Chapter 9 Coldest night

4 0 0
                                    



"WHERE are you going?" napalingon sya sa likod nya at natagpuan si Erica na nakatayo duon dala nito ang handbag na lagi nitong gawi. Kakatapos lang ng klase nya at balak nya pumunta ng library para mag aral pa sa paparating nilang preliminary exam.

"Library. Why?" Lumapit ito sa kanya at ngumiti kasabay ng pag hawak nito sa balikat nya at iniharap sya sa labas ng hailsmith school kung saan makikita kung gaano kalakas ang ulan.

"It's pouring rain, Nancy." Bumagsak ang balikat nya sa sinabi nito dahil halata sa boses nitong hindi ito papayag na pumunta sya sa library. Bakit ba naman kasi di makisabay tong panahon na to.

"Next week is our Prelim exam. I need to study." Humarap sakanya si Erica at umiling.

"So I don't? You think I don't need to study?" binuksan nito ang payong na dala nito at humarap ulit sa pintuan. "We have the whole day tomorrow to study. Ang layo layo ng library at nakikita mo naman ang lakas ng ulan na yan." Saad pa nito. She tilts her head while staring at Erica's back. She was sure there's something in her tone but she didn't know what it was.

"Come on." Wala syang balak sumama dito dahil gustong gusto nyang pumunta sa library pero gusto nyang malaman kung anong problema ni Erica at bakit ganun ang tono ng pananalita nito. Walang buhay at parang galit. That wasn't the Erica she knew all these years.

Habang nag lalakad ay nakasalubong nila si Sabrina mukhang galing ito sa Dorm ng Hailsmith dahil sa gilid ito ng hailsmith school dumaan.

"Hey." Hindi nya mapigilang saad nang sabay silang mapahinto. Mula nung araw na nag open up sakanya si Sabrina ay lagi na nya itong binabati pag nakakasalubong nya at kung minsan ay nag kukwentuhan sila pag nasa graveyard sila o pag sila lang dalawa.

"Going back to your room?" Saad nito. Tinignan nya ang likod nito para alamin kung kasama ba nito sina Tanya at nang makitang wala ang mga ito ay ngumiti sya at tumango.

Mag sasalita sana sya nang mapansin nya ang tingin ni Erica sakanya. "Let's go." May diing saad nito. Masuyo syang yumuko sa harap ni Sabrina at agad na hinakbang ang paa nya kasabay ng pag hakbang ni Erica.

Pasimple nyang tinignan si Erica at medyo napailing dahil hindi nya maintindihan ang biglaang panlalamig nito. Isang bwan na nyang napapansin ang panlalamig neto pero ni minsan ay hindi sya nito kinausap na parang naiirita ito sakanya gaya ng pag kausap nito sakanya ngayon.

The only reason she could think of is Sabrina. Kita nya ang pag talim ng mata nito pag nakakasabay si Sabrina o pag nag uusap sila na kasama nya si Erica. She just couldn't understand why. Why is she so mad at Sabrina? Lagi nitong sinasabi na lumayo sa babaeng yon dahil masasaktan lang daw sya pero wala namang dahilan para masaktan sya kay Sabrina wala naman silang relasyon ng babaeng yun.

Tamang may kung ano syang nararamdaman para sa babaeng yun pero sinisigurado nyang hindi ito ganun kalalim para masaktan sya. Dahil kung ano ang pakikitungo nya kay Erica ay yun lang din naman ang pakikitungo nya kay Sabrina.

Nang makarating sa kwarto ay agad nyang hinubad ang sapatos nya at naupo sa kama nya habang si Erica ay agad na kumuha ng pamalit na damit at nagtungo sa banyo.

Kinuha nya ang librong nakapatong sa lamesa nya at saka inumpisahan itong basahin para malibang nya ang sarili nya habang inaantay na matapos si Erica.

Unholy HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon