Chapter 18 Fears

1 0 0
                                    


SHE was staring at Nancy who was laying on the clinic bed. Sinisisi nya ang sarili nya sa nangyari dito kung hindi nya ito pinaalis sa kwarto na yun baka hindi ito nangyari Kay Nancy. Pero mas sinisisi nya ang sarili dahil nangako syang hindi nya ito dadalhin sa Halo hangga't hindi pa ito handa pero wala syang ibang pag pipilitan. She fainted because of the snake and she was worried for her.

"The snake that bit her isn't venomous. She just fainted because of Ophidiophobia. Means fear of snakes. She's going to be fine later or sooner once her mind has adjusted from anxiety and panic." Saad ng nurse na nag asikaso kay Nancy. Nakahinga sya ng maluwag sa narinig nya. Halos isang oras na ding walang malay si Nancy at kung ano ano na tumatakbo sa isip nya.

"Where is she?" Rinig nyang sambit ng isang baritonong boses mula sa labas ng clinic kung nasan si Nancy. Inihanda nya ang sarili nya sa paliwanag na kakailanganin nya kapag tinanong na sya ng mga ito.

"Sir." Sambit nya ngunit napayuko sya ng makita ang nag liliyab na mata nito nang mag tama ang mga mata nila. Ramdam nya ang paninisi at galit na ano man oras ay tiyak syang ibubuga nito sakanya.

"Oh, God. How is she?" Tumingin sya kay Nancy na wala pa ding malay at lihim na kinagat ang labi nya. If she only knew that Nancy has a phobia, she shouldn't tell her to hide.

"The nurse said she's going to be fine." Nakita nya ang uri ng pag aalala sa mga kilos ni Mr. Scott. Ganun na ganun ang pag aalala ng tatay nya sakanya noong na dengue sya na kinailangan nyang umuwi para maipagamot kagaad.

"Alvarez." Napalingon sya sa babaeng tumawag sakanya at hindi na sya nagulat nang makita si Ms. Archambeau na nakatayo doon.

"Talk to that girl. Silvia. I'm not gonna let this thing slide even if she's the queen of this school." Huminga sya ng malalim dahil ramdam na ramdam nya ang galit ni Mr. Scott habang nag sasalita ito.

"Follow me, Alvarez." Hinawakan nya muna ng mahigpit ang kamay ni Nancy para kumuha ng lakas doon bago nag lakad pasunod kay Ms. Archambeau. Naiintindihan nya ang galit at paninisi sakanya dahil maski sya ay sinisisi nya ang sarili nya sa nangyari.

"I am very disappointed in you, Alvarez. We trusted you for looking for her but instead you helped her run." Saad nito ng makarating sila sa labas ng clinic. Tumayo lang sya ng tuwid doon at nakinig sa sinabi nito.

"At paano kayo nakapunta sa cabin na yon?" Tanong nito at doon nya naalalang muli ang larawan na nakuha nya at ang sinabi ni Ms. Archambeau kanina. Bakit nya pinigilan ang iba na pumasok sa cabin na yon?

"In my speculation Nancy found that cabin. When I went there, she was already there and she stayed there for three days." Tanging paliwanag sa sinabi nya dahil ayaw nyang isipin nito ang bagay na hindi totoo.

"And why didn't you bring her back?" Gusto nyang sagutin iyon pero pumasok sa isip nya na naging makasarili sya pagkatapos ng munting halik na ibinigay sakanya ni Nancy. At first she wanted to convince her but after that night she wanted to be with Nancy alone even for one more day and that went wrong when she tried to hide Nancy.

"My apologies, Ms. Archambeau. I thought if I get closer to Nancy, She'll go back without resisting." That's a lie. She just really wanted to be so close to Nancy for her own reason.

"The disciplinary committee will see you as soon as they get there so better prepare a great explanation than that. You know you can lose your position because of your actions." Tumango sya sinabi nito. Wala lang sakanya kung mawala ang position nya sakanya dahil ang importante sakanya ay ang kaligtasan ni Nancy.

Unholy HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon