TINITIGAN nya ang mukha ni Nancy habang natutulog ito sa bisig nya. This is the first time someone sleeps in her arms and this is also the first time she heard Nancy snore softly. That was so cute. Ayaw nyang magising ito kaya hindi sya gumagalaw pero ramdam nya ang pamamanhid ng braso, likod at binti nya dahil sa position nilang dalawa. Nag aalala na din sya na baka sumakit ang likod ni Nancy dahil hindi pantay ang pagkakahiga nito."Hey. Wake up." Pabulong na gising nya dito. Napipilitan lang syang gisingin ito dahil sa pag aalala nya. Napangiwi sya ng mag inat ito dahil mas lalo iyon nag pabigat sa binti nya na ngayon ay nag uumpisa ng kumirot.
Mabilis na bumangon si Nancy at parang wala pa ito sa katinuan ng tumingin ito sakanya pagkatapos ay ipinalibot ang tingin sa palig nya.
"Don't worry. Hindi kita dadalhin sa Halo hanggang hindi mo sinasabi." She said, full of reassurance in her voice. Nancy nodded then sat at the table. Muling nagiba ang mukha nya nang tumayo sya dahil ramdam na ramdam na nya ngayon ang magkakasabay na kirot ng braso, likod at paa nya.
"Oh. Shit. I'm sorry." Umiling sya sa sinabi ni Nancy at pilit na ngumiti. "It's nothing." Saad nya at iniunat ang buong katawan nya para kahit paano ay mabawasan ang pamamanhid na nararamdaman nya.
"Are you really gonna stay with me here?" Napatingin sya kay Nancy dahil sa tanong nito. She really has no plan to go back to Halo? This is not good. Pero hindi nya pweding iwan mag isa si Nancy lalo na at hindi sya sigurado kung ano ba ang meron sa lugar na to.
"You know I'm not forcing you and you had a responsibility back there so you should probably get going now." Ngumiti sya dito at umiling.
"I told you. I'm not going back without you. So now answer my questions." Kita nya ang dismayadong pag iling nito kasabay ng pagupo nito sa upuan kung saan sya kanina nakaupo.
"I took a bath at the lake but I had no other clothes than this. So." Kumibit balika ito at hinawakan ang dulo ng damit nya. Good god this girl is driving her crazy. "I ate using natural resources such as fish, fruit and anything that can be eaten around here." Kunot ang noo nya habang nakikinig. Hindi nya ma-imagine ang pinag gagawa ng babaeng to.
"Do you know how to cook?" Napapalatak sya nang umiling ito. "But I know science." Sagot nito na mas lalong nag pairita sakanya.
"I know how to set a fire and just put the food there until it becomes great for my eyes." Napairap sya sa hangin sa sumunod nitong sinabi. The food probably had no taste without the proper ingredients.
"I sleep at floor in that room and there's some old curtain, probably the owner of this house left here." Huminga sya ng malalim at napailing. Hindi nya talaga alam kung anong pinaggagawa ni Nancy sa buhay nya.
"Why did you run away?" Pag iiba nya ng usapan dahil hindi nya kinakaya ang mga nalalaman nya. It feels like she was trying to survive to something she doesn't even know how to survive.
"Stop interrogating me. Jeez." Napapitlag sya sa biglang pag dadabog nito papasok sa kwarto kung saan nya ito nakita kanina. Susundan nya sana ito nang maalala nya kung paano nya ito nakita kanina. Probably not now. Baka kung ano ang magawa nya pag pumasok sya sa kwarto na iyon.
Muli nyang ipinalibot ang tingin sa kabuoan ng bahay at napag desisyonan na libutin ito. Una nyang pinasok ang sumunod na kwarto sa kwartong pinasukan ni Nancy. May kahoy na papag doon na medyo hindi na maayos ang lagay pero pwede pang gamitin ng isang tao. Bakit hindi ginagamit ni Nancy iyon? Mas magiging maganda ang tulog nito kung iyon ang gagamitin nya.
BINABASA MO ANG
Unholy Halo
Mystery / ThrillerA story about the two girl who's seeking for theirselves and feel so stuck in academy that was located in the middle of somewhere.