sobrang bilis ng pangyayari....
ganon na yun class beadle na ako?
kanina lang ay kinakausap ako ng prof ko at ngayon class beadle na ako?!
Inisip ko lamang kanina habang kausap siya ay ang perks nito nang makaalis sya ay saka ko naisip na maaaring mas ma stress lamang ako sa mga trabahong kaylangan kong gawin.
Pero hindi ko na lamang titignan ang bad sides nito. At least ay may heads up ako tungkol sa mga bagay bagay.
Wala namang gaanong naging ganap sa mga unang araw namin sa first year dahil puro lamang orientation at mga paalala ang mga prof namin.
Sa linggong to ata ay naka tatlong aya na sa akin sila Cams pero tinatanggihan ko, bakit naman kasi kaylangan na i treat ang sarili bawat matapos ang klase? wala namang kaming mahirap na na- accomplish.
Ngayon ay nagbabasa lamang ako sa school library at ang mga kaibigan ko ay nasa room sinabi nilang susunod sila pero sana ay hindi na.
Joke lang syempre, ayos lang sa akin ang pagiging malikot nila dahil sanay na ako sa tagal naming magkakasama.
inaaral ko ang lesson na to dahil hindi raw gaanong gets ni Krista kaya tuturuan ko siya.
"Kae!" rinig kong sigaw ni Krista sa bandang pintuan ng library. Napahawak ako sa noo ko dahil sa hiya. Alam nya naman na bawal ang mag ingay sa library talagang sumigaw pa siya.
Narinig ko ang pag saway ng librarian sakanya at saka sya tinaasan ng kilay.
"ay sorry po Ms." yumuko si Krista at saka siya tumakbo papunta sakin.
"ano yun? importante ba at napasigaw ka?" tanong ko sakanya habang nililigpit ang gamit ko. Tingin ko ay tapos na ako.
"tara na tuturuan na kita sa room" sambit ko habang sinusuot sa aking balikat ang bag ko.
Nang makalabas kami ay saka lamang nagsalita si Krista, nahiya na ata.
"ay wag na alam ko na yan hehe, nood tayo ng training ng volleyball team!" aya niya na ngayon ay nakahawak na sa braso ko.
"no" tanging sagot ko saka siya inunahang maglakad.
"Kae! tara na please! libre ko dinner natin namaya!" pagpupumilit niya.
Hindi ako na tempt na tanggapin ang inaalok niya dahil marami naman kaming stocks. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi siya pinansin hanggang sa makarating sa room.
Ano ba ang panonoorin nila ron eh training lang naman yun hindi ba sika na b bored.
Pag dating ko sa room ay nakita ko si Cams na mukhang nag aabang sa desisyon ko.
Nakahabol pala si Krista sakin at saka niya sinabi kay Cams na hindi ako pumayag.
"Kaia naman tara na please" malambing na saad ni Cams sakin
Alam naman nila ang sagot ko pero nag pupumilit pa rin sila
"ayoko, hindi naman ako para sa mga ganoon kaya, kayo na lang" sagot ko saka umupo sa aking pwesto
"try mo lang malay mo maging hobby mo ang panonood ng sports!" suggestion ni Krista.
Kung mahihiligan ko sana yon ay noon pa dahil siya ngang pinsan ko hindi ko pinapanood tuwing nag c- compete.
Umabot pa ng ilang minuto ang ayaan at nauwi lamang ito sa pareho silang nakasimangot na umalis.
Hindi ko talaga gusto ang mga ganon maraming nanood maingay nakaka stress pa kung sakaling matalo ang team na gusto mo.
Nang makaalis sila ay tumulala lang ako halos at saka nag basa ulit pero wala eh naubos ko na ang gagawin ko para sa araw na to. Ano na kaya ang gagawin ko sa condo nito pag uwi?
YOU ARE READING
seasons with you
Romanceit all started when Kaia the class beadle of commerce and business 1 wore a white jacket that she mistook as hers. cassie carballo fanfic/au
