MABILIS na nag tungo sya sa kwarto ni Nancy nang matapos nyang kuhain ang mga aralin nito sa bawat subject na pinapasukan nito. Dahil ayaw syang iwan nina Tanya ay hinayaan na nyang ito ang mag dala ng mga iyon at pagkain para kay Nancy.Kumatok sya ng tatlong beses bago pihitin ang doorknob at buksan ang pinto. Nakita nya si Nancy na nakahiga lang sa kama nya at mahimbing na natutulog. Medyo tumaas ang isang sulok ng labi nya sa di nya malamang dahilan.
Agad nyang sinenyasan si Tanya at Gabby na ilapag ang mga dala nila sa lamesa habang sya ay maingat na inilapat ang kamay sa noo nito. May kung anong humaplos sa puso nya nang makitang bahagyang ngumiti ito habang natutulog. She's even prettier when she smiles.
Huminga sya ng malalim bago tanggalin ang kamay nya sa noo nito at tignan si Tanya na may kung anong inaabot sakanya. Napasimangot sya nang makita ang isang bote ng tubig na halos mag kulay rosas na.
"What was that?" Pabulong na tanong nya habang kinukuha at pinag mamasdan ang bote. Nakita nya ang pag kibit balikat ni Tanya sa sulok ng mata nya kaya minabuti nyang buksan ito at amuyin.
Napalingon sila sa pintuan nang may biglang pumasok dito. Marahan syang napahinga ng malalim nang makita si Erica na mataray na nakatingin sakanya. This girl really hates her that much.
"I told you I can take care of her." Saad nito sa di nya maipaliwanag na tono. Parang malalim na galit ang tinatago nito sakanya. Sa pag kakaalala nya wala syang ginawang mali dito at kung isa man to sa mga nakasama nya sa higaan ay paniradong hindi nya ito kakausapin o titignan man lang.
"Do you know what this is?" Sa halip na makipag tarayan dito ay tinanong na lamang nya iyong laman ng bote dahil wala syang naamoy na kakaiba dun.
"Kita mong kakarating ko lang diba? Pano ko malalaman kung ano yan? Saka ikaw ang may hawak bakit sakin mo tinatanong?" Nag katinginan sila ni Tanya dahil sa sunod sunod na mataray ni Erica na pag sasalita.
"Hindi ka ba marunong sumagot ng maayos sa mas nakakataas at nakakatanda sayo?" Kita nya ang pagkapikon sa mukha ni Tanya habang nakatingin ito kay Erica.
"Ang ingay nyo naman." Napatingin silang lahat sa kakabangon lang na si Nancy mula sa pag kakatulog at halatang naalimpungatan lang ito dahil sa ingay ng paligid nya.
"If you guys want a war kindly do that somewhere, where no one is trying to rest and no one is not feeling well." Halata sa mukha nito ang disgusto na magising ng biglaan. Paniguradong mas lalong sumakit ang ulo nito ngayon.
"And this room is fucking crowded!" Tumaas ang tono ng pananalita nito pero hindi maiwasan ni Sabrina ang mapangisi sa akto nito. Mukha syang batang kinulang sa tulog.
Sinenyasan nya sina Tanya, Gabby at Dainne na lumabas muna. Hindi sumunod ang mga ito agad kaya binulungan nya si Tanya na sa labas na lamang mag antay sakanya.
"Kumain ka na? Uminom ka ng gamot mo?" Rinig niyang tanong ni Erica habang sya ay pinagmamasdan ang mga lumabas na kasama nya. Nilingon nya ang pinaglalagyan ng mga pagkain kaninang umaga at maayos itong nakataob sa lamesa na para bang hinugasan muna ito bago iwan duon.
"Yeah! So now can you all go?" Napatingin sya kay Nancy nang parang bata itong humiga ulit at nag papadyak habang nakahiga.
"What is this Nancy?" Tanong nya at ipinakita ang hawak nyang bote na may lamang kulay pink na tubig.
BINABASA MO ANG
Unholy Halo
Mystery / ThrillerA story about the two girl who's seeking for theirselves and feel so stuck in academy that was located in the middle of somewhere.