Chapter 14 Trust..

1 0 0
                                    



IN past few months nilayuan nya si Erica. Maaga syang nagigising para pumasok at maaga din syang babalik ng dorm para maunang matulog dito. Sa twing makakasalubong nya ito ay nag iiba sya ng daan. Naalala nya pang nakarating sya sa Old Diamond at Lonestone kakatago dito nung nakaraang linggo. Ayaw nyang makausap ito dahil ayaw nyang tanungin ito tungkol sa narinig nya. At isa pa takot sya sa mga posibleng malaman nya.

Pero tila may mga bagay na hindi nya pupwedeng takbuhan dahil ngayon ay nakaupo sya sa office ng tita nya kasama ang nanay nya at pinag uusapan ng mga ito ang nalalapit na Chrismas break nila.

"Are you gonna go home now, Nancy?" Tanong sakanya ng nanay nya na kinibit balikat nya lang habang pinaglalaruan ang pencase na nasa ibabaw ng lamesa ng tita nya.

"Maybe she still needs a little time, Isabella. After all, you just visited her after what? 9 years and so?" Rinig nyang sambit ng tita nya na ikinataas ng dulo ng labi nya. Palihim syang tumingin sa nanay nya at nakita nya ang pandidilat nito sa tita nya.

"I think we need a mother and daughter talk. Silvia." Ibinalik nya ang pencase sa dati nitong pinaglalagyan at isinandal ang likod nya sa upuan.

"You think so? After neglecting me for 9 years you think we need a small chatty?" Saad nya at binigyan ito ng di kapanipaniwalang tingin.

"That's not how you talk to your mother, Nancy." Saad ni Aunt Silvia na nginisihan nya lang habang ang ina nya ay parang nagulat sa sinabi nya. Why does she think she'll talk to her as her mother after all those years? That's funny.

"No. Let her. If that'll make her happy just be it." Kahit may pagkakalmado ang tono ng ina ay halata pa din dito ang medyo pagkapikon. Tumaas ang kilay nya ng harapin sya ng ina at walang imik na tinitigan sya sa mata na para bang binabasa sya nito.

"What? You didn't know your child so you decided to read her eyes as if you were reading her mind?" Matigas na ani nya habang nilalabanan ang mga mata nito.

"You grew up so fast. The last time I saw you, you were crying and begging us to take you home and now." Pagak na tumawa ang ina nya habang sya ay napipikon sa mga sinasabi nito. She used begging instead of understanding the situation that she was just five when she left her here. "You know how to talk with no filter and respect." Kagatlabi syang ngumisi at tumango tango sa sumunod na sinabi nito.

"Respect? That's rich from someone who neglected her daughter for a long time. Oh please mother tell me more." Magkahalong pang hahamak at pang nunudyo ang tono nya. That made her mother clench her teeth.

"That's it. I had enough of your full mouth young lady. We're going to have this conversation one on one." Pagkasabi noon ay tumayo ang ina nya at sa isang iglap ay hawak na nito ang braso nya at kinakaladkad sya palabas ng silid na iyon.

"Ouch! Mad woman! You're hurting me!" Pilit syang nag pupumiglas sa pagkakahawak nito na mas lalo lang humihikpit sa twing sinusubukan nyang labanan iyon.

Napahinto sya sa pagpupumiglas nang makalabas sila ng tuluyan sa silid at makita ang ibang estudyanteng nag lalakad sa hallway at nakatingin ang mga ito sakanila. Napangiwi sya nang maramdaman ang sobrang kirot na braso nya mula sa pagkakahawak at pag hila sakanya ng nanay nya.

"Hayts!" Iritabling angil nya ng makita si Erica na tumatakbo palapit sakanila kaya nag pahila na lang sya sa ina nya hanggang sa makarating sila sa gilid ng school. Mabilis nyang inagaw ang kamay sa ina at tinignan ito ng masama.

Unholy HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon