Chapter 12 Troublemaker

3 0 0
                                    




SHE was staring at her paper where she wrote the name in the notebook, she connect it to Sabrina's story while her free hand was under her chin and the other one was tapping the pen on her table. Natapos na nya ang Tatlong exam na nauna at wala syang balak bumaba sa first floor para kumain. Her plan was to study again for the next exam but she ended up studying the information she got. She doesn't know why she enjoys solving a puzzle like this.

Napatingin sya sa orasan at saka isinubsob ang mukha nya sa papel na nasa harapan nya dahil pakiramdam nya ay ang bagal ng oras. Hindi nya pa masagot ang ibang tanong sa utak nya kaya mas lumala ang pagkainip nya.

Nasa ganoong position sya ng makarinig sya ng tila argumento sa labas ng silid paaralan nila. Inayos nya ang upo at tumingin sa labas pero wala syang nakikita kaya minabuti nyang tumayo at lumabas ng silid.

"The queen will hear about this." Kunot noo nyang tinignan si Tanya na may hawak na kung ano at pinapakita iyon sa babaeng nasa harap nito na nakatalikod sakanya kaya hindi nya makilala kung sino ito.

"Go. I don't care." Napatampal sya sa noo nya ng marinig ang boses ni Erica. She wasn't sure whats in Tanya's hand but she knew Erica was in trouble.

"Then the principal will hear about this!" Sigaw ni Tanya kaya nag lakad sya palapit sa mga ito at gumitna sa dalawang babae saka kinuha ang hawak ni Tanya. Tinignan nya ito at naiiling na tumingin sa dalawa.

"It's not hers." Sabad nya at ibinalik ang kaha ng sigarilyo sa kamay ni Tanya. Hinarap nya si Erica na parang gulat na nakatingin sakanya.

"How can you be sure?" Tanong ni Tanya kaya tumingin sya dito at sa kaha na hawak nito. "First. I never smell a cigarette inside our room. Second Smoking cigarettes is more likely you're squeezing your brain and lungs and forming it into a tiny piece. Third Erica is not stupid enough to engage herself in some kind of addiction." Pag iisa isa nya sa mga rason.

"We saw her at the back of the school with her friends. Gabby and Dianne are taking care of them now. Only Ms. Loar who refuses to cooperate." Tumalim ang mga mata nya nang tignan nya si Erica bago tignan ulit si Tanya at lumapit dito.

"Did you ask if she was just holding it for her friend?" Matalim na saad nya dito. She doesn't want to believe it because she didn't see it in her own eyes.

"If she just cooperates maybe I will ask that question to her but she keeps on resisting." Napatingin sya sa bulto ng tao sa likod ni Tanya. Sinubukan nyang pakalmahin ang sarili nya at huminga ng malalim nang makita si Sabrina doon.

Nagulat sya sa biglaang paglapit nito kay Tanya at kinuha ang Kaha sa kamay nito saka tumingin kay Erica at umiling. "Come with me." Saad nito at malamig ang tingin kay Erica.

Tinanguan nya si Erica nang tignan sya nito na agad naman nitong tinugunan ng nagdadabog na lakad pasunod kay Tanya at Sabrina.

Patakbo syang bumalik ng silid at kinuha ang notebook sa lamesa nya at saka inilagay sa locker na nasa pinakalikuran ng silid. Sinigurado nyang nakalock iyon bago patakbong lumabas.

"Tell ma'am I'll be late or not coming to our next exam. It's an emergency." Saad nya sa babaeng nakasalubong nya sa may pintuan bago sya tuluyang tumakbo sa dinaanan nila Sabrina.

She was hoping na maabutan pa nya ang mga ito dahil wala syang kaalam alam kung saan dadalhin ni Sabrina si Erica. "No running in the hall!" Sigaw ng gurong nakasalubong nya pero hindi nya ito pinakinggan. Maski sa hagdan ay tumakbo din sya.

Unholy HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon