09. stolen glances

293 5 0
                                        

"Cams, pwede mag tanong?" yan ang nakakalokong panimula ni Krista sa araw namin habang andito kami at nag iintay sa room nang gagawin.

"ay sorry pero hindi"

"wag na sige"

natatawa lamang ako sakanila dahil sobrang babaw nila

"joke lang ito naman, ano ba yun" wow nag susuyuan na sila ngayon dahil nag tampo ata si Krista

"okay ito na" umayos pa siya nang pagkakaupo kaya seryoso ata ang tanong.

sinenyasan nya pa kaming lumapit sa mukha niya dahil ibubulong niya lang ata yun.

ginawa namin at tama ibinulong niya nga lang

"nakikita mo ba paano mag tinginan si Kae at si Cassie? grabe parang nag h-heart eyes eh!"

bwisit akala ko kung ano.

"girl as the president of their loveteam aba hindi pwedeng hindi ko mapapansin yun ha!" sabay ni Cams sa trip ni Krista.

ganyan lagi ang sinasabi nila. may spark daw kasi tuwing mag titinginan kami ay biglang mapapangiti ang isa sa amin.

napapansin ko rin naman yun pero normal lang ata yun sa magkaibigan.

tulad nalang kahapon nung nasa klase kami ay may tatlong beses ata kaming nagsalubong ang tingin saka nag ngitian.

nakasanayan na nga rin namin na siya ang bibili ng pagkain sa eva's dahil siya naman daw ang isa sa mga dahilan kung bakit laging maraming tao ron. inaasar ko siya na artista things yon at lagi siyang na b-badtrip.

lumabas kami ni Cams para mag cr nang mapansin namin na ayan na ang mga fans niya... naaamoy na nila ang baby cologne ni Cassie kaya naman nag sisi datingan na rin sila.

pagpasok namin sa cr ay hindi ko maiwasang masabi na.

"grabe daming tao no? ano kaya na f feel noong mga yon kapag nakikita nila idol nila?"

"ano ba feeling mo kapag pumapasok si Cassie sa pinto ng classroom at uupo sa tabi mo?" tanong ni Cams.

"ah, okay naman? masaya dahil friends kami?" patanong kong sagot sakaniya.

"ganon na f feel nila, masaya rin"

pag lakad namin pabalik ay nakita ko na mas dumami ang tao andon na rin si Cassie at walang humpay na ngitian na naman.

papasok na kami sa pinto nang nagka-tulakan ang mga nag papa picture na naging cause ng muntikan kong pagkatumba.

agad naman nag sorry yung babae sakin kaya sinabi kong ayos lang.

"guys kumalma po kayo, be mindful po sa paligid para all safe po tayo" sinabi yon ni Cassie na nakangiti pa rin.

kahit kita naman na stress na siya dahil sa dami ng nag papa picture.

pag pasok namin ay natawa na lamang ako

"ingat na ingat ni Cassie grabe talaga!"
lahat na ata napansin netong si Krista.

maya maya lang din ay pumasok na si Cassie saka siya umupo.

"uy crush sorry kanina ha" bakit siya pa ang nanghihingi ng sorry? accident naman yun, walang may gusto.

"ayos lang ito naman di naman ako babasagin" natatawang balik ko sakaniya.

"kahit pa"

nakikita ko sa gilid ng mata ko si Cams at Krista na nag pipigil ng irit at nagkukurutan. ayan na naman sila



pag dating ng oras para mag lunch ay hindi ko mahagilap sila Cams at makailang beses ko nang tinawagan pero wala pa rin.

inis kong inoff ang phone ko pero may nag text at nang tignan ko sa iMessage ay si Krista pala iyon

seasons with you Where stories live. Discover now