⚠️ WARNING : THIS PART CONTAINS 18+ CONTEXT THAT IS NOT ALLOWED TO EVERYONE WHO IS UNDER 18 YEARS OLD. KINDLY SKIP THIS CHAPTER IF YOU ARE UNDERAGE AS YOU HAVE BEEN WARNED ABOUT THE CHAPTER CONTEXT. READ AT YOUR OWN RISK⚠️
MABILIS nyang hinila ang kwelyo ng dami ni Angelina ng makita nya ito sa hallway at dinala ito sa walang laman na kwarto. Mula kasi nung Monday ay pansin nya ang pag iwas nito sakanya na para bang ayaw sya nitong makita.
"Anong problema mo?" Tanong nya rito pagkatapos nya itong maisandal sa pader ng silid na iyon. Yumuko ito at hindi tumingin sakanya na mas lalong nag pa irita sakanya.
"N-nothing." Kumunot ang noo nya sa sinabi nito dahil parang may kakaiba syang nararamdaman doon. She crossed her arms below her chest while staring at Angelina.
"Don't you want me to tutor you anymore? That's fine but at least tell me. Hindi yung nag mumukha akong tanga kakaantay sayo sa library." Iritableng saad nya. Alam nyang tumaas ng bahagya ang boses nya pero wala syang pakialam dahil nawawalan na talaga sya ng pasensya.
"M-majesty Alvarez already got me a new tutor b-but she told me not to tell you. I'm sorry." halos pabulong na sagot nito. Nakamot nya ang tenga nya sa sinabi nito at parang nagliliyab ang mukha nya sa inis.
"Why would Sabrina do that?" Sinubukan nyang pakalmahin ang sarili nya gamit ang pag hinga ng malalim. Hindi naman sya maiinis ng ganto kung sinabihan lang sya o kung binigyan man lang sya ng heads-up patungkol roon. Ang ayaw nya pa naman sa lahat ay yung nag mumukha syang timang kakaantay sa tao.
"I don't know. W-why don't you ask her?" Sagot at tanong ni Angelina. She licks her lips in so much distress and faces Angelina that is still looking on her feet and keeps avoiding her. Pilit nyang iniisip kung anong posibleng dahilan ni Sabrina para gawin iyon at kung bakit ganto na lang kaailap sakanya bigla si Angelina.
"Fine. I'm gonna ask her but I'm telling you, Once I found that you're lying to me. I'll tell your sister about this tutoring stuff." She was threatening Angelina not because she wanted too but because she hates liars. She let out a loud sigh when she heard nothing from Angeline and decided to leave.
Naiinis sya sa ginawa ni Angeline dahil wala man lang itong pasabi na may bago na palang nag tuturo sakanya edi sana yung dalawang araw na inantay nya ito sa library ay ginugol nya na lang sa sarili nyang pag aaral. Mapatunayan nya lang talaga na may kinalaman si Sabrina talagang malalagot iyon sakanya.
Bumalik sya sa silid aralan nila kasabay noon ay ang pag tunog ng bell hudyat na mag uumpisa na muli ang klase matapos ang tanghalian. Pumunta sya kanina canteen para lang sa kape matapos nun ay umalis na sya para hanapin si Angelina. Nawalan sya ng gana kumain dahil sa sobrang inis na nararamdaman nya. This day was supposed to be fun for her but all she had was annoyance and irritation.
Isinubsob nya ang sarili nya sa pag aaral upang tanggalin ang inis na nararamdaman nya. Lahat ata ng tanong ng mga gurong lumabas at pumasok ng silid mula ng mag umpisa ulit ang klase ay nasagot na nya matanggal lang ang iritasyon sa sistema nya pero hanggang hindi nya nakakausap si Sabrina ay parang walang gana ang lahat sakanya at mas lalo lang tumitindi ang iritasyon na nararamdaman nya.
Matapos ang huling klase ay agad syang lumabas at naglakad papunta sa dorm nya. Nag sabi sya sa mama nya na tatawag sya dito pag katapos ng klase nya kaya iyon muna ang gagawin nya bago kausapin si Sabrina. Lalo na at alam nyang sa mga oras na ito ay may inaasikaso pa rin ang taong yun.
BINABASA MO ANG
Unholy Halo
Mystery / ThrillerA story about the two girl who's seeking for theirselves and feel so stuck in academy that was located in the middle of somewhere.