may 8:30 class kami ngayon kaya naman napa aga ang pag pasok ko, nauna pa nga ako kina Cams dahil nag aayos pa sila. Gusto kong mauna dahil inaayos ko at tinitignan ko ang lagay ng room namin dahil kahit minsan ay may nag lilinis mayroon pa rin akong nakikitang kalat sa drawer ng table sa harap at nakakahiya sa prof namin yun.
nag datingan na ang mga kaklase ko at nag simula na ring umingay ang paligid naupo lang ako at walang sinasabi.
dumating sina Cams at Krista on time pag pasok nila maya maya lang din ay dumating na ang prof.
may mga kaklase pa akong wala ah.
habang nagtuturo ang prof namin ay lumilingon ako sa pinto parati.
ano bang tinitignan ko? kainis.
habang nag n notes ako maya maya ay narinig ko ang katok sa pinto lumingon agad ako rito.
ah si Kim.
late sya.
nag patuloy lang ako sa pag n notes nang maisip.
absent ba si Cassie today? ano naman sakin?
nawala ata ako sa wisyo dahil sa pag iisip nang may kumatok muli sa pintuan at nang buksan yon ay nakita ko ang hinihingal na si Cassie.
oh there she goes, shes late. 5 mins to be exact may dala pa syang training bag and fresh from the shower, she walked past me so im able to smell her cologne it smells like baby cologne.
I wonder paano kaya nagagawa ng mga student-athlete ang ganoon? nag aaral matapos mag ensayo? di ko kakayanin.
maikling oras nalang ang ginugol ng prof namin at lumabas na siya.
nag labasan kaming lahat at pinili ko na mag punta sa library.
pag pasok ko ay umupo ako sa isang gilid ibinaba ko ang mga gamit ko at saka nag ikot upang humanap ng libro.
maya maya habang nag lalakad ay mag nakasalubong ako na pamilyar ang amoy kaya naman lumingon ako. It's Cassie.
paglingon ko ay hindi pala, kaamoy lang.
ano kayang pabango niya no?
hindi naman ata papasok sa utak ko ang babasahin ko dahil clearly iba ang tanong na gustong masagot ng utak ko kaya naman lumabas na ako para hanapin sina Krista.
pagbalik ko sa room ay hinahanap na rin pala nila ako.
"tara eva's window shopping lang" aya ni Krista
natawa ako sakaniya, benta talaga sa akin ang term niyang window shopping
sinasabi niya iyon kapag gusto niyang silayan ang mga athlete na kumakain sa eva'sminsan nga ay kahit hindi siya gutom kapag nakita niya sa story ng idol niya na nasa eva's ay kakain ulit siya kahit na mag isa.
"tara ako legit na gutom ako ayoko muna manood ng kumakain na athlete dahil ako muna ang kakain" yan ang naging sagot ni Cams na ngayon ay kinukuha ang wallet niya.
gusto ko ng fries. pero mamaya na.
naglakad kami papunta sa eva's at may himala ata at hindi karamihan ang tao
nakita ko sila Cassie sa usual spot nila at yun parin ang kasama niya nalimutan ko kung Regine o Regina yung name nung isa kasi Reg ang laging tawag sakaniya nina Cams.
naglakad si Cams papunta sa counter at si Krista naman ay naglakad papunta sa table na uupuan namin, ang daming space ngayon ah? pero pinili ni Krista ang katabing table noong kila Cassie.
papansin talaga.
kaylangan naming lampasan sila para makaupo at nung madadaan na ako sa table nila ay may bumati sa akin.
YOU ARE READING
seasons with you
Romanceit all started when Kaia the class beadle of commerce and business 1 wore a white jacket that she mistook as hers. cassie carballo fanfic/au