Chapter 15 Be safe

1 0 0
                                    



TATLONG araw ng nawawala si Nancy at sa tingin nila ay nahalughug na nila ang buong kakahuyan na nakapalibot sa Halo. Halos wala syang tulog at kain kakaantay kay Nancy na bumalik. Nag babaka sakali syang babalik si Nancy.

Papunta sya ngayon sa Principal's office ng Hailsmith para makausap ang principal doon at muli itong kumbinsihin na tumawag na ng pulis para makita si Nancy.

Napahinto sya sa may pinto nang may makita syang lalaking nasa loob na kausap ng principal. Akmang aalis na sana sya para hindi makaabala sa mga ito nang may marinig syang ikina usisa ng utak nya.

"She is not just a student, Mr. Scott. We should find her at all costs." Rinig nyang sambit ni Mrs. Archambeau. Iniawang nya ng konti ang pinto gamit ang paa nya para marinig ang mga ito ng maayos.

"Contacting the cops is more likely we're selling the school that my great great grandfather built." Matigas na saad ni Mr. Scott. Kinutuban sya sa sinabi nito. Parang may hindi magandang mangyayari kung tatawag sila sa pulis.

"What if it's your child that is missing? Would you still think of your school then?"

"Well, this is not my daughter we're talking about." People are so selfish sometimes. Erica, Erica's mother, and Mr. Scott. Hindi sya mag tataka kung magkakamag anak ito sa impyerno mga makasarili masyado.

"If I tell you who's her mother you'll be thrilled to find her." Napatango tango sya sa determinasyon na boses ng principal ng Hailsmith.

"Try me." Ramdam nya na nakangisi si Mr. Scott habang nag sasalita dahil sa tono ng boses nito. "Isabella Marie Swift Loar. She's Nancy's Mother." Mas lalo syang napaisip sa maaring koneksyon ng ina ni Nancy at ni Mr. Scott at bakit ganon na lang ang biglang pagkatahimik ng buong kwarto na iyon?

"And that should make me interested with this little Nancy?" Naikuyom nya ang kamao sa sinabi ni Mr. Scott at gusto na nyang pumasok para makialam pero wala sya sa position para kalabanin ang may ari ng iskwelahan kung saan sya nag aaral.

"Isabella is your cousin, and the girl you raped 15 years ago. Aren't you interested in that? Don't you wanna know how old Nancy is now?" Nanlaki ang mata nya sa mga narinig nya at napasandal sa pintuan pero mukhang abala ang mga tao sa loob kaya hindi na pansin ng mga ito ang pag galaw ng pinto.

Mabilis syang umalis sa lugar na iyon habang isa isang pinag dudugtong ang mga nalaman nya. Nakahinga sya ng maluwag nang makalabas sya sa Hailsmith. Pakiramdam nya kanina ay sinasakal sya dahil sa mga nalaman nya.

Kuyom ang kamay na muli syang tumingin sa building ng Hailsmith. There's a lot to know inside the school that she doesn't know yet. Muli nyang bimalikan ang pag uusap ni Erica at mama nito napaliit nya ang mata habang inaalala iyon.

Does she hide Nancy inside this school because Nancy is the result of her most traumatic experience? How about Erica? Erica is older than Nancy.

Kagat nya ang labi habang nag iisip. Hindi nya maipagtanto sa sarili kung pano iyon nangyari o ano ba talaga ang nangyari.

Ipinitlag nya ang ulo at inisip si Nancy. She must've run because of things like this. Her family is so chaotic that even Sabrina can't understand it.

"Majesty." Napalingon sya kay Tanya at tinignan ito na para bang tinatanong nito kung nakita na ba nya si Nancy.

"The owner is conducting a meeting right now. He needs your presence there." Pormal na saad nito na ikinabagsak ng balikat nya. Kung tama ang kutob nya na tungol sa paghahanap ang meeting na yun ibig sabihin tama din ang konklusyon nya.

Unholy HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon