raw traffic dahil rush hour.

anong baka? traffic talaga!

nang maiwan ako sa condo ay saka ko lang nadama ang katahimikan, pero ayos lang balik sa dating gawi.

seasons with you Where stories live. Discover now