05. 👓

294 1 0
                                        

weeks passed by tanging school pa rin ang dahilan ng pag labas ko pero ngayon mukhang iba ang magiging dahilan dahil tinawagan ako kanina ni daddy na kung kaya ko raw umuwi ay umuwi ako pero sinabi ko agad na hindi ako sure dahil may kailangan ako aralin

iyon lagi ang palusot ko dahil alam ko na kapag acads ang idadahilan ko ay papayag siya.

ayokong umuwi sa bahay alam ko na kung drain ako ay mas ma d-drain lamang ako pag tapak ko palang don.

"Kaia finollowback mo na si Cassie? grabe baka hindi pa rin ha!" tanong sakin ni Krista na siyang nag luluto ng tanghalian namin. 2 pa kasi ang pasok namin dahil online class kami kanina

finollowback ko na si Cassie dahil sa ginawa niya nung nakaraan hindi ko na nireplyan ang huling message niya pero thankful pa rin ako sa pag bili niya ng pagkain namin. saktong paborito ko pa ang napili niya

afritada, basta may potato kakainin ko.

"oo nung nakaraan pa" sagot ko sakaniya para hindi na siya mangulit pa

narinig ko ang irit ni Cams pag sagot ko kaya naka pabiro kong tinakpan ang tenga ko.

"grabe finally na followback din after ilang years!" pabirong saad ni Cams.

sobrang oa naman niya.

"ay natatawa ako alam niyo ba nung nakaraan na nag a advance study ka sa library, Kaia? narinig ko sila Kim na pinag uusapan ka" huminto si Krista sa ginagawa at ngayon ay humarap sa amin sa mesa.

"oh ansabe? inis ako ron sa kanila ng circle nya eh" sabat naman ni Cams habang nag hihimay ng malunggay para ihalo sa tinola.

"sabi ba naman niya "grabe rin si Kaia no? hindi nagsasalita kapag ibang tao sa tropa mo lang makikitaan ng emosyon" yan ang sabi ni Kim tapos narinig kong sabi nung isa sakanila na samin at kay Cassie lang daw lumalabas ang totoong ikaw" natatawang saad niya

"ay ganon pakielamera? e saan ba dapat lalabas? sakanila ba?" sabi ni Cams na nakataas ang kilay

"grabe ka naman baka naman observation lang nila yun" sabi ko para pagaanin ang loob niya.

"ay hindi pa tapos alam mo bang sinabi niya rin na kay Cassie ka lang daw ganon dahil sikat yon at alam mo raw na may benefits kang makukuha kapag doon ka dumikit?" tanong ni Krista.

natawa ako, ano namang benefits? ayaw ko naman ang sumikat, ayaw ko rin na maraming kakilala, kaya ano naman ang benefits na makukuha ko kay Cassie?

kung ang sinasabi nilang benefits ay ang pagiging kalmado ko kapag kasama ko si Cassie ay baka oo meron nga.

"kainis yun ha! kapag ako nakarinig sakanila humanda sila sakin" sagot ni Cams na nanggigigil ata dahil pati ang ilang tangkay ay nasasama na sa pag hihimay niya.

nag patuloy lamang kami sa mga ginagawa namin at pag tapos ay kumain at nag handang umalis upang pumasok.

pag dating namin sa school ay ibinaba ko ang bag ko at sinabit ang hoodie ko sa likod sandalan ng upuan ko saka nag patuloy sa pag lalabas ng ipad ko at ilang mga gamit.

mag uumpisa na ata ang prof namin sa pag d discuss

iba yata ang trip ng mga kaklase ko ngayon ah? mas hininaan nila ang aircon pero yun ang gusto ko dahil ang init kanina

may emergency ata ang prof namin kaya kinailangan niyang mag dismiss nang mas maaga sa inaaasahan sabi niya ay ise send na lamang niya ang document sa akin.

mag silabasan ang mga classmates ko yung iba ay mag c cr at iba naman ag gagala ata o kakain

lumabas ako saglit para mag cr at nang makabalik ako ay mas lalo atang lumamig at ngayon ay lumamig ang kamay ko dahil medyo basa pa ito.

naglakad ako papunta sa table ko nang makita sa sahig ang hoodie ko pinulot ko iyon saka ko pinagpagan dahik baka nadumihan nang makasigurado ay sinuot ko na iyon dahil malamig talaga.

tinapos ko ang remaining notes na sinusulat ko saka ako nakipag usap kay Cams kaya lang ay pareho ata kaming inaantok kaya naman naka idlip ako.

nang magising ako ay nag aayos na sila ng gamit at kaming tatlo na lang ang nasa loob.

"walang prof pwede na umuwi" sabi ni Krista na ngayon ay nakasuot din ng white na hoodie.

nakita niya ata na nakatingin ako sakaniya kaya naman nag salita siya ulit.

"hehe ang lamig kasi kaya sinuot ko muna hoodie mo, eh dalawa naman pala hoodie  mong dala kaya akin muna to ha?" nakangiting pagpapaliwanag niya.

huh? anong pahiram? anong dalawa?

"sabi mo hindi ka mahilig sa sports pero yang hoodie mo merch ng tigers!" seryosong sabi ni Cams at ngayon ay tinuturo ang tiger na embroidery ng jacket na nasa bandang sleeves nito, hindi ito kalakihan kaya hindi gaanong pansinin.

"ha? anong merch? tsaka anong hiniram Krista e akin tong suot ko?" paliwanag ko.

"anong iyo? hindi ba iyo to? kinuha ko to kanina sa sandalan ng upuan mo?" nalilitong tanong niya rin.

"ay gago ka sis! saan mo nakuha yan?" tanong naman ni Cams

"sa sahig? kasi nalaglag?" patanong ko ring sagot.

"ay gaga ka yan ata yung hinahanap ni Cassie kanina kaya lang di niya makita kata umalis nalang" tumatawang pagpapaliwanag ni Krista.

ang bobo ko naman. akala ko akin to

kaya pala iba ang amoy, amoy baby tong hoodie bakit ba hindi ko naisip yun.

tumayo na kaming tatlo at pagtapos ay saka kami lumabas para makauwi na.

pag uwi ay binuksan ko ang instagram ko para i message si Cassie.

kaiagruiz

good day, Cassie!
I just want to apologize  because I wore your jacket, I thought its mine promise   I'll give it back tomorrow, sorry for the inconvenience.

pag tapos ko siyang ma i message ay nag out na ako upang makapag half bath pero bago yon ay isisend ko muna sa students gc ang documents na binigay ni prof.

kasalukuyan akong nag hahanda para ssa bedtime ay tumunog ang phone ko at nang tignag ko ay mula ito sa instagram

cassiecarballo_

hello Kaia! slr kakatapos lang ng training hehe. Ayos lang kahit wag mo na muna isauli bukas.

yun ang tanging reply niya na curious ako sa nakalagay sa taas ng profile niya kaya pinindot ko iyon.

ang formal mo naman miss 😍

ah, pwede palang mag notes ng mga gaanon? yun pala ang nilalagay nila Krista.

I sound like a 50 years old na hindi techy sa part na yun.

hindi ko na siya nireplyan at pagtapos nun ay ini off na ang phone ko para matulog

seasons with you Where stories live. Discover now