INIIKOT nya sa kamay nya ang ballpen habang nakaupo sya sa study table nya kaharap ang blankong papel. Matapos ng pag uusap nila ni Sabrina kanina ay napag desisyonan nyang pumunta sa nasabing event bukas kaya heto sya ngayon at na mamroblema sa kung anong gagawin nya bukas.
"It's nothing." Sagot ni Sabrina sakanya ng ulitin nya ang tanong nya dito dahil hindi ito sumagot nuong unang beses nyang mag tanong at tila na istatwa ito sa kinatatayuan.
Nothing? But why does it feel like something? Kinagat nya ang labi dahil imbis na idya ang pumasok sa isip nya ay ang pag uusap nila kanina ang naging laman ng utak nya. She tilted her head while staring at the paper.
"Ayokong mag isip ka ng ibang bagay tungkol sa pag uusap namin ni father Nicolas." Makahulugan para sakanya ang sinabi nito pero mas minabuti nyang huwag na lang mag salita dahil kung ayaw ng isang taong mag sabi ng bagay bagay sa buhay nito ay dapat nya yung respetohin. "Hindi ako umaasang pupunta ka bukas. Pero aantayin kita." Kunot noo syang napatitig dito at para bang sinakal ang puso nya ng makita itong nakangiti sakanya. Ngiting nag kukubli ng kalungkutan sa loob ni Sabrina.
So it's true that a smile can hide it but eyes can't. Huminga sya ng malalim at marahan na umiling para tanggalin sa utak nya ang mga sinabi ni Sabrina sa kanya. Kagat labing tinitigan nya ulit ang papel at kahit isa ay wala pa din itong laman.
"Whatcha doing?" Rinig nyang tanong ni Erica pero hindi nya to tinignan at inumpisahan na mag sulat pero agad nya itong binura dahil pakiramdam nya ay mali ito.
"Writing." Ramdam nya ang presensya ni Erica sa likod nya pero hindi nya ito pinapansin dahil kailangan nyang makabuo ng kahit isang kataga para maumpisahan ang pag susulat nya.
"Writing for what?" Isinandal nya ang likod sa upuan at napabuntong hininga muli ng wala talagang pumapasok sa utak nya.
"I need to do something for tomorrow's performance but my mind isn't working." Tumaas ang kilay nya ng tignan nya si Erica dahil nakatingin ito sakanya ng may pagtataka sa mga mata.
"That's new." Napasimangot sya sa sinabi nito at sinuklian ng nagtatakang tingin ang mga tingin nito.
"What's new?"
"Your mind is always working. You have lots of stories there." Itinuro nito ang shelf na nakapatong sa study desk nya kung saan nakalagay ang mga notebook na sinulatan nya ng mga story sa utak nya.
"If there's silent readers. You are the silent writer. You never publish that story." Umiling sya sa sinabi nito at inabot ang tubig na nakapatong sa shelf malapit sa bintana.
"I don't have plans to publish my story. I did it because I wanted to release what's on my mind. It's definitely different now. Literally my mind isn't working right now." Sambit nya bago sya uminom ng tubig. Hindi sya nauuhaw pero kailangan nya yun para mapigilan ang sarili nyang sabihin ang totoong laman ng utak nya ngayon.
Ibinalik nya ang atensyon sa papel na nasa harap nya at sinimulan muli ang pag iisip. Alam nyang pinipiga nya ang utak nya ngayon pero wala syang magagawa dahil kailangan nyang matapos ito ngayon para hindi sya mamroblema bukas.
"Who are you?" Napatingin sya sa gawi ni Erica ng marinig nya itong nagsalita. Akala nya ay kung sino ang kausap nito isa lang palang ibon na kulay itim na dumapo sa bukas nilang bintana na nakaharap sa kakahuyan.
BINABASA MO ANG
Unholy Halo
Tajemnica / ThrillerA story about the two girl who's seeking for theirselves and feel so stuck in academy that was located in the middle of somewhere.