ISANG linggo na ang nakalipas mula nung mag tanghal sya sa entablado pero sariwa pa din sa isip nya ang bawat pag tingin at pag kagat ng labi ni Sabrina habang nag tatanghal sya."You did great." Sambit ni Sabrina nang magkasalubong sila sa hallway palabas ng event room. "To confuse me." Dugtong nito na nag palakas ng kabog sa dibdib nya. Nahalata ba nito na para sakanya ang tula na sinulat nya?
"Don't be confused. That's for Erica." Walang buhay na sabi nya dahil isa iyong kasinungalingan. Kuyom ang kamay nya habang nakatingin sa mala mapanghusgang mata ni Sabrina.
Why? Why did she lie? She's not only lying to Sabrina's face but also to herself. Or Maybe because she is still confused about how she feels. It's abnormal if you fall in love with someone you just met. Sa mga libro lang nangyayari ang ganun at hindi sa totoong buhay. Dahil sa totoong buhay. Hindi mo malalaman kung mahal mo na ba talaga ang isang tao o gusto mo lang ng experience sa mga bagay bagay.
Napabangon sya sa pagkakahiga nang may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto. Tinignan nya ang gawi ni Erica pero wala ito rito. Kanina pa ito umalis. Sabado ngayon at maaga itong nag gayak dahil may importanteng event daw ang pamilya nito na kailangan nyang daluhan. Huminga sya ng malalim bago lumakad palapit ng pinto.
"Don't open the door unless you know who's outside. Okay?"
Nailing sya ng marinig muli ang boses na iyon ni Erica sa isip nya. Iyon ang bilin nito sakanya kanina bago ito umalis. Ano bang mangyayari kung bubuksan nya ang pinto ng hindi nya alam kung sino ang nasa labas? Hindi naman na sya bata para sa mga ganung bagay.
Pinihit nya ang doorknob at binuksan ito ng bahagya upang silipin kung sino ang nasa labas. Nang makita si Ms. Alcantara ang home room mother nila nung grade school sya, ay binuksan nya ng malaki ang pinto at may ngiti sa labi na binati ito.
"Nancy. Kamusta ka na?" Tanong ng hindi pa naman katandaan na babae nang matapos nya itong batiin.
"Ayos naman po ako, mother." Nakasayan na nya ang tawagin ito ng ganun dahil nung bata pa sya ay ito talaga ang tawag sa mga teacher nuong nasa grade level sya.
"Pasensya ka na kung naistorbo kita huh? Umalis kasi ang school officer na dapat ay mag aalaga sa mga bata ngayon at wala ang ibang student ng Hailsmith. Ipapaki usap ko lang sana kung pwede mong bantayan tong bata na to hanggang bukas?" Napatingin sya sa kaliwa ni Ms. Alcantara at sa likod ng hita nito ay nag tatago ang isang batang babae. Bilugan ang mukha nito pati ang kulay kayumangging mga mata nito. Mapula ang labi ng bata gayun din ang pisngi nito. Sa hinuha nya ay isa ito sa mga bagong estudyante ng academy.
Lumuhod sya para pantayan ang taas ng bata at saka masuyong hinimas ang pisngi nito. "What's your name, little one?" Sambit nya ng may ngiti sa labi dahil baka matakot ito sakanya kung hindi nya gagawin iyon.
"She's Korean. She can't speak English yet." Tiningala nya si Ms. Alcantara dahil sa sinabi nito at tumayo.
Ayaw na nya mag tanong pa tungkol sa bata dahil baka masaktan lang sya kaya tumango sya at muling tinignan ang bata. "I can take care of her." Sagot nya at parang may humaplos sa puso nya nang makita ang malungkot na tingin ng bata kay Ms. Alcantara.
"유미, 낸시 언니예요. 내일까지 당신을 돌봐줄 거예요. 잘 부탁해, 알았지? (Yumi. She's sister Nancy. She will take care of you until tomorrow. Be good to her, okay?)" Hindi nya inaalis ang tingin sa bata at kinakabisado nya ang bawat reaction nito.
BINABASA MO ANG
Unholy Halo
Mystery / ThrillerA story about the two girl who's seeking for theirselves and feel so stuck in academy that was located in the middle of somewhere.