Chapter 12

30 2 0
                                    


MAINGAT na naglakad si Caitlin sa madilim na pasilyo ng kabahayan patungo sa kwarto ng mga magulang niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip sa loob. Natagpuan niya ang ina na natutulog sa may sofa habang nakabukas ang telebisyon. Tinungo niya ang TV at agad na pinatay iyon. Kumuha na rin siya ng kumot sa may kama ng mga ito at maingat na pinatong iyon sa mahimbing na natutulog na pigura ng ina. Mayamaya lamang ay bigla itong gumalaw at nagsumiksik sa kumot na pinatong niya dito. Muntikan na siyang mapadapa sa semento para magtago when she heard a soft snore.

Nangingiting pinagmasdan niya ito habang natutulog. Siguradong nakatulog ito sa kakahintay kay Papa. Natabunan na naman siguro ng trabaho ang Papa niya kaya't napapadalas ang pag-uwi nito ng gabing-gabi. At sa mga susunod na araw-kabisado na niya ang mga mangyayari. Pagkatapos ng masigasig na pagta-trabaho nito ang susunod nitong ta-trabahuin ay ang paglalambing kay Mama. Natitiyak niyang mapapagkit na naman ito sa tabi ng ina bawat minuto, bawat segundo, bawat oras-buong araw at sa mga susunod pang mga araw hanggang si Mama na mismo ang magpapalayas dito dahil sa sobrang pagiging sweet nito.

Caitlin smothered a laugh.

Siguradong dudumugin na naman ng langgam ang tahanan nila. At kahit gaano man magpanggap ang Mama niya na naiirita ito--alam niya na masayang-masaya ito. At dahil doon hindi gusto ni Caitlin na masira ang kasiyahang iyon ng dahil sa kanya. Kailangan niyang solusyunan ang problemang kinasasangkutan niya ng siya lang. Hindi na kinakailangang madamay pa ang pamilya niya dahil sa pagiging pabaya niya. Malalim siyang napabuntong-hininga.

Bahagya siyang nag-squat sa may harap nito at marahang hinaplos ang mukha nito pagkatapos ay maingat na ginawaran niya ito halik sa noo. "Sorry Ma" mahinang usal niya.

Hindi mapigilan ni Caitlin ang makaramdam ng guilt, takot at kaba. Naghahalo-halo na ang nararamdaman niya at dahil doon pakiramdam niya masusuka na siya. She hated lying to her more than anything else and besides, she's a terrible liar. Siguradong malalaman nito ang gagawin niyang pagtakas ngayon kung hindi siya mag-iingat sa ikikilos niya. She needed to compose herself. She needed to think and act flawlessly, that she's not doing something out of line like sneaking out of the house late at night. It's 10 pm already...too late in her vocabulary as well as for her Mom, kaya nga nakatulog na ito kaagad.

And worse to that, Caitlin was grounded. Sinabi iyon ng ina habang nagdi-dinner silang dalawa kanina. Kamalas-malasan wala doon ang Papa niya para kumontra. Caitlin choked when she heard it. She almost curses when her brain slowly manage to interpret what it actually meant. Actually, as a result, she was about to throw a fit pero napigilan niya ang sarili. That's just like her. Always keeping her emotions in check. At katulad ng normal at simpleng reaksyon ng utak niya sa bawat pangyayari sa buhay niya-mapamaganda man iyon o pangit she found herself rationalizing that it's actually her fault why she was grounded. Accepting that she's actually responsible for it and no one else.

Grounded. Hurrah! Caitlin snorted.

Hindi niya akalain na mag-eexist pala yun sa vocabulary ng buhay niya. She's always been responsible and she' proud of that but it looks like it will be a different matter this time around. Lulunukin na niya ang pride niya-at magpapaka wayward teen kung kinakailangan. And besides it's not like there's any option at her disposal. Parang wala ngang ibang binigay na option ang utak niya.

One thing's for sure, she needed answers to her problems. She needs to know where the heck is Lors, make sure she's safe and then find out what's wrong with Luce. She needed to fix everything before it was too late.

After doing all of that-tsaka lang siya makakahinga ng maluwag. Tsaka lang niya magagawang bumalik sa dating boring mundane life niya and forget everything. Fix and then forget everything. Just like normal.

LOVEBITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon