Chapter 23 Guilty as Sin

1 0 0
                                    



 "HAYTS. Isang bwan na lang tapos na ang school year." Ngumiwi sya sa sinabi ni Angelina habang nag iinat ito. Isang bwan ba nga lang at tapos na ang school year pero hanggang ngayon hindi pa din sila nag papansinan ni Sabrina. Lumabas nga ito ng kwarto matapos ang isang linggo pero hindi naman sya nito pinuntahan o nilapitan man lang. Kung makakasalubong man nya ito ni hindi man lang sya nito tinitignan.

Okay na siguro yun ang mahalaga lumabas ito at hindi gumawa ng bagay na hindi maganda. What happened to her is not a joke so she understands perfectly why Sabrina avoiding people around her.

"Saan ka magbabakasyon?" Napatingin sya sa gawi ni Angelina nang mag tanong ito. Bakasyon? Hindi uso sakanya yun. She prefers to stay here than to stay with her mother or with Erica.

"Hindi mo pa nga natatapos yang nirereview mo bakasyon na agad nasa utak mo." Sagot nya saka binalingan ang librong nasa harapan nya. Wala syang gana mag aral ngayon dahil ang utak nya ay isang bwan nang naka tuon kay Sabrina. Hindi na nga rin sya mag tataka kung bumaba ang grades nya bago ang katapusan.

"Para kang si Ate. Minsan masungit. Minsan mabait. Madalas may Toyo." She glared at Angelina when she heard that. Itulad daw ba naman sya sa taong hindi nya kilala.

"Nancy." Nilingon nya ang tumawag sakanya at bumagsak ang balikat nya nang makita si Erica. Okay naman na sila pero hindi pa din sya komportableng kasama ito sa harap ng maraming tao.

Lumapit ito sa lamesa nila ni Angelina at inilapag doon ang dalawang tinapay at kape. Tinignan nya lang ito. "Kumain muna kayo." Saad nito at saka umalis din agad. That's right. Mas okay na ganon sila in public para naman hindi nya maramdaman na hindi sya komportableng nasa paligid ito. Hindi nya gustong umaaligid ito sakanya dahil naalala nya ang mama nya dito.

"I think she likes you." Natawa sya sa sinabi ni Angelina at saka ibinigay dito ang isang tinapay at kape.

"What made you think that?" Tanong nya habang pinipigilan ang pagtawa. Halata kasi sa mukha ni Angelina na kombinsido ito na may gusto nga sakanya si Erica. That made her remember the day when she overheard Sabrina and Erica talking. That fool told Sabrina that she likes her.

"She's always giving you food and such. Who wouldn't think about that?" Umiling sya sa sinabi nito at sinenyasan itong lumapit sakanya. Nang makalapit ito ay hindi nya mapigilan ang mapahalikhik sa naiisip nya.

"You're wrong. She loves me." Nakita nya ang pagkagulat sa mukha ni Angelina na agad na tumingin sakanya matapos nyang sambitin iyon.

"Umamin na sya?!" Tumango sya at muling kinuha ang ballpen na nakapatong sa lamesa nya. "Pano sya umamin?" Mausosyong tanong nito na nginitian nya.

"Sabi nya." Huminto sya para tignan ang mukha nito at nakita nya ang pananabik sa mga mata nito na ikinatawa nya nang mahina. "Mahal kita." Mas lalo pang lumaki ang mata ni Angelina sa sinabi nya at para bang kinikilig ito. "Kasi kapatid kita." Hindi na nya napigilan ang matawa ng mapuno ng pagka dismaya at gulat ang buong mukha ni Angelina. People like Angelina are so gullible. Apaka daling paglaruan ng emosyon ng mga ito.

"Tang— Magkapatid kayo?!" Malakas na tanong sambi nito dahilan para mapatayo sya upang takpan ang bibig nito. Luminga sya sa paligid upang alamin kung may nakarinig ba ng sinabi nito.

"Don't be loud, we're in the library." Saad nya bago bitawan ang bibig nito at muling maupo sa upuan nya. She said that to avoid rumors. Ayaw nyang isipin ng iba na may gusto sakanya ang kapatid nya. That's gross.

Unholy HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon