Cassie's
we're on a night out with the whole team minus the coaching staffs, sa bahay ni Bianca, nasa championship feels pa rin kasi sila, sabagay isang araw pa lang naman kasi nakakalipas.
nakapa ikot lang kami sa sahig kasi dito kami matutulog habang nanonood ng movie.
the notebook.
favorite ko to eh! ulitin nga namin ni Kae to, para ma realize niya na kaya ko rin siyang gawan ng bahay, joke lang.
"grabe si Noah! gusto ko rin ng ganyan huhu" pag iinarte ni Reg habang pinupunasan ang luha niya, na touch pa rin siya kahit pang limang beses niya na atang napanood to.
"same, gusto ko yung kahit anong mangyare tanggap pa rin ako" humuhugot si Biancs, grabe naman sila.
"tahimik lang yung iba jan, may mga nag aalaga na kasi" parinig ni Xyza samin
napangiti lang ako bago natawa sa itsura ni Badet, namumula.
"yey! ito na ang perfect timing para ma interview ang pinaka bagong member ng lovers club!" daming alam ni Pia! natatawa ako sakanya, nagulat pa ako dahil ako pala ang tinutukoy nila.
tinuro ko ang sarili ko
"ha, ako?" tanong ko kahit obvious naman na sa akin sila nakatingin.
"oo bading, ikaw" nagkakamot pa si Badet sa batok nang sumagot sabay ngumiti.
"lahat tayo tag iisang tanong!" suhestyon ni Angge.
dami non!
"uwi nalang ako" pagbibiro ko.
"ah sige hindi na pala yung may mga tanong nalang" yan ganyan. hindi yung intriga kayo.
"kailan nagkaroon ng connection?" kinikilig pa ata si Pia, hindi niya naman gaanong kilala yun
"wow kilig na kilig di mo naman kilala" pag irap ko sakaniya.
"hoy?! para sa kaalaman mo, rinding rindi na ako sa mga kwento mo ha! halos araw araw kaya siya bukang bibig mo!" palaban naman si ate.
"ano, sakin nabuhayan ulit ako nung first day kasi nakita ko siya, tapos grabe binigyan ako candy tapos yun, nagayuma na ako" nag iinit pisngi ko rito ah!
"luh, bakit feeling ko ikaw ang nang gayuma?" kasama ba yan sa tanong?
"inis ka Angge, wag mong sayangin yung mga tanong" kulit talaga ni Xyza.
"ano nagustuhan mo sakaniya?" habol na tanong niya.
nag isip ako, walang tiyak na answer para ron, lahat kasi ng bagay sakaniya ka gusto gusto, positive man o negative para sakaniya.
"nung unang kita ko sakaniya nung paskuhan, yung attraction ko talaga sakaniya, physically lang. kasi hindi ko siya kilala tapos we didn't talk din naman, kaya ayun nagandahan lang ako. yung parang crush mo sa airport na hindi mo na ulit makikita? pero nung first year ng second year, nakilala ko siya, grabe guys sobrang hard working, dedicated, tapos grabe mag set ng goals. tapos achiever din, bonus na bonus nalang yung ganda eh" tuloy na tuloy na sabi ko, nagulat nalang ako nung nakita kong tulala na sila.
"wow! ngayon ka lang nagsalita ng ganyan kahaba, Cassie. malala ka na" pag tawa ni Jonna, tapos na siyang mag phone.
natawa nalang din ako sa sarili ko, ganoon ata effect niya sakin
"last question na, anong song yung made dedicate mo sakaniya?" tanong ni Badet. finally! last na.
"ano Vienna, by Bill Joel. perfect yun for her"
laging nasa isip ko yun kapag nasa mga oras kami na pinepressure niya yung sarili niya kahit alam niya naman na mag e excel siya kahit di niya i pressure ang sarili niya.
grabe, dito lang ako naging madaldal ah.
"tama na masyado na kayong maraming nalalaman" pag awat ko sakanila.
ano kayang ginagawa niya ngayon? panigurado tulog na yun, 10:30 na e. ayaw niyang lumalagpas ng 10, hindi raw healthy.
"tulog na tayo guys, uuwi ako maaga bukas eh" yun, may tamang sinabi rin si Angge.
habang nakahiga na kaming lahat ay pinag iisipan ko kung anong pwede naming gawin ni Kae bukas since linggo naman.
disneyland kaya tapos balikan lang.
baliw.
feel ko kain nalang kami.
dahil ata sa kakaisip kung saan kami kakain ay hanggang sa panaginip ko namimili ako ng restau.
pag gising namin ay wala nang naligo! rekta uwi na talaga, alis na alis ah. mga susulitin na dahil may pasok na naman bukas.
pag balik ko sa dorm namin ay tinawagan ako ni Kae, hays sarap talaga ng may nag aalala sayo.
"good morning, Cas. nakauwi ka na?" pag tatanong niya, ganda ng boses!
simp talaga.
"yup boss, kakadating lang, any plans for today?" chance ko na to. joke.
"wala, tapos na ako sa mga pendings, ikaw ba?" pagbabalik niya ng tanong.
"uh wala rin, kain tayo? early dinner?"
"where?"
"basta"
"may ganong, restau?"
joker din talaga minsan.
"ewan sayo, Kae." natatawang sagot ko, narinig ko lang ang tawa niya sa kabilang linya
"bye na muna, linis lang ako" pag papaalam niya saka ko inintay ang pag baba niya sa phone
YOU ARE READING
seasons with you
Romanceit all started when Kaia the class beadle of commerce and business 1 wore a white jacket that she mistook as hers. cassie carballo fanfic/au
