"Sa wakas nagising ka rin. Halos buong araw ka natulog" nakakunot ang noong turan ng kanyang ina habang hawak hawak ang basket na may lamang maruruming mga damit niya. Binaba nito iyon saglit pagkatapos ay nakapamaywang na pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Napahawak si Caitlin sa sentido niya. Hindi pa man siya tuluyang nakakatayo mula sa kama niya ay agad na siyang naliyo. Napahigpit ang kapit niya sa gilid niyon.
Crap! Bakit ang sakit ng ulo ko?
"Bakit ka kasi naglasing? Alam mo naman simula pa umpisa na hindi mo kaya ang uminom ng madami" patuloy na litanya nito. Napakurap siya sa huling tinuran nito. Wala siyang natatandaang uminom siya. Ang totoo nga niyan—parang ang labo ng mga alaala niya. Siguro dahil sa sobrang sakit ng ulo niya kaya ganoon. Bakit nga ba masakit ang ulo niya? Sigurado siya na hindi siya uminom ng alak pero ano nga bang ginawa niya?
"Mama, hindi ako uminom" nanghihinang tanggi niya sa tinuran nito. Walang balak si Caitlin na maging tumadora.
"Caitlin, don't lie to me. You stunk of alcohol. Kahit pati itong damit mo. Amuyin mo pa" nakangusong turan ng ina sa may direksyon ng basket na nakalapag sa semento ng kwarto niya.
"Pero wa—" as if one cue, biglang may sumulpot na dayuhang alaala kay Caitlin. Sa naaalala niya maraming beses siyang uminom ng alak. Nakipagsayaw sa kung kani-kanino pagkatapos ay ng makailang ulit siyang matapilok dahil sa sobrang kalasingan. Nang sumuka siya sa may harap ng bahay nila pagkababa pa lamang niya ng sasakyan at ng salubungin siya ng ina sa may labas ng pinto nila. Hindi pwede. Imposible!
"Anyway, bakit may dugo sa damit mo? Nang tinignan naman kita kagabi wala naman akong nakitang sugat" muling tanong nito. Naguguluhang napatitig siya sa mukha ng ina—lalong sumasakit ang ulo niya sa mga tinatanong nito lalo na't paulit-ulit niyang iniisip kung saan nanggaling ang mga alaalang alam niyang hindi nangyari kagabi at bukod pa doon—pakiramdam niya may nakalimutan siyang mas importanteng bagay kaysa doon kaya lang habang lalo niyang iniisip mas lalong dumudulas palayo sa utak niya iyon. Ano bang nangyayari sa kanya?
Dugo? Sinabi ba ng Mama niya na dugo? Awtomatikong lumipad ang tingin niya sa basket ng madudumi niyang damit. Nagkandasala-salabit ang mga paang lumapit siya doon at agad na hinalukay ang damit na tinutukoy ng kanyang ina na may dugo. Nanlalaki ang mga matang napako ang tingin niya doon. It's blood. No doubt about it. Though not much, splotches of blood is evident against the soft material.
Then suddenly flashes of memory bombarded her senses in full blast. Isang Goth like underground party in an abandoned building. Ang mga bisita nang party na iyon ay nakasuot ng mga mamahaling damit, napapalamutian ng mamahaling mga alahas. It was actually more like a formal party instead of a club party. At hindi siya uminom ng alak. Hindi siya nakipagsayaw. Ang natatandaan niya agad siyang naghanap ng tahimik na lugar para makalayo sa crowd---only to meet a weird grandpa who claimed to know her and then she also met a weird guy na hindi man lang natinag matapos itong masaksak ng isang baliw na lalaki na kung makatingin sa kanya para siyang kakainin ng buhay. She woke up in a room full with flying candles and Luce telling her that vampires are true. The last thing she heard is Luce screaming in pain, then someone held her tight and bit her neck. She was bitten.
Nagmamadaling dumiresto si Caitlin sa harap ng salamin at agad na ininpeksyon ang leeg niya. No bite mark. None at all. Sinunod niyang tingnan ang kanyang parehong kamay na sigurado siyang nasugatan kagabi ngunit kung saan mayroon dapat na malalalim na sugat ay nanatiling spotless. There's not even a tear in her skin. What the heck is going on?
"Baby what's wrong?" magkahalong pagtataka at pag-aalala ang nangibabaw sa boses ng ina. Lalo ring lumalim ang gatla nito sa noo.
"Everything—everything's wrong" Caitlin mumbled breathless. Anong sasabihin niya? Na may nakilala siyang bampira? Na muntikan na siyang mamatay kagabi? Na may mga naaalala siyang ginawa niya kagabi pero alam niya sa sarili niya na hindi naman talaga nangyari? At paano siya nakauwi sa kanila? Ang akala talaga niya mamamatay na siya kagabi. Nanaginip pa rin ba siya? She slapped her cheeks instead.
![](https://img.wattpad.com/cover/10863850-288-k233835.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVEBITES
VampireLumaki si Caitlin Sinclair sa isang masaya at simpleng pamilya. Kahit pa maagang namatay ang kanyang biological father at only child lang siya masasabi niyang napaka-swerte niya lalo na't laging nasa tabi niya ang ina, pati na rin ang stepdad niya...