Biglang sumingit sa harapan niya si Lors at muntikan nang humalik ang mukha ni Caitlin sa maalikabok na semento buti na lang agad siyang naalalayan ni Luce.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito, parehas na silang napaurong papunta sa likod ni Lors. Hindi niya maiwasang mapaisip na kahit payat si Lors halos nasakop na nito ang buong espasyo dahil ang buong atensyon ng dalawang bugok ay dito na nakatuon samantalang silang dalawa ni Luce parang hindi na nag-eexist. At kung kanina mukhang papatay sila sa matalim na tinging ipinukol nito sa kanila ngayon kung makatingin kay Lors ang mga ito ay parang gusto na ng mga itong kainin ng buhay ang kaibigan.
Caitlin sigh. It's always been Lors who commanded and wielded attention, while she or sometimes Luce both fade into the background.
Alam niyang hindi siya pangit pero hindi niya maiwasang makaramdam na parang bumaba sa negative one ang self-esteem niya. It's just that no man has ever really look at her the way others did towards her friend. Laging lumalagpas ang tingin ng mga lalaking nakakasalamuha niya palayo sa mukha niya. O kaya minsan naman parang wala siya sa harap ng mga ito. Nakatingin nga ang mga ito sa kanya pero parang hindi nagre-register sa utak nito ang presence niya. She's having those weird incidents in which despite numerous meetings with several acquaintances, they don't seem to remember her. She had to do the tedious effort of introducing herself all over again. Dati nakakaramdam pa siya ng relief kapag nangyayari iyon dahil most of the time she wanted to be left alone pero ngayon hindi niya napigilan ang pagbangon ng inis sa kanyang dibdib. There's no chance in hell that this gorgeous guy will even notice her. Uulan muna yata ng snow sa Pilipinas bago mangyari iyon.
Sa isiping iyon, para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. Nahulasan siya. Napangiwi siya ng ma-realize ang pansamantalang kahibangan niya.
"Ayos lang ako" Muling bumalik ang tingin ni Caitlin kay Lors na abala sa pakikipag-usap sa dalawang lalaki. Hindi niya alam kung bakit biglang ganoon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero muling bumalik ang kaba, takot at pagdududa na naramdaman niya kanina.
"It's gonna be fine" mayamaya ay bulong ni Luce sa kanya. Nahalata na nito ang pag-aalala niya. "Lors has her charm at her disposal" nangingiting paalala nito. Napailing na lang siya.
Nag-concentrate na lamang si Caitlin sa pakikinig sa usapan ng mga ito
"This is a private property, Miss; I suggest you leave with your friends now" saad ng isa na walang pakundungang binagtas ang personal space ni Lors para lang sabihin iyon sa kaibigan ng harapan. Walang kahirap-hirap na inignora lamang ng kaibigan ang tangkang pananakot nang isa gamit ang malahiganteng katawan nito. Lors is completely cool and compose.
"Ako nga pala si Lorelei Delos" panimula ni Lors, with matching beautiful eyes at chest out pa. Kapansin-pansin ang biglang extra attention ng mga ito sa kaibigan. She groaned inside her head. Boys will always be boys.
"And these are my friends, Lucia Joo and Caitlin Sinclair" That's our cue. Sabay silang humakbang palapit sa unahan. Pilit niyang pinapakalma ang sarili pero walang epekto, ang lakas makabalibag ng puso niya, at bigla siyang pinagpawisan ng malamig. Napagpasiyahan ni Caitlin na wag na lang pansinin ang distracting na kagwapuhan sa harapan niya at mag-focus kay Lors pero kahit anong gawin niya bumabalik at bumabalik ang tingin niya sa binata. She sighed, completely defeated. Might as well enjoy the view while it last. Sinimulan na niya ang thorough examination sa fine specimen na nasa harap niya ng mga sandaling iyon
The specimen in question in freaking huge. As in huge. Iyon ang unang pumasok sa isip ni Caitlin ng makita niya ito kanina. She never really like muscled men pero hindi maipagkakailang gwapo ito in an unearthly way. Ang mukha nito ang nakapagpagulat sa kanya. It's the opposite of his powerful body and rugged clothing. He has the most angelic face she'd ever seen that is unfortunately encased in a block of ice, cold and expressionless.
BINABASA MO ANG
LOVEBITES
VampireLumaki si Caitlin Sinclair sa isang masaya at simpleng pamilya. Kahit pa maagang namatay ang kanyang biological father at only child lang siya masasabi niyang napaka-swerte niya lalo na't laging nasa tabi niya ang ina, pati na rin ang stepdad niya...