14 🥇

326 4 1
                                        

I'm currently sitting in the patron seat wearing a yellow jacket...

her varsity jacket to be exact.

mukha namang nabili ko lang sa delta sportswear kaya hindi big deal sa mga tao. natatawa nga ako dahil kilig na kilig sila Kris.

kanina bago

siya mag punta sa dugout ay nag high five pa kami.

my feelings are overflowing grabe nakaka proud siya.

maya maya pa ay nag laban na ang mga players at nag simulang umingay ang crowd.

"Go USTE! Go USTE! Go USTE! GO! GO! GO! GO!" pag sabay namin sa cheer nang habang hawak ang mga mini tarp namin na may nakalagay na

"laban USTE, Para sa USTE"

"kinakabahan ako gagi" halata naman yun kay Cams dahil medyo nanlalamig ang kamay niya, hindi naman ganoon kalamig dito sa venue.

maya maya ay isa isa nang tinatawag ang mga starting players.

"for the starting setter of the golden tigresses, wearing jersey number 16, Cassie Carballo!" sigaw ng announcer kaya naman grabe ang sigaw ng audience.

isa na ako ron.

I'll forever be a fan.

tumakbo siya papasok sa court ng matapos siyang makipag highfive sa buong team including staffs.

nakita ko na kinalabit siya ni Reg pag tapos ay tumingin silang dalawa sa akin.

nagulat ako at nanlaki ang mata, ngumiti lang sa akin si Cassie pagtapos ay nag thumbs up

ngumiti nalang din tuloy ako.

nang pumito ang referee ay mas lalo kaming kinabahan. grabe ang lakas ng NU, pero nakakasabay ang UST

tama nga ako, babawi siya.

grabeng utak yung binibigay niya.

sa buong game ay kitang kita ko kung gaano kaseryoso si Cassie, kung gaano niya gustong manalo, kung paano niya nilaban.

sa tuwing makakapatay ang mga spikers niya ng bola, tuwing na- activate niya ang middles, tuwing nakakapag cut shot si Reg, tuwing nakaka service ace siya, makikita mo talaga na lahat ng yon para sa game na to. sobrang dedicated niya.

kaya naman noong last point na ng NU, alam naming lahat na hindi para sakanila to. kitang kita ko kung gaano siya kalungkot.

nang umulan ng confetti ay alam kong hindi sila mag tatalunan at mag sisisigaw, tama nga ako kitang kita ko na umiiyak angmga teammates niya, naka upo yung iba, yung iba naman ay mag kayakap.

si Cassie? andon lang siya naka tayo para umalalay sa mga teammates niya alam kong kaylangan niya rin ng masasandalan pero mas pinipili niyang mas magpaka tatag ngayon.

maya maya ay nag salubong ang tingin namin.

"ang galing mo" sinigaw ko yun ng buong lakas para marinig niya.

ngumiti siya saglit at sinenyasan akong lumapit.

lalapit ba ako?

"sa labas ng dugout" nilabi niya lamang ang mga salitang yun

nang makita kong lumakad na siya ay nag lakad na rin ako papunta ron

nakatayo lang siya nang abutan ko nang maramdaman niyang andon ako ay lumingon siya saka ako niyakap.

tahimik lang kami naka yakap siya at hinahagod ko ang likod niya nang maramdaman kong nanginginig ang balikat niya.

"sorry, we came up short" paliwanag niya, dinig ko ang pagkabasag ng boses niya.

seasons with you Where stories live. Discover now