Wala na namang bagong pangyayari sa buhay ko dahil ganoon pa rin naman ang routine ko.
gumising, mag aral, matulog, repeat.
mayroon pala, dahil nag alaga ako ng mga lasing kagabi at nag linis ng cr dahil sa suka nila
gumawa rin ako ng hangover soup dahil masasakit ang ulo nila ngayon
ang ingay pa nilang dalawa kaya naman inis na inis ako habang nag r review kagabigaling sila sa birthday celebration ng isa naming blockmate sa club yun ginanap kaya naman nang may kumatok sa condo ay alam ko na sila Cams na yun, pero hindi sila ang kakatok dahil wasted na
Tama nga ako. Akay akay na sila ng mga blockmates namin na nagtatawanan nang maibaba sila sa sofa ay sinabi kong kaya ko nang mag isa.
tinanggalan ko sila ng heels at saka binura ang mga makeup pag tapos ay hinayaan ko na sila sa sofa malawak naman kasi ito at minsan nga dito pa natutulog si Krista.
bahala silang mag siksikan at ginusto naman nila na pahirapan ang mga sarili hindi sila nagtira ng pang uwi nila? bahala sila sumakit ang likod.
tatalikod pa lang ako para ipag patuloy ang pag r review para sa quiz namin sa isang major subject ay naduwal na si Cams.
halos kaladkarin ko na siya para hindi mag suka sa sala at buti naman ay umabot pa kami sa cr kaya lang ay sa sahig na siya nasuka hinawakan ko ang buhok niya at hinagod ang likod.
kadiri.
pagtapos nun ay pinainom ko siya ng tubig saka nilinis ang sahig.
pag balik namin ay dineretso ko na sya sa kwarto naming tatlo nang makahiga siya sa kama niya ay nanahimik naman na siya.
nang balikan ko si Krista ay inis lamang ang nakuha ko, ganoon din ang ginawa ko para sa kaniya dinala sa cr, hinawakan ang buhok, hinagod ang likod, pinainom ng tubig, dinala sa higaan niya.
pumunta ako sa study table ko para mag review na kaya lang ay nag simula na silang kumanta ng hindi ko malamang kanta kaya naman distracted ako.
aalis ba ako at sa sala na mag r review? paano kung sumuka sila pag alis ko? kadiri naman kung hindi agad lilinisin? sige dito nalang ako.
kaya naman kahit distracted ay pinili ko na lamang ipagpatuloy ang pag r review.
Kaya ngayon nasa room ako at nag c cram sa pag r review, something I don't usually do. Ayoko nang nagmamadali para tapusin ang isang bagay hindi maganda ang outcome. I like to take things slow.
Kanina pa panay ang hingi ng sorry nila Cams dahil sa perwisyo na binigay nila at ngayon ay mga naka dukmo dahil masakit ang ulo.
tapos na nangyari naman na kaya hindi na ako magagalit pa wala akong time.
Nang dumating ang prof namin ay bumigat lalo ang pakiramdam ko, hindi ako confident. Alam kong hindi maganda ang kakalabasan ng quiz. Major pa naman. Ayos lang naman siguro dahil pangalawang quiz pa lang sakanya? no. hindi dapat gusto ko na lahat ng ibibigay sa akin ay bibigyan ko ng 100% ko.
habang nag q quiz ay namumuo ang bigat lalo sa dibdib ko. marami akong na miss na part. sabi ng prof namin ay king hindi aabot ang time niya ay sa susunod na meeting na namin malalaman ang scores.
sana.
pero hindi ganon ang plano ni Lord, umabot pa ang time kaya naman tinatawag niya na ang surname namin para ibigay sa paper.
"Ruiz, Kaia" basa niya sa pangalan ko tumayos ako para kunin ito at nang tignan ko ang score ko ay nanlumo ako.
17/30.
YOU ARE READING
seasons with you
Romanceit all started when Kaia the class beadle of commerce and business 1 wore a white jacket that she mistook as hers. cassie carballo fanfic/au