Chapter 28

120 8 0
                                        

Chapter 28: Man

I started doubting the rules and regulations since that day.

Ano ang layunin ng patakaran na iyon kung ganito lang din ang mangyayari? Such a waste of time.

I sighed and continued walking aimlessly. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.

Mula noong araw na iyon, palagi na akong nagmamasid sa kahit saang bahagi ng akademya. Dahil sa pag-oobserba, ngayon ko lang nalaman na matagal na pala nila kaming niloloko sa patakaran na ginawa nila. I have seen enough immortals who died in the previous war who are alive and kicking right now in these few days.

Hindi ko alam kung alam ito ng mga pinuno ng kada tribo o hindi. I want to ask them about it, but they had already left the academy the day after the curse vanished. Iyan lang naman ang naging dahilan kung bakit pumunta sila rito. Para rin naman kasi sa lahat iyon, kaya naiintindihan ko na umalis na sila ngayon.

I suddenly stopped recalling what happened weeks ago when I heard voices near me. Napatigil din ang aking paglalakad dahil pamilyar ang kanilang mga boses.

"How can you two get out from that place?"

Kumunot ang noo ko at agad na nagtago sa gilid ng gusali na malapit sa kanila upang marinig silang malinaw.

"Mission about stealing the necklaces."

Stealing? It means they are the ones who stole the necklaces weeks ago? Kasabwat nila ang mga pinuno ng fairies at witches?! Pero paano? Mission?

Nalito ako sa aking mga naisip dahil sa narinig. Sumilip ako mula sa aking pinagtataguan at lumiit ang aking mga mata nang makita ko na naman ang dalawang lalaking nagpapatayan noon. Nakaharap silang dalawa sa isang babae na nakatalikod sa akin.

"Oh? Eh bakit hindi pa kayo nakabalik doon gayong hindi naman kayo nagwagi sa pagkuha ng mga kuwintas?" Sumulyap sandali ang babae sa gilid niya kaya nakita ko nang bahagya ang gilid ng kaniyang mukha.

Si Kirsten!

Anong ginagawa niya rito? Alam kong kalaban din siya dahil hindi kami kakampi mula sa simula, pero ano ang koneksyon nila sa isa't isa? Bakit alam niyang hindi tuluyang nakuha ang mga kuwintas gayong nasa loob siya ng aking singsing?

What the fuck is happening?

O baka naman sinabi ng dalawang kumag na ito ang nangyari sa kaniya? Pero talaga, sa lahat ng lugar dito sila mag-uusap tungkol doon? Hindi nila naisip na baka may makarinig sa kanila? Ang bobo naman nila. Okay lang iyan, bobo nga rin ako at syempre ipinagmamalaki ko iyan kasi iyan lang naman talent ko.

"Well, ayaw namin pero kung sapilitan niyang ibabalik kami, wala na kaming magagawa. Anong laban namin sa kaniya e mas malakas pa siya sa kahit sino rito sa mundo?" the man number one rolled his eyes.

Pinakamalakas na imortal sa mundo? Sino?

"Sino?" Kirsten asked.

Parang narinig niya ang nasa utak ko ha. Ngayon lang siya may kwenta.

"Him," sagot ng isa na tahimik lang kanina pa. Ito yata ang wolf base sa kaniyang kilos at kulay. Habang ang isa ay sobrang puti na malalaman mo agad na isa itong bampira dahil sa kutis.

Gusto kong maiyak dahil kahit isa sa kanila ay walang nakapansin sa akin. I thought wolves and vampires can smell other immortals' scents? Pero bakit itong dalawang ito parang hindi?

"Who's him? Huwag mo nga akong sagutin nang pabalang." She glared at him, the wolf.

"The god of creation and destruction."

Amaranthine AcademyWhere stories live. Discover now