08. game 2

209 4 0
                                        

today is tha game 2 of the semis UST os leading kaya naman sabi ni Cassie ay mataas ang confidence nila kaya lang ay andon pa rin daw ang kaba.

nakakatawa na bigla na lamang akong naging interested sa sport niya.

ganon ata talaga pag bestfriend mo

sinabi ko sakaniya na hindi ata ako manonood dahil kahit sila Cams ay walang na secure na tickets.

sabi niya sakin kahit daw sila ay hirap kumuha non kaya sinabi ko na I'll watch nalang sa live.

tumunog ang phone ko, may tumatawag ata.

when I picked it up nakita ko na si mommy pala.

"Gab anak" malambing na boses niya

yes Gab ang tawag sakin ni mama.

"yes ma?"

"anak nakita ko ang messages ng daddy mo sayo bakit hindi ka nag sasabi sa akin?" tanong niya.

hindi alam ni mommy grabe talaga mag take ng secret si daddy.

kahit noon ay hindi alam ni mommy yun pero hindi ko sinasabi sakaniya dahil masyadong malambot ang puso niya.

"hayaan mo na yun mommy di naman ako naapektuhan eh"

"nag usap kami napag talunan nga namin yun kagabi kaya hindi kami nag uusap, pero kanina bago umalis ay nag sorry siya sa akin"

"ayun naman pala mommy eh, ano ka ba ayos lang ako dito UST is still the best" pag papagaan ko sa loob niya.

"Gab anak wag kakalimutang tumawag sakin ha, dumalaw ka minsan nang maipakilala mo sakin ang girlfriend mo" pang aasar niya

huh? saan niya naman nakuha yon?!

"mommy wala akong girlfriend!"

"ay sabi ni Krista nung umuwi siya sakanila at ibinigay ang pasalubong ko ay may girlfriend ka raw na setter ng volleyball team niyo?" nahihimigan ko ang tawang pinipigilan niya

"si Krista pa mommy? alam mo namang fake news yon"

nag tagal pa nang konti ang pang aasar ni mommy at kinailangan na naming mag paalam sa isat isa dahil may mga kaylangan pa siyang gawin.

nagpapahinga lang ako ngayong araw dahil wala kaming saturday class

salamat naman

umalis si Krista kasama ni Cams para mag grocery saktong aalis na sana kami nang tumawag si mommy kaya sabi nila ay sila na lang.

may kumatok sa pintuan kaya naman pinuntahan ko na yun para buksan

andito na ata sila Cams.

pag bukas ko ng pinto ay nagulat ako

si daddy.

"anak" tawag niya sa akin.

hindi ako nag salita at pinapasok lang siya sa loob.

"uh daddy wala pa po ang result ng exam namin" sagot ko agad sakaniya dahil alam kong ito ang ipinunta niya.

"anak I'm so sorry" panimula niya

sorry. grabe hindi ko inakalang maririnig ko yun, mula sa kaniya.

"I'm so sorry for putting so much pressure on you, hindi mo na pala na e enjoy ang buhay mo dahil sakin"

"nag alala lang ako na baka magaya ka kay kuya na masyadong naging pabaya sa buhay niya na hindi siya nakatapos"

dinig ko ang panginginig sa boses niya.

seasons with you Where stories live. Discover now