Chapter 17 Where's the freedom?

2 0 0
                                    



GUSTONG gusto na nyang sabihin kay Nancy ang laman ng utak nya pero hindi nya alam kung paano. Lalo pa at ramdam nya kanina ang bigat na dala dala ni Nancy sa puso nya habang nakikinig sya dito. She could feel the agony inside Nancy and she doesn't want to add some more of that

Sinabi niya kanina kay Nancy na sa papag na matulog at sya ang matutulog sa kabilang kwarto pero hindi ito pumayag kaya ngayon sya ang nasa papag at si Nancy ang nasa kabilang kwarto. A wall away but can't be reached. Even if they are facing each other she could still feel that there's a wall between them. She wanted to break that wall and just hold Nancy but she couldn't.

Napatingin sya sa pinto nang may marinig na kumatok duon. Hindi sya sanay sa madilim ma kapaligiran gaya nito kaya hindi din sya gumagalaw sa kinahihigaan nya. Kung pupwede nga lang ay hindi na nya ipipikit ang mga mata nya gagawin nya talaga kahit pa sabihing wala syang tulog.

"Can I sleep with you?" Nakahinga sya ng malalim matapos mag salita ni Nancy. Hindi sya natatakot sa kung ano man dahil hindi naman sya naniniwala sa multo pero ang isipin na madilim ang kapaligiran nya ang nakakapagpahina sakanya.

"Yeah sure." Sambit nya at tumayo sa papag para si Nancy sana ang pahigain doon at sya na sa lapag nang marinig nya itong nag lakad palayo. Kunot noong sinundan nya ito at nakita nyang bukas ang pintuan sa kabilang kwarto kaya lumapit sya doon at nakita si Nancy na pahiga na sa lapag.

"I thought you—"

"Yeah. But not in that room. There's something that creeps me out inside that room." tumango sya sa sinabi nito at marahan na pumasok sa kwarto saka sinara ang pintuan sa likod nya. Tumingin sya sa isang bahagi ng kwarto at lumapit doon.

"Tabihan mo ko." Napatingin sya kay Nancy at kumabog ang dibdib nya ng makita nitong nakatingin sakanya habang ang mata nito ay nangungusap. Lihim nyang kinagat ang labi nya habang papalapit kay Nancy. Nararamdaman nya ang init ng katawan nito habang pahiga sya sa tabi nito.

Ramdam nya ang lamig ng sahig sa likod nya habang nakatingin sya sa kawalan. Pero kahit gaano ang lamig na iyon ay mas iniinda pa din nya sa isip ang init ng katawan ni Nancy at ang pag hinga nito na nangingibabaw sa katahimikan ng paligid nila. Sando at cycling lang ang suot nya kaya ramdam nya sa binti nya ang pag dikit ng bakat ni Nancy doon. Ikinuyom nya ang kamay upang pigilan ang kung ano man ang takbo ng sariling katawan nya habang inanamnam ang tunog na galing sa pag hinga ni Nancy.

"Can you stop?" Tanong ni Nancy sakanya na ikinagulat nya dahil wala naman syang ginagawang kung ano para patigilin sya nito. Ibinaling nya ang ulo upang tignan ito at umakyat ang kung ano man mg sensasyon sa buong katawan nya ng mag tama ang mga mata nila. Madilim pero kita nya ang pag tingin sakanya ni Nancy.

"Stop being nice to me." Napakurap sya sa sinabi nito at pilit binabasa ang mga emosyon sa loob ng mata ni Nancy. "I'm too young and naive and stupid and scared." Dugtong nito na mas kinabahala pa nya. Why do people always looking down their own?

"What are you trying to say?" Halos pabulong na saad nya at hindi nya mapigilan ang mapalunok dahil sa unti-unting panunuyo ng lalamunan nya.

"If you keep being nice to me. I don't think I can stop myself from trusting you and I'm too scared to trust people again. But then I'm still young and naive so if you continue being that way. I don't know what to do anymore if one day you ruin my trust and let me down." Ngayon nya lang nakita ang takot sa mata ni Nancy habang nag sasalita ito. Huminga sya ng malalim at ipinihit ang katawan upang makaharap dito ng maayos.

Unholy HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon