04. is she a model or what? 📸

93 0 0
                                    

note ni author

short ud! WAAAAHHHHH!!!! PANALO USTE!!! VLEAGUE CHAMPIONS ANG MGA BABY KOOOO!!!! 🙏😭 GRABE NAKAKA PROUDDD

LABAN USTE, PARA SA USTE! 🐯💛










two weeks na ang nakalipas mula nung bigyan ako ni Cassie ng candy at mula nung araw yung ay lagi na niya akong nginingitian, I guess we're friends na?

today ay nasa condo pa ako dahil mamayang 10 pa ang pasok ko kaya naman pinapahinga ko lang muna ang utak ko dahil marami raming lessons na naman ang kaylangan kong harapin.

"nood naman tayo uaap oh, mag s semis na wala pa rin tayong napapanood" sabi ni Krista habang nanonood ng mga highlights ng women's volleyball team sa tiktok.

"sama ako pag sumama si Kaia"

"edi sana sinabi mo nalang na hindi ka sasama Cams, gumanon ka pa eh" inis na sabi ni Krista.

natatawa na lamang ako dahil ako pa talaga ang ginawa niyang kondisyon.

"sama ka na Kae, bff mo nama setter ng UST" pabirong sabi ni Cams.

"anong bff?! di ako payag" pasigaw na sabi ni Krista kaya naman ay napakunot ang noo ko sa pag tataka.

"huh?" tanong ko sakaniya.

"di ako payag na bff lang kayo!" sigaw niya sabay tumawa ng malakas.

parang siraulo.

friends na nga ata talaga kami dahil nung nakaraan ay nang matapos akong mag recite ay nag thumbs up sya sakin at ngumiti.

nginitian ko sya at nag thank you

meron din nung magkasalubong kami sa eva's habang kasama ang mga team mates niya ay nag hi siya sakin.

friends na ba kami kapag ganoon?

. ݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁. ݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁. ݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁. ݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁. ݁₊ ⊹ . ݁˖ . ݁. ݁₊

Naglalakad na kaming tatlo nina Cams papasok ngayon at nang malapit na kami sa room ay parang may nag titipon tipon.

Ah alam ko na.

ganito ang routine namin araw araw pahirapan pumasok sa room at pahirapan din na lumabas dahil sa mga taong nag iintay kay Cassie para makapag pa picture at yung iba ay may dala pang kung ano ano.

ang gulo pa nila.

tama ako nag papa picture nga sila, ni hindi pa nga nailalapag ni Cassie ang bag at iba pang gamit niya sa loob ay pinagkaguluhan na siya.

pero kahit ganoon ay nandon pa rin si Cassie tinatanggap ang mga binibigay sakaniya, nakikipag usap habang nakangiti, nakikipag tawanan.

ang dami niyang energy para doon ah.

pumasok na kami at saka umupo.

"grabe no? di kaya nangangalay ang panga ni Cassie sa dami non? kapagod siguro yun" tanong ni Cams na nakatanaw pa rin sa labas ng room namin.

same question. is she a model or what?

maya maya ay bumukas na ang pintuan at lumakad si Cassie palapit sa table niya saka inayos ang gamit bago umupo.

nginitian niya ako bago magsalita.

"grabe sa labas palang pagod na ko" natatawang sabi niya.

"yeah ako ang napapagod para sa panga mo" sagot ko sakaniya.

"sanay na ako" sagot niya na ngayon ay medyo seryoso na.

"minsan ba na u uncomfy ka sa mga fans?" tanong ko.

"syempre naman kasi minsan may mga fans na sobrang toxic minsan ay sinusundan pa kami sa dorm. pero madalang naman mas maraming mababait na fans" sagot niya at ngayon ay nakaharap na sakin.

"oh wow grabe naman pala yung iba" tumango tango lang siya sakin

"nag umpisa na third week ng UAAP di kayo nanonood?" tanong niya sakin.

"not my thing" sagot ko sakaniya.

dito pa nga lang ay kita ko na kung gaano kagulo paano pa sa venue.

"ay weh walang support sa school oh!" pang aasar niya pero tinawanan ko lang siya.

nakalipas ang pag uusap namin at natapos na rin ang klase ngayon ay papunta na kami sa labas para kumain

"hehe close na kayo ni Cassie nakakakilig!" yan ang unang lumabas sa bibig ni Cams nang makalabas kami

"oo no? kasi yung ugali niya na pala tawa tapos may buka ang bibig lumalabas na kapag kasama si Cassie" sagot ni Krista na ngayon ay nakatapat ang mini fan sa mukha.

ang init.

daming sabi.

"alam niyo kayo pala desisyon kayo"

naglakad kami hanggang sa makarating sa eva's pero ang dami  sobrang tao sa labas kaya nung pumasok kami ay hindi namin kinaya at lumabas na kami.

bubuksan ko na sana ang door nang may tumawag sa pangalan ko

"Kaia!" medyo malakas ang boses kaya nakuha agad ang atensyon ko sabay sabay kaming lumingon nina Krista at saka nakita si Cassie na naka upo katabi ang team mate niya raw na si Regine at katapat naman si Angeline. Ayun ata ang pangalan dahil pinag uusapan nila Cams minsan yun dahil idol nga nila.

tinignan ko sya at saka sinabi

"why?" tanong ko

may ibang taong napapatingin din sa banda ko dahil nga tinawag ako ni Cassie

sinenyas niya ang phone niya tinuro niya yun

it took a moment for me to realize.

ah, tignan ko raw ang phone ko. tama ba?

nakalabas na kami ng eva's nang tumunog ang phone ko.

[kaiagruiz] cassiecarballo_ is now following you!

[kaiagruiz] cassiecarballo_ wants to send you a message.

magkasunod na notif yun sa cellphone ko at nang i accept ko ay nakita ko ang message niya.

cassiecarballo_

sobrang daming tao no? hindi kayo makakasingit.

                                             kaiagruiz
    
                                       yeah, anjan kasi              
                                                     kayo eh.  
     

cassiecarballo_

ano ba order niyo?
ako na bibili.

yan ang naging usapan namin nagka pilitan pa na wag na dahil baka hassle pero nung nakita ko na tumayo siya para pumunta sa counter ay parang scene na hinati ni Moises ang dagat dahil nagsi tabi ang mga tao.

hindi nag tagal ay lumabas si Cassie na dala ang isang paper bag.

"hala thank you talaga ha" nahihiyang sabi ko pa at saka nilabas ang wallet

"wag na no need" sabi niya agad sakin at ngayon ay inaayos na naman ang bangs niya.

"ha?" napatanong ako.

"wag mo na bayaran" sabi niya saka binigay sa akin ang paper bag.

nakipag matigasan ako at nilabas ang one thousand bill sa wallet ko at iniabot sakanya

"dali na kasi" panungulit ko sakaniya

at nung kukunin ko na sana ang kamay niya para iabot ito ay bigla siyang tumakbo!

nang makapasok siya ay kita ko ang mukha niya sa glass wall na ngayon ay tumatawa na.

napanganga nalang ako at maya maya ay nag notif na naman ang phone ko

cassiecarballo_

eat well 😇

seasons with you Where stories live. Discover now