Caitlin didn't know what to expect upon seeing Luce, but seeing her vacant eyes was definitely out of the question. She looks normal on the outside, but no one knows of the turmoil running inside her head. Animo'y estatwa na nakaupo ito sa kama habang nakapaskil ang tingin sa bintana na nahaharangan ng itim na kurtina. Luce tried to reach out her hand, trying to catch the small ray of sunlight that slipped through the cracks, but immediately drew it back as if burned.Parang hinalukay ng paulit-ulit ang puso niya sa naabutang eksena. Halos walang lumabas na salita mula sa kanyang bibig at nanghihina ang mga tuhod na napakapit siya sa upuan. Naramdaman naman niya ang mahigpit na paghawak ni Basil sa kanyang braso upang alalayan siya.
"Caitlin, what am I now?" pagbasag sa katahimikan na tanong ng kaibigan. She's still staring off into space and refuses to look at her.
Napahugot ng isang malalim na buntong hininga si Caitlin bago sagutin ito. "You're still you. Nothing will change." Malumanay na saad niya. Hindi alam ni Caitlin kung si Luce ba ang kinukumbinsi niya o ang sarili dahil sa binitiwan niyang mga salita.
Will nothing change? At that moment, she wasn't sure herself. Ngunit hindi na kailangan madinig ni Luce ang agam gam na nararamdaman niya dahil sa sitwasyon nito. What she needs right now is her support.
Dahan dahan siyang lumapit dito at umupo sa harap ng kaibigan. Mayamaya lamang ay nadinig niya ang mahinang pagbukas at pagsara ng pinto. Basil must have given them some privacy.
Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. Nabaling ang tingin ni Luce sa magkahawak nilang kamay. Her hands felt cold, but it was fine. Caitlin can get used to it.
"I probably look like a ghost right now," Luce muttered in silence with her head down.
Caitlin chuckles in response. "No, you still look your usual self."
May bahid na inis na tumingin sa kanya ang kaibigan. Finally, she looked at her. Caitlin internally sighed in relief.
"Masyado na akong maputla!"
Marahan na umiling si Caitlin. "You have always been pale; it must have been your father's blood in you."
Nasaksihan na Caitlin ang pamilyar na pag-arko ng kilay ng kaibigan. Sensyales na handa na itong makipagtalo sa kanya. True enough, bigla itong pumiglas sa pagkakahawak niya at mabilis na inilapat ang dalawang kamay nito sa kanyang pisngi, as if making her point. Hindi natinag na nanatili siya sa kanyang pwesto at hindi pinalis ang titig sa kaibgan.
"My hands are freezing even though it's hot. Is that supposed to be normal?!"
Caitlin smiled and looked at her calmly. Kahit na nararamdaman niya ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. "You always make a fuss when it's summer; isn't it fine now? As for me, I also like it cold."
Muling mahigpit na hinawakan ni Caitlin ang kamay ng kaibigan samantalang halos hindi makapaniwalang tumitig ito sa kanya habang nangingibabaw ang pagkabigo sa mukha nito.
"You always have the last thing to say; it's annoying!" Luce grumbles in frustration.
"Well, what I'm trying to say is, kahit anong mangyari ang importante ay buhay ka ngayon at nasa harap kita. Walang magbabago sa pagkakaibigan natin."
Luce felt touched despite her annoyance. Pakiramdam niya biglang nawala ang lamig na nararamdaman ng kanyang katawan at napalitan iyon ng init. Animo'y may bumara sa lalamunan ni Luce at nahihiya na umiwas ito ng tingin sa kaibigan. Nang pahapyaw na binalik nito ang tingin sa kaibigan ay biglang napako ang mata niya sa leeg ng kaibigan. The sudden assault of her memories of what happened the previous night made her feel disgusted.
Luce did that. She bit Caitlin and drank her blood. She felt disgusted but the taste was different. She relished and fed off her blood and it wasn't a human thing to do.
Awtomatikong napakapit si Caitlin sa kanyang leeg na natatakpan ng benda kung saan kinagat siya nito. Muling gumuhit ang disgusto sa mukha ng kaibigan. Something in the air changes and Caitlin caught a glimpse of Luce's fangs slowly lengthening.
"I'm fine. It doesn't hurt anymore," Caitlin said, waving her hands in panic. "Malayo ito sa bituka! Hindi ako mamatay ng dahil sa lang sa blood loss."
Lucie smiled bitterly. Her eyes suddenly darken. "You're wrong. People usually die because of blood loss."
"But –"
"Stop trying to make me feel better!"
Luce jumped up from her seat and started walking towards the window. Napako si Caitlin sa kanyang pwesto nang muling tumingin sa kanyang direksyon si Luce. She felt different. She looked different from normal.
"I should have died but I'm still alive. Since earlier, I felt hungry but the idea of food makes me nauseous. Instead, the scent coming from you..."
Napalunok si Caitlin dahil sa binitiwang salita ni Luce. Muling bumalik sa kanyang alaala ang hitsura nito bago siya makainom ng dugo. She looks like a starved beast ready to pounce on her. She felt vulnerable and unsafe.
Biglang nakangisi na tumingin sa kanya ang kaibigan. At hindi na nito napigilan ang pagsambulat ng mapait nitong halakhak. "See! Kung nakikita mo lang sarili ngayon sayo salamin, you look batshit scared right now! You're scared of me!"
"Hindi iyan totoo!"
"I should just die!" akmang hahawiin na nito ang nakalapat na kurtina at naalarmang napakaripas ng takbo si Caitlin para pigilan ito. Namalayan na lamang niya ang sarili na napayakap sa baywang ng kaibigan habang nakaluhod sa semento.
"No! Don't do it!" Caitlin pleaded hysterically. Her voice sounds defeaning to her ears. Luce stilled, suddenly not moving an inch. Ni hindi madinig ni Caitlin ang paghinga ng kaibigan.
Then an amusing male voice broke the silence. Biglang isang pigil na halakhak ang nangibabaw sa katahimikan na namamayani sa loob ng kwarto. Nang tumingin siya sa direksyon ng tunog, nakita niya si Basil na nakasandal sa may pinto.
"If I may, please know that you won't die easily with just a bit of sunlight," he explained light-heartedly.
Isang matalim na titig ang ibinato ng kaibigan sa direksyon ni Basil. Ngunit nagkibit balikat lamang ito.
"As a newly-turned vampire, you still have a lot to learn, and I'm more than willing to teach you the basics. We can start now but before that..."
Nabaling ang atensiyon nito sa kanya. Ngumiti si Basil ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. She felt like a child being scolded for doing something embarrassing. It doesn't sit well with her.
"As for you, Lady Caitlin, please have some dignity. You can let her go now."
Awtomatikong pinakawalan niya ang baywang ng kaibigan at tumayo para magtago sa likod ni Luce. For the first time since she first met Basil, nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pangamba. Ang normal na buhay na pinapangarap niya ay unti-unti ng natitibag.

BINABASA MO ANG
LOVEBITES
VampireLumaki si Caitlin Sinclair sa isang masaya at simpleng pamilya. Kahit pa maagang namatay ang kanyang biological father at only child lang siya masasabi niyang napaka-swerte niya lalo na't laging nasa tabi niya ang ina, pati na rin ang stepdad niya...