I think my hard works thoughout my grade 12 life paid off dahil masaya akong nag papahinga pero hindi na pala.
I am here sa paligid ng campus dahil sa paskuhan wala sa plano ko ito dahil sa tingin ko wala namang magandang makukuha rito, dapat nga ay nagpapahinga ako pero wala e.
" late tayo ng 30 minutes! si Kaia kasi ayaw pumayag eh! " my cousin Krista said. Nag iinarte sya ngayon na para bang sinabi ko na pilitin nya ako.
" kung ayaw mo palang ma late ay sana hindi mo ako pinilit " sagot ko habang ginagala ang mga mata. Masyadong maraming tao nakakahilo.
" iba pa rin kasi kapag andito ka " Camella my bestfriend said.
ano namang pinagkaiba e hindi rin naman ako sumasabay sa trip nila? hay nako.
" mamaya pa naman ata tutugtog ang banda e ikot muna tayo sa mga stalls!" sabi ni Cams habang hila hila ako sa braso nagpatianod naman ako sakanya at nang kumalma siya saka ko tinanggal ang pagkakakapit sakanya at saka sumunod sakanila.
maraming stalls ang available rito ngayon dahil big event ang paskuhan sa bawat lakad ko ay marami akong nakikita. Mga nagtitinda ng shake, something grilled, cotton candy at di ko na mapaliwanag pa. Marami rin ang mag shota, magkakahawak ng kamay yung iba, yung iba naman naka hawak ang braso ng lalaki sa bewang ng babae.
ang baduy.
"Kaia! ang bagal mo maglakad mawawala ka sa dami ng tao" hindi ko napansin na naka hinto na pala sila at hinihintay ako hindi na ata makapag intay si Krista kaya sinigawan at hinila nya na ako.
that's my goal mapahiwalay sakanila at saka ako uuwi sa condo naming tatlo sasabihin ko nalang na sumama ang pakiramdam ko.
pero natatakot din naman akong mag isa sa condo kaya baka pag titiisan ko nalang dito.
" gusto ko mango graham shake " sabi ni Krista habang lumilingon sa paligid para humanap ng stall na nag bebenta nito.
"ayun doon banda!" sigaw ni Cams nang sya ang unang makahanap ng stall. Naglakad kami papalapit doon saka sila umorder.
"Kaia ano sayo?" tanong ni Cams na naglalabas ng wallet nya.
"uh buko shake?" wala sa isip kong sabi.
" ate sabog ka ba? mango lang tinda nila dito " bulong sakin ni Krista natatawa si Cams sa harap namin na syang nag oorder.
ah oo nga.
paglingon ko sa pangalan ng stall ay mango haven ang nakalagay.
sorry naman
"ah gagi wala ayoko ng malamig" sagot ko saka lumingon ulit sa paligid.
gusto ko kasi ang nakikitang may kanya kanyang ginagawa ang ibang tao kumbaga gusto kong naiisip na lahat kami ay may mga pinagkakaabalahan sa buhay, gumagaan ang pakiramdam ko dahil sa tingin ko ay mayroong tao na mas mabigat ang dinadala kaysa sa akin.
nang matapos umorder ay umupo kami sa bermuda grass. umiinom sila ng shake habang nakatanaw ako sa langit ang daming stars they look so good.
"gabi na ang init pa rin, bat di ka pinagpapawisan Kaia? ang daya ha!" tanong ni Cams.
seriously? nagtataka sya kung bakit pawis sya? kulang nalang ay mag cartwheel sya sa daan kaya hindi malabong pag pawisan sya
"wag ka lang masyadong malikot" sagot ko sakanya.
"grabe ang daming outsiders!" sinabi yon ni Krista pagtapos nyang humigop sa shake nya napalakas ata ang pagkakasabi nya kaya lumingon ang grupo na malapit samin.
" ay gagi sorry po " dinig kong sabi ng isa sakanila. Maikli ang buhok nito na sa tainga lamang ang haba.
napansin ko na ang isa sakanila ay nakasuot ng white shirt na may print ng DLSZ na kulay green. tumatawa ito habang kumakain.
"outsider kasi e" sabi naman ng isa sakanila.
are they athletes? mukha kasi dahil sa katawan nila na halata mo naman na active ang lifestyle.
paglingon ko muli ay nakita kong nakatingin sakin ang isang babaeng kasama nila. She's wearing a green denim jacket na blue ang inner shirt at brown pants. Naka braces siya, kitang kita ko ngayon dahil nakangiti sya. Her smile is captivating, what the hell?
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"ay hala hindi po huhu" napabalik ako sa kung ano talaga ang nangyayari nang mag apologize si Cams.
" hindi joke lang din po yun, mas masaya po kasi pasko sainyo eh " sabi ulit nung babaeng maikli ang buhok.
"sige po haha enjoy po kayo mga ate!" pahuling sabi ni Cams saka kami hinilang dalawa ni Krista.
"napaka kasi ng bibig netong babaeng to eh" sabi ni Krista nang makalayo kami sa grupo nung nakarinig sa sinabi ni Cams.
"ano yun Cams? thinking out loud?" I asked.
natawa kaming tatlo dahil hiyang hiya sya sa ginawa nya.
malapit na atang mag umpisa ang banda kaya naman sabi ni Cams ay pumunta na kami malapit sa stage.
Pag punta namin ay nagsasalita ang emcee at sinabi ang order ng mga mag perform, huli pa pala ang inaabangan nila.
"gusto ko ng potato twisters" sabi ko habang naglalakad kami paalis sa crowd dahil ayaw pa naman nila sa kasaluluyang nag p perform.
"tara bili tayo dun ata banda" aya ni Krista saka siya naunang magkalad.
Hindi kami naligaw at nahanap agad namin ang stall kaya naman pumunta na ako sa harap para mag order.
"po-" naputol ang sasabihin ko nang may magsalita sa tabi ko
nag intay ako ng ilang segundo para paunahin syang mag salita ulit
kaso wala kaya naman ako na ang nauna
"potato twister nga po-" sabay ulit naming sabi.
Nilingon ko ang kung sino mang nakakainis na taong to.
Pag lingon ko ay nakita ko si Ms. Captivating Smile, nagtataka ang tingin nya sakin.
"huh?" tanong ng nagtitinda
"potato twister po-" sabay na naman naming sabi
nagkatinginan kami at tinaas ko ang kilay ko sakanya.
akala ko ay sasama ang tingin nya pero nginitian nya lang ako.
"yung cheese po-" sambit ko
na sambit nya rin...
"ah sige potato twister, cheese para sainyong dalawa. kambal ba kayo at iisa ang utak nyo?" natatawang sambit ng tindera saka hinanda ang binibili namin