Chapter 19 Let it out

1 0 0
                                    


THE Christmas and new year vacation is over and everybody comes back to the academy right before the class starts. She went to her aunt Silvia's house in Manila during vacation. She can't say she had fun but it was okay. Just a chaotic and troubled world out there. And the fact that she didn't see Sabrina for 2 weeks is making her distracted so she didn't have much fun to be exact. Isa pa napilitan lang din naman syang sumama dahil sabi ng School owner everyone should take a break from school and go outside.

That reminds her. The new thing that happened before and after the vacation is the school owner himself. He's always been in school since that day. Not always-always but almost every weekend. She collected all the books she wanted because of him.

"Earth to Nancy?" Napukaw ang pagiisip nya sa munting boses na iyon. Napatingin sya kay Evaline na halos kanina nya pa kasama at parang ayaw syang hiwalayan.

"Kanina pa ko salita ng salita tapos yung kausap ko pala nasa ibang mundo na." Natawa sya sa sinabi nito at saka umiling at binigay ang buong atensyon nya sa babaeng kaharap nya.

"Ano nga yung sinasabi mo?" Saad nya. Hindi naman sila close ni Evaline pero unti-unti syang nasasanay sa pangungulit nito sakanya araw araw mula nung araw na bumalik sya sa Halo.

"I said. Would you rather eat with us at the dining hall later or would you just want to eat somewhere less crowded like your room?" Narinig ang ang sinabi nito pero hindi nya maintindihan iyon dahil nangingibabaw sakanya ang kagustuhan na makita si Sabrina.

"Where's Majesty?" Nakita nya kung paano nalaglag ang balikat ni Evaline sa tanong nya. Kinuha nito ang cup of coffee na nasa ibabaw ng table at umiling.

"I don't know. Maybe with Tanya or maybe hiding again. Anyways. I'll talk to you again later. I need to attend some meetings." Saad nito bago ito tumayo at kunin ang mga gamit nito.

"Give me your answer later. To my question. Even just showing in the dining room or not." Huling saad nito at nginitian sya kasabay ng pag alis nito.

Dahil wala pang klase ay kanya kanyang buhay muna ang lahat ng student. Pati sya. Sadyang ginugulo lang sya ni Evaline at kung ano anong tanong ang lagi nitong sinasabi sakanya. Like the day before the Christmas break, Evaline asks her if she's going to stay with her parents during Christmas which she doesn't answer of course.

Huminga sya ng malalim at kinuha ang kape sa lamesa na binigay ni Evaline sakanya kanina saka kinuha ang mga libro nya kung saan nakapatong ang notebook na binabasa nya. Lumabas sya ng canteen at nag derederetsyo sa labas ng Hailsmith.

Nakasalubong nya si Erica pero hindi nya ito pinansin. Ilang ulit din itong nagtanggkang kausapin sya pero umasta syang walang naririnig. Ayaw nyang marinig ang paliwanag nito o ng kahit sino. Maski ang tita nya ay sinubukan mag paliwanag sakanya pero sinabihan nya ito na wala na syang pakealam sa mga bagay bagay na patungkol sa pamilya nya at sakanya.

Para sakanya kung ano ang nalaman nya ay sapat na para tuluyang isara ang pintuan nya para sa mga ito. She had enough family pain and neglecting. She wants peace and quiet life now. Mas gugustuhin nya pang alamin ang mga bagay bagay tungkol kay Sabrina kaisa ang bagay na tungkol sa pamilya nya.

Nang makarating sa graveyard ay agad nyang inilatag ang panyo nya sa tabi ng isang puntod at inilapag doon ang mga dala nyang libro kasama ng notebook. Tumingin sya sa kapaligiran at pumasok sa isip nya na sa tagal nyang nag pupunta sa lugar na yun ay hindi nya pa nakikita ang mga pangalan na naroon. Kinuha nya ang notebook para makasiguradong hindi iyon mawawala habang nag iikot sya sa buong graveyard.

Unholy HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon