10. 🙆‍♀️

285 3 0
                                        

"game one na ng finals bukas! ka excite naman!"

bungad na bungad ni Krista pag pasok namin ng eva's

wala si Cassie at hindi namin siya kasabay dahil sa whole day training nila.

kawawa naman may recit tsaka exam pa naman kami bukas.

okay lang bibigyan ko nalang siya ng notes.

"nood tayo, Kae?" tanong ni Krista habang umoorder kami

pati si Cams ay iniintay ang sagot ko.

"actually hindi ko pa rin alam kung masisingit ko yun kasi magkasunod na araw ang exams" pagpapaliwanag ko.

I want to watch badly, but I also want to ace the exams, badly.

I need to set my priorities straight. una pa lang naman alam ko na, na dapat kong unahin ang exams.

pero hindi ko pa rin maiwasan na ma tempt na manood sakaniya bukas.

kaya naman siguro mag support through online lol.

"basta sabihan mo kami ha? benta ko isang ticket kapag hindi ka makakasama, sayang eh"

"okay, Cams. mamaya mag d decide na ako"

habang kumakain kami ay walang ibang pumapasok sa utak ko kundi ang pagtitimbang kung ano ang pro at cons ng hindi pag nood.

no, mag r review ako mamaya at bukas.

tapos.

nawala ang iniisip ko nang tumunog ang phone ko.

[kaiagruiz] cassiecarballo_

hi crush! kumain ka na?

napangiti ako sa message niya. di talaga nakakalimot to si classmate kahit busy.

na feel bad tuloy ako dahil hindi ko kayang gawin yon para sakaniya.

hindi pa, wag muna ngayon.

sa susunod na.

kaiagruiz

eating na classmate! ikaw ba?

ibinaba ko muna ang phone saka nagpatuloy ako sa pagkain dahil masama na ang tingin ni Cams sa akin.
no phone kasi sa table! kulit ha.

nang matapos kaming kumain ay bumalik kami sa room para sa isang klase naming natitira. dalawang oras yun kaya medyo sumakit ang likod ko.

pagtapos ng klase ay parang wala lang kina Cams at gusto na nilang umuwi para mag review, sipag.

pag uwi at nang matapos akong makapag half bath ay nag pajamas na ako agad dahil alam kong mahaba habang review ang dadanasin naming tatlo.

binuksan ko na ang phone ko saglit dahil alam kong mamaya ay di ko na magagawa yun.

nakita ko na nay reply si Cassie, 3 hours ago pa yun. chineck ko lang yun

cassiecarballo_

yep, water break lang! babalik na tty later, crush!

hindi ko na siya nireplyan pa sa message na yon pero nag message ako sakaniya ulit

kaiagruiz

hello Cassie! gusto mo notes?

wow nang alok ang madamot sa notes.

"Kae, nanghihingi mga classmate natin ng notes meron ka?" tanong ni Cams na hawak ang mga gamit niya dahil sa sala kami mag r review dahil nakakaantok dito sa kwarto.

seasons with you Where stories live. Discover now