12. ah okay!

202 4 0
                                        

another day na naman para makapag pagod sa pag aaral hays, kelan kaya matatapos to.

tapos na kami sa exams kanina at half day lang yun nang makauwi ay tinapos ko ang ilang pendings ko saka tumunganga sa higaan ko.

panay lang ang scroll ko sa facebook pag tapos ay lumipat ako sa instagram.

nakita ko ron ang isang reel na iniinterview sila Cassie kaya naman pinanood ko.

may mga hawak silang parang printed cardboards at may nakasulat doon na
flex or flush nakinig ako sa magiging tanong at nilakasan pa nga iyon.

"dating an athlete! flex or flush?" tanong ng interviewer sakanila

nakita ko na nag isip sila for a minute tapos tinaas ni Reg and Bianca yung flush na side tapos nakita ko na tinaas ni Cassie yung flex.

ay wow ganoon pala

"mas maiintindihan ko" habol na comment pa niya

ah okay. gusto niya rin pala yung athlete din para naiintindihan niya.

nagulat ako nang may tumawa sa paligid ko, si Cams at Krista pala.

"todo simangot naman si crush" pagbibiro ni Cams sa akin.

"di ako nakasimangot no" pag tatanggol ko sa sarili ko.

bakit naman kasi ako sisimangot diba?

saktong nakita ko na may notification ang messages ko

[kaiagruiz] cassiecarballo_

hello! balik ko na notes mo 🙂👍

ge balik mo pag pasok. yun ang nasa isip ko pero hindi ko na sinabi yun at pumayag nalang. pagbaba ko ay andon na rin siya kaya naman nakita ko agad ang ngiti niya, bango pa.

"parang bad trip ka ata? anyare?" pang uusisa niya sa akin.

di ako badtrip no.

"ha? di naman ah"

"nakakunot pa nga rin kilay mo hanggang ngayon" pag tawa niya bago sabihin.

ngayon ko lang na realize na oo nga nakakunot nga ang kilay ko nakakangawit din pala pag nakakunot.

"lakad muna tayo" pag aaya niya.

tumango lang ako at sumunod sakaniya.

nakarating kami sa bandang marami ng tao saka kami umupo sa labas ng isang convenience store, kapal di naman bumili.

"kumusta araw mo boss?" pag tatanong niya dahil napaka tahimik naming dalawa.

"okay lang naman, ikaw ba?" pagbabalik ko ng tanong dahil nakakahiya naman siguro kung siya lang diba?

"okay ako! masaya naman" pag sagot niya habang yung ngiti niya aabot na ata sa tenga niya

"halata nga, tuwang tuwang ka nga sa interview niyo kahapon eh" ay gaga ang daldal ko!

bahagyang nanlaki ang mata niya saka biglang tumawa ng malakas

"anong nakakatawa?" simangot ko.

"wala natawa lang ako sayo, parang galit ka"

"napanood mo? ano lang naman yung mga questions don, rhetorical." pag papaliwanag niya.

"bakit nag papaliwanag ka? wala namang masama kung okay sayo ang mag date ng athlete ah?"

"based lang yung sa question pero sa ngayon, hindi ko nakikita ang sarili ko na nag d date ng athlete, siguro classmate? pwede pa pero athlete hindi" tuloy tuloy lang siya sa pagpapaliwanag. nag init ang mukha ko sa sinabi niya.

classmate pa nga raw.

"okay" tanging nasambit ko dahil wala nang napasok sa isip ko.

"Kae, mag sasabihin ako dapat sa game 3 diba? parang di ko na kaya na b bother ako, ngayon ko na sasabihin"

"ano yun?" tanong ko dahil na curious ako sa matagal niya nang sinasabi pero hindi natutuloy.

"uh ano kasi" napakamot pa siya sa batok niya at huminga ng malalim. nakapikit pa.

ang seryoso naman

"I like you" tama ba dinig ko?

"ha?" pag ulit ko para makasigurado kung totoo yung narinig ko

"ano ba naman yan, gusto kako kita" dumukmo siya sa table at hindi tinaas ang ulo niya.

ah okay. tama nga rinig ko. all this time? gusto niya ako? hindi pala ako assumera!

"okay" tanging sagot ko.

"anong okay?" naguguluhang tanong niya pero naka dukmo pa rin.

kulit ah

"gusto rin kita" sabi ko. there you go! finally! nasabi ko rin sa wakas.

biglang napaahon siya at tumayo mula sa pagkakaupo nanlalaki ang mata niya.

"ha? legit yan?!" paka oa ah.

"joke lang, ayoko po sa athlete" biro ko.

"uy di magandang biro yan ah" pagmamaktol niya pa.

"ito naman! gusto nga rin kita" napalakas ata ang sabi ko kaya napalingon ang ibang naglalakad samin at nakita ko pa na may nag picture sa amin. issue na naman.

natawa kami nang ma realize na we're making a scene. tumayo kaming dalawa saka nag lakad.

"lakas kasi ng boses mo!" pag sisi niya.

"eh bingi ka kasi" pag tatanggol ko naman sa sarili ko.

pag balik namin sa baba ng condo ay may sinabi si Cassie na naging dahilan nang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Kaia, pwede manligaw?" tanong niya

napatulala lang ako sakaniya at walang kung ano ang nasa isip.

"oo naman" sagot ko

pareho kaming nakangiti nang magpa alam sa isat isa.

nakita ko na may message pa siya ulit.

cassiecarballo_

thank u! 😭 grabe kung alam mo lang. nawala na yung tinik sa dibdib ko, makakapag focus na ako lalo tapos may motivation pa ako!

natawa ako sa message niya dahil parang nanalo siya sa lotto.

kaiagruiz

wag ka na munang kumain ng isda para walang tinik :) pero welcome and thank u rin kasi u make me feel so special! <3

nagpaikot ikot ako sa kama na parang nababaliw dahil yun ata talaga ang nararamdaman ko sa ngayon, parang sasabog ang puso ko.

grabe naman wala pang pasko pero ang aga ng regalo.

seasons with you Where stories live. Discover now